Tuluyan na akong nag-resign sa trabaho dahil napagilatan ako sa mga magulang ko. Dapat daw ay hindi ko iniiwan ang asawa ko lalo pa nga raw at kailangan ako sa kanyang tabi. Tama naman sila at ayokong sumasam ang loob ng mga magulang ko sa akin kaya sumunod na lang ako sa payo nila lalo na ni nanay. Responsibildad na raw namin ni Matias ang isa't-isa kaya dapat lang na alagaan ko ang asawa ko. At dahil ayoko naman na maiwan sa bahay at masira ang araw ko sa tiyahin ni Matias ay sumasama na lang ako sa kanya sa malawak na lupain ng hacienda Las Palmas na mas kilala ko sa pangalan na hacienda Pacita. “Naku! Dapat sa inyong dalawa ay nagliliwaliw muna dahil nasa honeymoon stage pa lang kayo para naman agad kayong magkaroon ng maliit na Matias o kaya ay Daria,” ani sa amin ng isa sa mga

