Episode 9

2130 Words
Off sa trabaho kaya nag-extra muna akong magtinda sa tindahan ng mga karne ng baboy, baka at manok sa palengke kahit isang araw lang. Mabuti na nga lang at kahit paano at hindi masasayang ang araw ko. “Daria, anong balita doon sa inyo? Iyong tungkol sa pagbubukas daw ng minahan sa lupain ng Las Palmas?” untag ni Manang Barang sa akin. Siya ang nagmamay-ari ng karnehan. “Wala po akong balita, Manang. Ang sabi po ni Matias ay hindi pa raw umuuwi si senyorita Lileth. Iyon daw ho ang pipirma o magbibigay pahintulot para mapaalis na ang mga tao sa paanan ng bundok at mabuksan na daw po ang minahan.” Sagot ko. “Usap-usapan nga na baka payagan na raw dahil ang Lileth daw na yon ay iba ang ugali kumpara sa mga naunang Las Palmas. Ang babae raw na yan ay walang pagpapahalag sa mga iniwan sa kanya dahil sa lungsod na talaga ang nais niyang tumira.” Kwento pa ni Manang Barang. Hindi ko talaga kilala ang Lileth Las Palmas na yon. Kahit matagal na kaming magkaibigan ni Matias ay wala talaga siyang na kwento sa akin tungkol sa mga amo nila lalo na kung anong pangalan ng mga ito. Wala rin namang nabanggit na balita si Matias ngunit nitong mga nakalipas na araw ay pansin ko na laging wala sa sarili ang kaibigan ko. Para bang may iniisip siya. Ang lalim ng iniisip niya kaya absent minded siya. “Kapag nagkataon ay kawawa naman ang ating mga kababaryo at kawawa tayong mga nakatira malapit sa bundok. Kapag talaga ang tao ay gahaman sa kayamanan ay wala na itong maiisip na mabuti sa kapwa lalo na sa kalikasan.” Dagdag pa ni Manang Barang habang inabot ko ang isang libo na bayad ng bumibili ng isang kilong manok. Kalat na talaga ang usapan tungkol sa minahan kaya malamang na totoo nga ito. Hindi ganito aabot sa kaalaman ng mga narito sa palengke kung haka-haka lamang ito. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Matias. Kailangan niya raw ang tulong ko sa oras na mangyari nga na payagan ng Lileth Las Palmas na yon na sirain ang Inang kalikasan dahil sa kanyang makasariling interes. At kung anuman ang maitutulong ko kay Matias ay talagang tutulong ako alang-ala sa mga kababaryo namin. Siguro ay sasamahan ko siyang makiusap sa amo niya lalo pa at alam niyang halos mga kamag-anak ko ang nasa paanan ng bundok. Hindi ko pwedeng balewalain lalo pa at kung may maitutulong naman talaga ako. Kalahating araw lang naman ang pagtitinda ko ng mga karne dahil naubos na agad kaya tuwang-tuwa si Manang Barang. Tinatanong nga niya kung magkano ang sinasahod ko sa palengke at kanya na lang daw tatapatam para sa kanya na lang daw ako magtrabaho. Bumili ako ng pagkain at balak kong dumaan sa trabaho ni Matias para bigyan siya ng meryend total ay malapit din naman yata construction site kung saan siya nagtatrabaho. At saka para malaman niya na rin na pauwi na ako at huwag niya na akong puntahan pa sa palengke. Nagbisikleta na nga ako patungo sa lugar bitbit ang mga pinamili kong pagkain pauwi sa amin at kay Matias. Hindi mahilig gumamit ng cellphonr ang kaibigan ko kaya malamang na kahit magtext o kaya ay tawagan ko siya ay hindi niya masasagot. Pagdating sa site ay agad gumala ang paningin ko sa paghahanap kung nasaan ba siya. “Si Matias?” untag ng lalaking napagtanungan ko. Mga kaedad na siguro siya ni tatay. Tumango ako at saka niya ako sinamahan kung nasaan si Matias. Bakas sa mukha ng kaibigan ko na nagulat siya sa pagpunta ko pero mas nagulat ako na may mga babae pala silang kasama ng kanyang mga kasamahan. Kantiyawan ang mga kasama niya ng makita ako. “Naku! Huling-huli si Matias ng Misis niya!” bulalas ng isa. Misis? Kung sa iba ay magjowa kami dito pala ay mag-asawa na kami. Lumapit sa akin ang kaibigan ko na may alanganin na ngiti sa kanilang mga labi. “Sino mga babaeng yon?” tanong ko agad. “Mga naglalako ng meryenda.” Sagot niya. “Huwag ka ng bumili at pinagdalhan na kita.” Sabay abot ko na sa kanya ng binili kong bibingka. “Wow! May pameryenda ka at hinatid mo pa sa akin,” ani ni Matias. “Ayaw mo ba? Siyempre maaga akong natapos sa pagtitinda kaya dapat lang na pagdalhan kita. Ikaw ng araw-araw kang may pasalubong sa akin,” wika ko pa. “Alam ko kasing gutom ka at ayaw kong mabugahan ng apoy kapag nagalit ka kaya agad na kitang binubusog.” Nakangiting sagot niya pero nakatingin pa rin ako sa mga babaeng nasa pwesto pa rin ng pahingahan nila. Nakatingin pa nga sa amin iyong may kulay ang mahabang buhok. “Mukhang hinihintay ka ng may kulay ang buhok. Type ka na naman ata,” biro ko pero naiinis ako dahil narinig naman nila na tinawag akong misis ni Matias pero bakit parang ayaw niyang lubayan ng tingin ang matalik kong kaibigan. “Huwag ka ng magselos at tiyak na mas masarap ang bibingka mo sa kahit na sino.” Sinamaan ng tingin sa akin si Matias dahil kilala ko siya na mabiro talaga. “Baka naman inuuto ka na lang ng babaeng yan, Matias. Huwag mong i-entertain at baka may asawa pala yan.” Babala ko pa sa matalik kong kaibigan na tumatawa lang. “Hindi nila ako mauuto dahil isang babae lang naman ang nakakapang-uto sa akin. At ikaw kang naman yon, Daria. Alam nila na ikaw ang asawa kaya totohanin na natin.” Isang pinong kurot sa kanyang kaliwang tagiliran ang ginawa ko. “Puro kalokohan, Matias. Afam ang mapapangasawa ko kaya huwag ka ng umasa,” giit ko na naman. “Tatanan na lang kita. Sasabihin ko kina nanay at tatay na may nangyari na sa atin at hindi ka na malinis na babae kaya dapat na tayong ikasal.” Kung anu-ano na ang talaga ang lumalabas sa bibig ni Matias. Hindi siya dating ganito pero ng mag-aral na siya sa ibang lugar ay kung anong mga kalokohan na ang natutunan niya. “Matias, kung anu-ano mga kalokohan mo, ano? Palala ka ng palala.” Ingos ko sa kanya at naghahanda na akong umalis. “Aba! Kahit naman itanan kita walang masasabi ang nanay at tatay mo dahil alam nilang hindi ka magugutom sa akin.” Dagdag pa talaga ni Matias. “Hindi rin, Matias. Alam nina nanay at tatay na nakatadhana ako sa afam kaya manahimik ka.” Laban ko pa. Natatawa na lang sa akin ang matalim kung kaibigan na alam ko naman na pinipikon lang ako. “Mag-ingat ka sa pag-uwi, Daria. Diretso lang at huwag mong papansinin ang mga nagpapansin na lalaki sayo. Ako lang dapat mong pinapansin.” Bilin pa ni Matias. “Dadaan na lang ako mamaya sa inyo,” aniya pa sa akin. “Bahala ka nga, Matias. At saka, itatanong ko na rin sayo bakit kahit s bayan ay kalat na ang tungkol sa minahan,” ani ko naman sa kanya na naging seryoso ang mukha. “Hayaan mo at hindi matutuloy ang tungkol sa minahan na yan sa oras na pumayag ka na tulungan ako.” Banggit na naman ni Matias. “Pwede ba kitang hindi tulungan sa usapin na yan? Natural na tutulungan kita sa abot ng aking makakaya lalo pa at sa ikabubuti ng mga nakatira sa paanan ng bundok. Hindi rin naman ako papayag na basta na lang sila paalisin at mawalan ng tirahan sa lugar na sila mismo ang nangalaga sa maraming dekada na nabubuhay sila. At isa pa, hindi rin ako makakapayag na masira ang kapaligiran natin.” Salaysay ko pa kay Matias. “Kaya nga talagang kailangan kita, Daria.” Matalinghaga na sambit na naman ni Matias sa seryosong tinig at mukha. Kaya naman ang tangka kong pag-alis na ay hindi matuloy. “Matias, tapatin mo nga ako, totoo ano? Totoong uuwi nga ang amo niyo na nagngangalan na Lyneth at balak talaga ba kunin paanan ng bundok sa mga matagal ng naninirahan dito?” Walang tugon kay Matias pero sa kanyang katahimikan ay mababatid na ang kasagutan. Kung ganun ay talagang nasa balag ng alanganin ang mga naninirahan sa paanan ng bundok? Nakakaawa sila kapag nagkataon lalo na ang mga matatanda na hindi nililisan ang lugar na yon dahil napamahal na sa kanila. “Anong klase ng tulong ang dapa kong gawin, Matias? Sabihin mo na para mapaghandaan ko ng gawin.” Tanong ko kay Matias. “Matias, tinatanong kita. Anong tulong ang nararapat kong gawin para matulungan ka kamo,” untag kong muli dahil umurong yata ang dila ng kaibigan kong madaldal lang naman kapag kasama ako ngunit hindi sa ibang tao. “Baka kasi mabigla ka kapag sinabi ko na sayo, Daria. Baka mapano ka pa sa daan pauwi sa kakaisip kung anong klase ng tulong ang magagawa mo para tulungan ako.” Tugon ni Matias. “Sasabihin mo o tutuhuran ko ang p*********i mo?” pagbabanta ko kaya naman napahawak si Matias sa p*********i niya. “Huwag at baka hindi tayo magka-anak,” aniya sa akin. “Kaya sabihin mo na bago ko pa ma-scramble talaga yan.” “Baka kasi mabigla ka kapag sinabi ko na lang basta. Kapag tayong dalawa na lang siguro. Sige na at babalik na ako sa trabaho ko. Magkita na lang tayo mamaya sa bahay niyo.” “Matias!” gigil kong sambit sa pangalan niya dahil wala talaga siyang balak na sabihin sa akin gayun din ang tulong na sinasabi niya na maitutulong ko. “Umuwi ka na, mahal ko at hintayin mo na lang ako sa bahay.” Biro pa ni Matias na pinarinig pa talaga sa mga kasamahan niya sa trabaho ang kanyang sinabi. “Anong mahal ka riyan? Umayos ka nga Matias at baka hindi na kita matantiya. Kapag narinig ka na naman ng mga babaeng baliw na baliw sayo ay tiyak na aawayin na naman ako ng walang dahilan.” Angil ko pa. “Hindi ka pa ba nasanay? Wala kang magagawa at magandang lalaki ang asawa mo.” Kumuha ako ng isang piraso ng karne ng baboy na pinauwi na sa akin ni Manang Barang. Konti na lang din kasi at walan ng isang kilo kaya binigay na sa akin. At tangka kong ibabato kay Matias na nagtataas na naman ng sarili niyang bangko. “Bawal ang ginagawa mo, Daria. Nagsasayang ka ng pagkain!” bulalas niya at saka na mas binilisan ng umalis. Hindi ko naman ibabato sa kanya ang pagkain. Bawal mag-aksaya kahit isang piraso. Mag-a-alauna na ng hapon kaya balik na talaga ng trabaho si Matias. Kahit naman ganitong oras ay hindi masyadong ramdam ang init sa daan patungo sa amin kasi nga ay maraming mga mayayabong na puno sa gilid ng daan. Nakasakay na ako sa bisikleta ko ng nakakailang padyak pa lang ako ng may mahagip na parang pamilyar na tao ang mga mata ko. Pinakatitigan ko ang lalaking nakikita ko ngayon na pumasok sa isang fast food chain na kalapit lang ng construction site. Si Kiko ang lalaking nakikita ko na may inaalalayan na ibang babae papasok sa loob ng fast food. Todo alalay siya sa babae na mukhang may sinasabi sa buhay base pa lang sa kulay ng balat na sanay yata sa bente-kwatro oras na naka airconditioned. “Mukhang nakahanap na naman ng bagong sugar mama ang lalaking ito. Mabuti na lang at may bago na siyang girlfriend at hindi na sila magkakabalikan ng ate ko. Kahit alam kong may usapan lang sina Ate Dea at kuya Rhuel ay umaasa akong totohanin na nilang dalawa ang relasyon.” Ngunit hindi pa ako nasiyahan. Nagtungo ako sa fast food chain at nagpanggap na hindi ko napapansin ang dating nobyo ng ate ko. Binagalan ko pa nga ang paglalakad ko at sa mismong harap ng lamesa kunh saan siya nakaupo kasama n bago niyang babae ay nagkunwari akong may hinahanap sa loob ng bag ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o titingin kay Kiko dahil hindi niya alam kung paano siya magtatago sa paningin ko. Naroon ang yumuko siya ng mabuti o kaya naman ay tumingin sa labas ng gusali. Bilib talaga ako sa kakapalan ng mukha ng lalaking ito. Kahit hindi magkatuluyan sina Ate Dea at kuya Rhuel ay hindi na ako makakapayag na makisama ulit ang ate ko sa ganitong klase ng lalaki. Pagkatapos kong makumpirma na siya nga si Kiko ay balewala na akong lumabas ng fast food. Hindi ko naman na siya dapat na pag-aksayahan ng panahon. Basta masaya ako na wala na si Ate Dea sa buhay ng dati niyang nobyo at ng pamilya nitong lahat ay makakapal ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD