Episode 8

1203 Words
Gaya ng inaasahan ay may naghihintay na sa aking sundo sa labas ng malaking gate. Matigas talaga ang ulo ni Matias. Kahit pagod na rin siya sa trabaho ay diretso pa rin dito sa pinagtatrabahuhan ko para sunduin lang ako at may makasabay ako sa pag-uwi. May mga dala pa kung anu-ano kaya lalo akong naiinis. Baka mamaya ay wala na siyang sinasahod sa araw-araw niyang pagbili ng meryenda namin. At baka isipin ng mga magulang niya na inuutusan ko siyang bilhan ako ng kung anong mga pagkain. Halata sa damit niyang suot na galing pa lang siya sa trabaho dahil marumi ang pantalon niya gawa ng maalikabok na semento at pagbubuhat niya marahil ng mga hallow blocks, mga kahoy at mga mabibigat na bakal. Hindi siya engineer sa kung saan siya nagtatrabaho. Bagkus ay isa siyang simpleng laborer na inuutusan ng mga mas nakakataas sa kanya construction site. Kumukuha raw siya ng experience at pinag-aaralan muna kung paano talaga gamitin ang tinapos niya. Ang alam ko ay wala rin nakakaalam na tapos siya ng civil engineer at ang pakilala niya pa ay may pamilya na siyang binubuhay. Sadyang hindi lang din mayabang ang matalik kong kaibigan. Noong nakapasa siya at nakakuha ng lisensiya ay wala man ngang nakaalam kung hindi ko pa sinilip online ang naging resulta. At hindi lang yon, mataas ang nakuha niyang score at kasama siya sa top five. Iyon ang isa sa mga nagustuhan ko talagang ugali ni Matias. Simple lang at kahit kailan ay hindi nagyabang na matalino siya. Nakasimangot ko siyang nilapitan dahil sa halip na nagpapahinga na siya ay talagang maghihintay pa siya hanggang sa lumabas ako sa trabaho. “Daria, hayan na ang boyfriend mo. Huwag mong kalimiutan ang usap natin, ha.” Paalala ni Lukreng ng daanan ako at mas nauna na sa paglalakad sa akin. Sanay na rin kasi ang lahat na may nakikita silang malaking tao na naghihintay sa akin. Ang ibang hindi kami kilala ay iniisip nga na may relasyon kami ni Matias. Pero ang iba ay alam naman na bestfriend lang talaga kami. “Mukhang pagod na pagod ka na naman, Matias pero matiyaga ka pa rin naghintay talaga sa akin,” sabi ko ng makalapit na ako kasama ng bisikleta ko. Bisikleta rin ang dala ni Matias na gamit niya pagpasok at pag-uwi ng hacienda kahit pa pwede naman siyang mag-motor na dahil mayroon naman siyang ganun sasakyan. Maliban pa sa mga four-wheels na malaya niyang nagagamit na pag-aari ng hacienda. Sadyang bisikleta ang gamit niya para nga masabayan ako. “Pagod na pagod talaga ako kanina pero ng makita na kita, nawala lahat ng pagod ko maging sakit ng mga kasu-kasuhan ko ay napawi ng lahat. At lalong giginhawa ang pakiramdam ko kapag binigyan mo ako ng isang halik,” aniya sa akin na kuntodo smile pa. Sumimangot ako sa kanyang banat. Kaya talagang napagkakamalan kaming magjowa ay dahil na rin sa mga kung anong naririnig na biro niya sa akin. “Kung kurutin yata kita sa singit mo ng madagdagan ang sakit ng katawan mo?” hamon ko pa. “Gusto ko yan! Basta kapag kinurot mo ako sa singit ko ay iwasan mong madali ang dalawang bola-bola ko lalo na ang isang mataba at mahaba kong batuta.” Pinitik ko nga ang bibig niya dahil sa masyadong walang filter na mga salita. “Aray! Bakit naman pinitik mo bibig ko!” reklamo niya pa habang nakahawak sa bibig niya na nasaktan. “Dapat lang na pitikin dahil kung ano na mga lumalabas!” sagot ko. “Totoo naman ang sinabi ko, ha? May dalawa akong bola-bola at isang mataba at mahabang batuta. Anong masama sa pagsasabi ng totoo?” inosente niyang sambit na para bang wala talagang masama sa kanyang mga sinabi. “Isa pa, Matias! Lalamasin ko yang dalawa mong bola-bola at baka putulin ko ang mahaba at mataba mong batuta!” banta ko pa ngunit tinawan lang niya naman ako. “Masakit ang pagbabanta mo na yan, ha. Baka naman kapag makita mo ito talaga ay mamangha ka at makalimutan mo ang pangarap mong afam!” pang-aasar pa ni Matias. Lagi siyang ganyan. Hindi talaga maaalis sa pang-iinis niya ang pagbanggit sa gusto ko ng afam. “Hindi ka afam kaya huwag ka ng mangarap na tinitingnan ko yang sinasabi mong mataba at mahaba mong batuta. Kahit silipin ay hindi ko gagawin.” Sabay ingos ko at mas binilisan ang pagpedal sa bisikleta. Lumubog na ang araw ngunit nakikita pa rin ang konting sinag nito na tila ba nagtatago lang sa likod ng bundok. Naalala ko tuloy ang kwento ni Lukreng at ang pinag-aalala niya at ng iba naming mga kabaryo. Ang mabilis na pagpadyak ay binagalan ko upang magpang-abot ulit kami ni Matias. “Matias, totoo ba na kinukuha na ng may-ari ng Las Palmas ang lahat ng lupain sa paanan ng bundok? Pinapaalis na nga ba ang mga naninirahan doon para magtayo raw ng minahan?” usisa ko na sa aking matalik na kaibigan. “Saan mo naman nalaman ang tungkol diyan?” aniya sa akin. “Kay Lukreng. Pilit pa nga siyang nanghihingi ng tulong sa akin para kausapin ka tungkol dito. Ikaw naman daw ang malapit sa Las Palmas at alam mo naman na matagal na nilang pinaniniwalaan na pag-aari mo rin ang hacienda gaya ng paniniwala nilang mag-jowa tayo.” Kwento ko. Wari namang nag-isip ng malalim si Matias. “Sa ngayon ay hindi ko pa talaga masasagot ang bagay na yan. Pero kung sakaling totoo man ay baka kailanganin ko ng tulong mo, Daria.” Kunot-noo naman akong nagtaka kung bakit kailangan niya ng tulong ko. “Tulong ko? Bakit naman ako? Mukha ba akong bouncer para gamitin mong tagaharang sa mga aaway sa inyo kapag talagang kinamkam na ng amo niyo ang mga lupain na matagal ng nasa pangangalaga ng ating mga kabaryo?” tanong ko. “Hindi, Daria. Kung ganun nga ang mangyayari ay kailangan ko talaga na tulungan mo. Asahan mong hindi rin ako papayag na paalisin na lang ang mga kabaryo natin lalo na ang magtayo ng isang minahan na sisira sa kalikasan. Kaya kailangan ko ng tulong mo kapag nagkagipitan na.” Seryosong sabi pa ni Matias na ngayon at ay nakatingin na rin sa bundok. “Sigurado ka ba na may magagawa nga akong tulong? Kung pera ang pag-uusapan ay alam mong walang ako niyan, Matias. Kaya sigurado ka bang talaga na makakatulong ako?” untag ko pa. Alinlangan ako na makakatulong talaga ako kay Matias. Tumango ang matalik kong kaibigan. “Oo naman. Walang ibang makakatulong sa akin at tanging ikaw lang, Daria.” Nagtataka man sa kung anong kanyang ibig sabihin ay hinayaan ko na lang si Matias. Ang alam ko lang din ay kung may matutulong ako ay tutulong ako. Sino ba naman ang nanaisin na masira ang gandan ng lugar namin. Ang bundok na nasa harapan namin ay nanatiling mayayabong ang mga puno dahil mismong mga tagabaryo namin ay may disiplina at pagkakaisa para pangalagaan ang bundok. Walang pumuputol ng mga puno at walang nagkakaingin. Hindi masama ang pag-unlad pero kung makakasama sa kalikasan ay hindi na dapat pahintulatan pa ang anuman na aktibidad na makakasira rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD