Episode 12

1550 Words

Seryoso si Matias. Seryoso talaga siya sa pag-alok sa akin ng kasal dahil iyon daw ang solusyon para hindi matuloy ang pagkamkam ni Lyneth Las Palmas sa buong hacienda. Mapipigilan daw ng pagpapakasal ko sa kanya na mapaalis ang mga tao paanan ng bundok. “Niloloko ba ako ni Matias? Inuuto niya ba ako?” pagtatanong ko sa sarili ko. Mula ng ihatid niya ako rito sa bahay ay hindi na talaga ako mapakali. Anong pinagsasabi ng kolokoy na yon sa akin? Bakit kasal? Paanong mapipigilan ng kasal namin ang pagkamkam ng Lyneth Las Palmas na yon sa buong hacienda? Pero seryoso talaga si Matias kanina. Walang halong biro ang kanyang sinabi at kilala ko siya kung kailan seryoso at kung kailan nagbibiro. Pupuntahan niya na lang daw ako para ipaliwanag sa akin ang lahat kapag nagkausap na sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD