Episode 28

2112 Words

Kagagaling ko lang mula sa mga magulang ko ng mula pa lang sa malayo ay naulinagan ko na tila maingay ang malaking teresa ng bahay sa hacienda. Hindi ko alam kong anong okasyon ngunit waring may ibang tao o bisita ang hacienda Las Palmas. Hindi ko na pinagkaabalahan pa na silipin o tingnan ang kasiyahan at nagtuloy ako sa likod bahay kung saan naman ako palaging dumaraan. Madalas kasi na naroon sina Lola Bebe at ang ibang kasambahay. “Nariyan ka na pala, Daria. Kumain ka na muna. Nagluto ako ng carbonara at nagtabi ako para sa atin at sa asawa mo,” ani agad sa akin ni Lola Bebe ng makita na akong pumasok nga sa kusina. Abala sina Lola Bebe at ang iba pa sa pagluluto ng kung anong mga pagkain. “La, ano po bang okasyon? May birthday po ba?” tanong ko na at saka na muna nagmano sa matand

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD