Chapter 8

1691 Words
Ilang oras na ang nakalipas ngunit di parin lumalabas ang Doctor..Dasal lamang ng dasal Si Eris na sanay ligtas ang kanyang Ina at ang kapatid maya maya pay Lumabas narin ang nurse.. Nurse..Kumusta po ang mommy at Kapatid ko? Tanong ko sa kalalabas pa lamang na nurse Ahm..Si doc nalang po ang tanungin nyo..pasensya na po. Kakatok na sana ako ng biglang lumabas ang doctor.. Doc...kumusta po ang mommy ko? Ok lang naman po sila diba po. Ahm..Hija..tatapatin na kita..alam kong masakit dahil ama mo rin pala yung kasama sa namatay sa shoot out..pero im sorry hija..your mom didn't make it too..sinigurado nya lang na mailabas ng ligtas ang kapatid mo ngunit minuto lang ay binawian na rin sya ng buhay..ang kapatid mo naman ay nasa Nicu..naka incubator pa sya dahil 7 mos palang sya..salamat na lamang din at malakas ang kapatid mo.. Condolence hija...Magpakatatag ka. At pagkarinig ko noon sa doctor ay tumakbo na ako sa loob kung nasaan nakita kong nakahiga si mommy at wala ng buhay. Mommy bakit pati ikaw...bat pati kami ni baby iniwan mo narin..ma pano na kami ni baby... Ganon mo talaga kamahal si Dad..ang bilis mo naman po syang sinundan kaagad.. Ma..salamat sa lahat sa inyo ni daddy..Kahit mahirap pangako aalagaan ko po si Baby. tulad ng Pag aalaga nio po sa akin.. Mahal na mahal ko po kayo ni Daddy mommy. Mabilis na naayos ang paglagak sa labi ni Mom and Dad..hindi ko nadin pinatagal ang lamay 3 days lamang, marami rin ang nakiramay, pati ang iba naming kamag anak,May mga kamag anak na concern, meron din namang mga nakikichismis lamang. Eris hija, Kapag may kailangan ka Hwag kang mahihiyang lumapit sa amin ha..Wika ni Tita Pina sa akin, Salamat po tita, Eris, Kaya mo bang talaga? Aba, mahirap yan..Kung ako sayo Ibigay mo nalang sa DSWD or ipaampon mo ang kapatid mo dun sa Maalagaan talaga sya..Baka Akala mo TUTA ang aalagaan mo, Wika naman ni Tita Ursula na syang nakapag panting sa Tenga ko. Tita Ursula, Kung wala ho kayong maayos na sasabihin Wag nalang po kayo magbigay ng Opinyon.wika ko. Aba, Eris, Suhestion ko iyon Sa Iyo, Kung mamasamain mo Bahala ka, Hwag ka masyadong mag magaling na kaya mo ang lahat.wika ni tita ursula na di parin natigil. Tama po ba yung Suggestion na sinasabi nyo sa akin, sa harap ng labi ng mga magulang ko, tapos imbes na pagpapalakas ng loob mas lalo nyo lang pinahihina, Sasabihin nyo na Ipaampon ko ang kapatid ko, No tita..Wala na si mom and Dad...Kaya mas lalo kong hindi isusuko ang kapatid, Sya nalang ang natitira sa akin,Kaya pasensya pero di ko matatangap yang Suggestion na sinasabi nyo. Excuse me... Sa sobrang Pagka dismayado ko ay iniwan ko si tita ursula pagkatapos, Nilapitan naman ako ni Tita Pina at sinabihang Wag na lamang intindihin ang pinagsasabi nito. Marami ang nakipag libing Hindi ko na kilala yung iba, basta yung iba na nakiramay sinabi sa akin na isa sila sa natulungan nila mom and dad, nakakatuwa lang dahil kahit di namin mga kamag anak ay marami parin palang natulungan ang mga magulang ko. Pinangako ko kay dad na hahanapin ko ang hustisya sa pagkamatay niya. Nang mailibing na sila ay inayos ko naman ang pag aasikaso sa aking kapatid Buti na lamang at malakas daw ito. Unti unti nang gumaganda ang katawan nito at pinangalanan ko itong Aeolus Escaño Araw araw kong binibisita ang kapatid ko at tinitiyak kong palaging ok ito. Samantala mas naging magkaibigan naman kami ni Xavier..palagi syang nangangamusta..minsan ay sinasamahan din ako nitong dumalaw kay aeolus, si theron naman ay dumadalaw din minsan kasama ang nobya nito..sinagot na kasi sya nang nililigawan nya..masaya naman ako para sa kaibigan ko. Makalipas ang 4 months ay graduation na namin.. Bumalik na naman ang lungkot dahil eto sana ang masayang araw ang aking pagtatapos kaso nga lang wala na ang mga magulang ko na pag aalayan ko nito. Pinunasan ko ang ilang takas na luha at inayos ko muli ang aking make up.. Pag baba ko ay nakita ko ang cute na cute na Si aeolus na nakahiga sa stroller. 'Hi baby..Excited kana din b sa graduation ni ate..Wala si mom and dad kaya para nalang sayo bunso.. Sabay halik at yakap nia sa kapatid. Behave ikaw don baby ha...love u pogi.Hmmm..kakagigil ka talaga baby ko. Palabas na kami ng bahay ng dumating ang sasakyan ni Xavier..naka Tuxedo pa ito malamang galing pa ito sa opisina.. Hi Eris, congrats...Nakangiting wika nya. Salamat Xavier...Wala kabang work? Meron, pero syempre..importanteng araw mo to eh.. Woah..talaga ba...Natatawang wika ko sa kanya. Dito na kayo sumakay, inabot naman nia si Aeolus at pinaupo muna ako. Hi Buddy...your getting big na ah.. Malikot kana din hehe . Ay naku sinabi mo pa hehe..Akin na si aeolus papadedehin ko muna para mamaya tulog na yan. At inabot naman ni Xavier ang bata sa dalaga.. Nang marating na nila ang Venue ay tulog na nga si baby Aeolus, ibinigay niya muna ito kay sol.. Pumasok na sila ni Xavier sa bandang unahan at Si Sol at Baby aelous naman ay nasa may Bandang gilid. Nagsimula na ang Ceremony maging sa Pag i speech ay marami ang naiyak,..halos lahat nang naroon mapa estudyante, bisita..mga magulang ay nag pupunas nang luha ng sya na ang nag speech. Thanks to my mom and dad po na palaging nandyan para sa akin. Naniniwala na ako na may Forever Kasi..Wala pang Isang Araw Sinundan na nila agad ang isat isa.. Kaya din pala nila Ako binigyan ng kapatid..dahil ayaw nila ako maiwan mag Isa.. At Higit sa Lahat For you My Baby Brother Aeolus, alam kong hindi mo pa to maiintindihan pero gusto kong malaman mo na lahat ay gagawin ko para sayo, Mahal na mahal ka ng ate..I love you Baby.. At sa mga kaklase ko din po, Mga Guro..mga kaibigan, sa mga Staff ko po sa Shop..kay ate sol..saka kay Theron and Xavier salamat sa inyong dalawa.. Yun lamang po ang God bless us all. Maya maya ay binigay na ang diploma at award At pagkatapos ay picture taking na nagpicture sila kasama ang mga ka klase at mga kaibigan..may picture din sila ni baby aeolus, at may picture din syang kasama si baby at si Xavier at meron din silang solo ni Xavier Samantala after ng Grad ay dinala sya ni Xavier sa isang Fine dining restaurant may reservation pala itong hinanda..ininvite din nila si theron at gf nito maging ang mga staff nia ay imbitado rin.. Buhat nya si aeolus dahil mas una nyang pinakain si ate sol dahil kanina pa ito may alaga kay baby, kayat buhat buhat nya ang cute nyang kapatid. Akin na muna si baby..Kain kana.. Wika ni Xavier.. Huh..hundi na ok lang ako..mauna kana... Nope kain kana akin na si Buddy okay.. Baby come to Kuya..Kakain muna si ate okay... Ngiti naman ang sinagot ng bata na tila ba akala ay naiintindihan ang sinabi ni xavier.. Nilalaro ni Xavier si Aeolus, tahimik lamang ito na nakatingin kay xavier babyng baby na pahikab hikab ..Panatag narin ito kapag karga sya ni xavier nahulog nadin ang bata sa binata.. Hangang sa tuluyang makatulog ito sa bisig ng binata at inabot naman ito ni Eris.. Akin na si baby..ikaw naman ang kumain...Grabe nabusog ako..ang dami kong nakaing hipon..ang sarap kasi..hehe..wika ni Eris. Busog naba yan..E di man lang bumakat sa tyan mo, kumain ka ng marami..okay lang naman kahit tumaba ka...wika ng binata. Hehe nako ewan ba..marami naman ako kumain di lang talaga ako tabain Wika naman ng dalaga. Gusto mo ba tumaba? Huh..bakit? Secret....hehe... Hmmm loko loko... Matapos na Mag dinner ay hinatid na din kami ni Xavier Xavier..Salamat pala sa pagsama at sa Pa dinner mo. Wala yun Mahalaga nag enjoy ka.. Saka Hindi libre yon..may kapalit yun noh..Nakangiting wika nya sa akin. Huh? Ano naman... Hehe Yung Coffee mo..gusto ko ikaw ang mag supply ng Coffee ko everday. Hhaa...Yun lang ba noted ba.. Talaga? Sige ba aasahan ko yan Yes master.hehe..pano pasok nako mag iingat ka Thank you ulit. Welcome Eris, Ingat kayo ni Baby. At umalis na Si Xavier pauwi ng condo. Nagulat sya pag dating nya doon ay andon ang mommy nya.. Oh mom...andto po pala kayo? Kanina pa po ba kayo? Di naman anak, halos kararating lang din, kumusta ka naman Di ka nauwi sa mansion kaya dinalaw na kita. Ok naman po ma, this weekend ko po sana kayo dadalawin eh. Ganon ba anak, San ka pala galing, Maaga ka raw nag out sa office. Yes ma, umated ako ng graduation ng Kaibigan ko.then Dumaan nadin kami at nag dinner pagkatapos. Talaga anak, sinong kaibigan naman yan..excited na tanong nang ina. Si Eris mom...ERIS ESCAÑO... sya yung anak ng isa sa napatay sa RivaMonte Tapos after ng dad nya yung mom nya naman po ang namatay after na malaman na patay na ang daddy nya, buti na lang po at nailabas pa nito ang baby bago namatay.. What, buntis pa ang mommy niya nung namatay? Yes mom, seven months..Pero buti po safe si Baby,,Ok na po ngayon. Eto ang picture nila ma... At iniabot nya ang Cp sa ina na may lamang picture nilang tatlo. Naku nga anak..kawawa baby pa nga ang cute pa naman. Pero infairness anak Magandang bata si Eris, Bagay kayo.. Para kayong Happy Fam sa picture na ito. Kung iba ang makakakita nito iisiping Mag asawa kayo ni Eris at anak nyo ang bata. Hindi ko alam ma, pero ang gaan ng pakiramdam ko pag kasana ko sila, Anak, umamin ka nga? May feelings kaba kay Eris? Basta ma, masaya ako pagkasama ko sya, makalas ang t***k ng puso ko kapag nandyan sya.. Anak..sa palagay koy inlove kana sa kanya, pinipigilan mo lang, Anak okay lang naman na magmahal ka Its already 3 years nang huli kang nagmahal..Alam kong minahal mo si Chenley ng sobra..pero anak 3 taon na ang nakalipas, its time para magmahal ka ulit, wag mo hadlangan ang sarili mong maging masaya. Mag mahal ka ulit anak. Salamat po ma, kaya mahal na mahal kita eh, palagi mo akong sinusuportahan.wika ni Xavier sa ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD