“Ano kamo? Nakita mo ang dating nobyo ni Ate Dea at may kasama ng ibang babae?” untag sa akin ni Matias ng sabihin ko na nakita ko nga si Kiko doon sa fast food na malapit sa contruction site kung saan siya nagtatrabaho. “Oo nga. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon ay ng buo niyang pamilya. Pagkatapos nilang pakinabangan ang ate ko ng ilang taon ay basta na lang nilang itataboy na para bang walang nagawang mabuti para sa kanilang lahat. Lalo ang naging nobyo ni ate. Super kapal ng mukha niya. At sigurado ako na ang babaeng kasama niya ay ang bagong biktima na naman niya para gatasan.” Inis kong sambit. “Anong sabi nang makita ka niya?” usisa ni Matias. “Nagkunwari akong hindi ko siya nakita kahit pa nalapitan ko siya para nga kumpirmahin kung siya ba talaga ang nakita ko. Halos mabali

