Chapter 9

1696 Words
Mabilis na lumipas ang mga Buwan ay unti unting nag a adjust si Eris.Nag focus si Eris sa Coffee shop nya at kay Aeolus, Sinasama nya ang kapatid sa Shop, sa taas kasi ng Shop ay meron syang maliit na kwarto may maliit din na Cr sa taas. Ganon ang routine nilang magkapatid, nagulat nalang sya isang araw nang may na tanggap syang tawag na may mga tao daw sa bahay nila at isa isang inilalabas ang mga gamit kayat dali dali syang umuwi, inihabilin nya muna si baby kay Danna. Pagdating nya nga doon ay nakita nya ang ilang lalaki at tinanong nya ang mga ito. Teka ho sir, Ano pong ginagawa nyo? Bakit nyo po nilalabas ang mga gamit namin? Tanong ko sa mga lalaking naglalabas ng mga gamit. "Mam, pasensya na po napag utusan lang din po kami, eto ho ang notice mam"..wika ng lalaki Nang basahin ko itoy notice ito ng aming bahay na kailangan naming umalis hangat hindi pa na sesettle ang sinasabing issue na hindi na raw kami ang nag mamay ari nito at hangang di pa naayos ang problema.. Kinonsulta ko din ito sa abogado namin ngunit ganon nga daw kahit sila ay nagtataka kung bakit at paano nangyari iyon.. habang hindi pa ayos ay kailangan muna naming lisanin ang Bahay ng aming mga magulang. Wala akong magagawa kundi sumunod nalang muna, dinala ko na lamang ang mga importanteng gamit namin ni aeolus, at ang iba naman ay pinatabi ko muna kina Lily at theron, "Eris, sabi ko nman sayo pwede kang tumira sa bahay kayo ni baby, May guest room naman doon pwede kayong mag ate" . Wika ni theron. "Ay naku theron ok na, pahabilin nalang muna ako ng mga gamit, dito nalang kami sa taas ng shop, medyo malaki rin naman ang kwarto sa taas, kasya pa nga ung closet namin ni Aeolus" wika ko kay theron na hinihimok akong dun na sa kanila tumira. "Oh sya sige, kung di talaga kayo mapipilit magkapatid, basta pag may problema sabihin mo lang ah..". Dagdag pa nito. "Oo na, salamat theron. No worries."wika ko. Dahil doon na kami nakatira sa shop ay natututukan ko narin ito maghapon pati si aeolus, minsan nga lang pag nag iiyak ito kailngan ko pa umakyat sa kwarto dahil sound proof doon..nahihiya din kasi ako na maabala ang mga customer. Lumipas pa ang mga araw ay madalas akong makatangap ng mga notice. Marami ring dumadaan sa shop para itanong kung binebenta ko ba ito. Sa isang araw 5 ang nagtanong at tinatanong kung binebenta ko ba raw ang shop. "Im sorry po, baka nagkakamali po kayo, Hindi ko po ito Binibenta at never ko po itong Ibebenta, Baka nagkamali lang po kayo ng Shop na napuntahan. Saad ko sa isang Ale na interesado daw sa shop. Ganon din ang sinabi ko sa huling nagtanong sa Akin.. Sa sobrang lungkot ko at pag ka dismaya ngayong araw ay tinawagan ko sila theron,wella, ridge at lily nag videocall kaming lima. "Hi guys..Sorry na..wala lang na miss ko lang kayo" ..Saad ko ng nakita ko sa screen ang Mukha ng 4 kong mga kaibigan. "Mis kana din namin Eris", wika naman ni lily at wella na pakaway kaway at flying kiss pa sa screen. "Bakit Eris, may problema ba..ang lungkot mo ata..si baby nasan na?..tanong naman ni Theron. "Tulog na si Aeolus," sagot ko naman. 'Oh, kumusta na kayo ng kapatid mo Eris? Saka bat para ngang malungkot ka? tanong din ni Ridge sa akin. Isang Buntong hininga ang aking Pinakawalan bago ako ulit nagsalita. "Ganto kasi, Limang tao yung pumunta dito sa shop today, tinatanong kung binebenta ko tong shop, nagtataka ako bakit naisip nila na ibebenta ko to. Ang sabi lang nila nakita nila sa isang ads.. "Hala..ganon..Eris, hindi kaya meron naninira sa inyo? Kasi Una..pinalayas kayo sa bahay ng biglaan kesyo ganto ganyan..tapos ngayon naman pinagkakalat na binebenta mo ang shop"..wika ni Lily. "Yun nga ang hindi ko maintindihan, porke ba nilaban ko ang kaso ni Dad, kaya may nagbabanta sa kabuhayan namin ni baby? Parang yun kasi yung nakikita kong reason lily. "Hindi natin alam Eris,pero parang ganon nga, basta mag iingat kayo palagi ni baby Aeolus, Babae ka..may kapatid kapang baby.. Bakit kasi ayaw mo pa tumira muna kina theron?".wika nmn ni Wella. "Oo nga Eris, okay naman kay mama na don kayo tumira, para ka namang hindi kaibigan" dugtong naman ni theron. "Ahm..Salamat theron, pero sige pag iisipan ko ang alok mo" nangingiming wika ko. "Yown...yun naman pala eh..kaya wag kana mag dalawang isip..mapapanatag kami kung kina theron ka muna titira." Dagdag naman ni ridge. "Salamat sa inyo...Gumaan ang pakiramdam ko kahit papano." "Ano kaba basta andito lang kami pag kailangan mo ng kausap,okay.." paalala naman ni Theron. "Oh sya Salamat sa Pakikinig at Payo nyo, O sige na goodnight na sa inyo, paalam ko sa kanila. "Goodnight din sayo bye"..Sabay sabay na pag papaalam ng 4 kong kaibigan. Samantala Maya maya ay nagising si Aeolus kasalukuyang nasa baba pa sila. Naglilista kasi sya ng kailangang bilhin,umiiyak ito na sa wari nya ay gutom na kaya kinuha nya ito at kinarga, naka paskel na ang Close sa pinto ng shop nagulat sya ng may Pumasok parin.. "Sorry po Close na po kami.. Hindi nya pa natatapos ay nakita na nya ang isang bulto ng lalaki sa kanyang harapan, walang iba kundi si Xavier, sa kamay nito ay may 2 paper bag na naglalaman ng mga diaper,Tissue,and Wipes. "Hi Eris..magandang gabi"...bati ng binata. "Oh..Xavier ikaw pala nagulat ako akala ko customer pa.." Kumusta kayo ni Baby? Umiiyak ata sya?" Tanong ni Xavier dahil naabutan nyang umiiyak si Aeolus. "Oo nagising gutom na siguro ipagtitimpla ko palang ng milk." "Ganon ba..akin na muna para matimplahahan mo ng ayos." Inabot ko naman si aeolus kay xavier At hinele naman nya ito, hangang sa unti unti na itong tumahan, Matapos kong magtimpla ay inabot ko sa kanya ang gatas ni Baby Aeolus. "Sige na ako na ang magpapa dede..Sya nga pala Eris may dala akong Burger mainit pa..kainin mo na muna bago pa lumamig..saka binilhan ko na din si aeolus ng Diaper, napadaan kasi ako sa mercury kanina..wala lang naisip ko lang baka konti nalang stock nya..baka hindi kapa makapunta sa grocery kaya binili ko na..wika ni Xav "Ano kaba Xav, nag abala kapa..meron pa naman syang isang Balot na Diaper medyo marami pa naman yon, Salamat Dito sa Burger ha. Ahm at salamat din sa diaper,bayaran ko nalang.." saad ko habang kinakain ang pasalubong nyang burger. "Ano kaba...di naman kita sinisingil, para kay baby naman yon" "Ganon ba..okay sabi mo eh..nga pala may gusto kabang inumin..gagawan kita makabawi man lang ako sayo." Tanong ko kay Xav. "Talaga..ok nako sa black coffee para hindi kana mahirapan masyado" sagot naman nya Agad ko namang ginawan sya ng kape Hindi nya parin nilalapag si aeolus karga nya parin ito. kinukuha ko si baby sa kanya ngunit okay lamang daw, Kainin ko na lamang daw ulit ang pasalubong nya. Nagkwentuhan kaming dalawa habang nagkakape at na i kwento ko din sa kanya ang pagpunta ng mga taong balak bumili ng shop kahit di ko naman binebenta. "Sa palagay mo, may kaugnayan ba yan sa paglaban ko sa kaso ni daddy?" tanong ko sa kanya. "Baka ganon na nga, hindi pa natin alam, pero imbistigahan natin. Basta palagi kayo mag iingat ni baby." "Salamat oo Nga pala, Iniisip ko yung alok ni theron na dun na muna tumira sa kanila. Sa palagay mo.?"Tanong ko kay xavier, I "Ikaw mas ok nga siguro, or kung gusto mo sa condo ko.. I have another rooms na bakante pwede kayo dun ni baby." dagdag pa ni xavier "Naku,hindi na xavier, maabala kapa lalo na kapag umiiyak tong si baby, ok na kina theron nalang siguro, saka andon din naman sila tita, mommy ni theron sabik din sa bata."wika ko Oh sya ikaw ang bahala, basta sa safe kayo ni baby, and if you need help just call me.okay." dagdag nya pa. Kinabukasan ay tinawagan ko si Theron at sinabing sasama na kami at doon na titira sa mga susunod na araw.. Masaya naman si theron dahil kahit papano hindi na raw sya ganong mag aalala sa aming magkapatid. Maganda sana ang gising ko ngunit pagbukas nya ng pinto ay nakita nya ang isang envelope. Binuksan ko ito.. Nakita ko ang nakasulat dito. At nakalakip din dito ang picture ng mga malalapit kong kaibigan.. Picture ni Theron,Wella,at Lily, "Subukan mong Humingi ng Tulong sa mga Kaibigan mo, Isa sa kanila ang Susunod sa mga magulang mo" Yan ang nilalaman ng sulat sa envelope kasama ng larawan ng mga kaibigan ko. Agad akong kinabahan para sa kanila. Kayat agad kong tinawagan si Theron at pinaalam ko na Hindi ko na pala itutuloy ang paglipat sa kanila..tatawagan ko pa lamang sya ay nagulat na agad ako ng makita ko syang papasok sa shop. Kayat personal ko nalang sinabi kay theron ang nais kong sabihin. Nagtaka si theron, ngunit halata nya na may nililihim ako. Huh? Bakit nagbago na naman ang isip mo? Tanong ni theron sa akin, "Sorry theron, naisip ko na..na dito nalang kami, mas comfortable kami dito ni baby..I know na mabait si tita pero nakakahiya parin kasi, pakisabi nalang kay tita na dadalaw dalaw nalang kami sa inyo." Dagdag na wika ko kay theron. "Okay..wala naman ako magagawa kung ayaw mo talaga basta pag kailangan mo ng tulong andito lang kami okay?" Dagdag pa ni theron sa akin. Tanging tango na lamang ang naisagot ko sa kanya. Hindi ako makapag focus ng araw na un, pagkagaling kasi dito ni theron, nakatangap ako ng mensahe sa messenger nakita ko ang picture namin ni Theron na magkausap at ang caption pa ay "Kung etong Kaibigan mo na to kaya ang unahin ko" Yan ang naka caption sa larawan. Mas lalo akong kinabahan, alam nya ang mga galaw ko .mga galaw namin..kaya mas lalo akong natakot para sa mga kaibigan ko. Ayoko silang madamay..chineck ko ang CCtv baka sakaling nakunan kung sino ang nag take ng picture namin ni theron ngunit wala.. Natigilan lang ako sa kaiisip nang mapansing Umiiyak na pala si Aeolus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD