“Nak, nagkakagulo na raw ang mga tao sa paanan ng bundok. Nagsisimula na raw magsidatingan ang ibang mga tao sakay ng malalaking truck at usap-usapan na na rin daw na sapilitan silang paalisin sa oras na magbigay lang ng signal si Senyorita Lyneth.” Kaya pala mukhang problemado si Nanay pagdating ko ng bahay galing sa trabaho dahil mukhang totohanin na nga ang pagpapaalis sa mga tao sa paanan ng bundok. “Talaga po ba, Nay? Nagpakita na po ba ang Senyorita Lyneth na iyon sa kanila? Kinausap na muna po ba sila?” mga tanong ko kay nanay habang pinaparada ko ang bisikleta ko sa likod-bahay. “Anak, hindi raw nagpakita sa kanila bagkus ay abogado lang daw nito ang kumausap sa lahat sa paanan ng bundok.” Kung ganun ay wala pala siyang balak humarap sa mga taong alam niyang sa paanan na ng b

