Mabilis pang lumipas ang mga araw ay ganon parin ang routine namin ni Xavier, kapag minsan sya ang naghahatid sa amin sa shop.
Malapit na din mag 1 year old si Aeolus, kayat busy din ako sa pag aasikaso nito.
Gusto ko sana ay Simpleng pagsasalo na lamang sa shop mga kaibigan at staff ko lamang sana ang mga imbitado ngunit nag suggest si Xavier na First birthday kaya dapat daw sa malaking bakuran gawin, nang malaman naman ni Tita Xena ay nag suggest din sya na kung Maari ay sa Mansion na lamang nila gawin, apo narin kasi ang turing nito kay Aeolus, Wala naman na akong nagawa kundi ang pumayag. Napagkasunduan na sa malawak na hardin nila gaganapin ang birthday.
Isang gabi kakatapos ko lamang maglista ng mg kailangan napansin kong nasa office room pa si xavier kayat tinimplahan ko din sya ng gatas.
"Xavier..gatas mo. " sabay abot ko sa kanya.
"Thanks Eris, bakit gising ka parin? tanong nito sa akin.
"Ah..inilista ko lang yung ibang needs sa birthday ni aeolus.
"Ganon ba, may kulang paba? My gusto kapa bang mga idagdag? tanong nya sa akin.
"Wala na okay na yung nasa list ko.
Ang bilis ng panahon, mag 1year na si aeolus, 1 year nadin kaming iniwan nila mama at papa.." wika ko at bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot.
"Eris, im sure your parents are proud of you, Naging matatag ka lalo nung nawala sila, you raised Aeolus well,
Kaya sigurado akong proud sila sayo.wika ni Xavier.
" Pano kaya kung buhay si mom and dad, sigurado mas masaya. Sayang nga lang Hindi na nila nasaksihan ng actual ng pag Graduate ko, Ang pagsilang ni Aeolus, Ang unang word na lumabas sa bibig ni baby, ang unang hakbang nya,ang first birthday. Lahat ng yan di nila naranasan, at lalo na si aeolus hindi man lang nya nasilayan sila mom and dad." Dagdag ko pa.
"Alam mo maswerte din si aeolus kasi ikaw ang ate nya. Lahat ginagawa mo para sa kanya." marami tayong nagmamahal kay aeolus, saad pa ni xavier.
"Salamat sa inyo nila tita, kahit hindi nyo kami kaano ano, mahal niyo rin si Aeolus."
"Oo naman, even you, Mahal ka namin, at Mahal kita Eris.
"Nagulat ako sa Sinabi ni Xavier, Napatingin ako sa kanya at Nakatitig lang sya sakin. At inulit pa uli ang sinabi nya.
"Tama yung narinig mo Eris, Mahal Kita. Handa akong maghintay, kung hindi kapa ready, hindi kita mamadaliin, ang mahalaga nasabi ko sayo ang nararamdaman ko na matagal ko ng tinatago. Pero hiling ko lang sana na wag mo akong iwasan ngayong nasabi ko na ang feelings ko for you."dagdag nya pa.
"Ahm..eh oo naman,walang magbabago," sabi ko sa kanya at nginitian ko sya. ayokong magkaron ng bounderies sa aming dalawa dahil lang sa pag amin nya ng feelings sa akin.
"Deal? wika nya sabay abot ng kamay at inabot ko naman iyon.
"Deal hehehe"
"So pano tulog na tayo late na," wika ko kay xavier.
"Tara...san tayo matutulog sa room ko or sa room nyo ni Baby." Napatingin ako sa kanya at nahuli ko syang ngiting ngiti.
"Sa Room natin pareho..hehe Ikaw sa room mo, at ako sa room namin ni baby...Ano? Okay na Mr.Xavier Osteller? Wika ko.
"Ahmm Copy Ms.Escano hehe."
Tatayo sana ako ng bigla nya akong halikan sa pisngi.
"Goodnight Eris, Sleepwell and Sweetdreams.
"Ahm..Goodnight Xavier.." paalam ko naman.
Kinabukasan ay medyo tinanghali ako ng gising, Hindi kasi agad ako nakatulog kagabi.
Pag gising ko ay wala na si Aeolus sa tabi ko at natagpuan ko sila ni Xavier sa terrace ng Condo nagpapa araw.
"Goodmorning Boys" wika ko sa dalawa.
"Goodmorning Our pretty lady. Hmm..tinanghali ka ata ng gising..mukang hindi ka nakatalog Eris." Wika ni Xavier na tila pinapa sexy pa lalo ang boses. Aba teka ang aga ako pagtripan ng isang to ah.
"Hehe..Ganon ba..yung isa kasi dyan ang may kasalanan kaya di ako nakatulog agad.
"Ganon ba..ang Bad naman ng isang yon at di ka pinatulog." Wika nya pa na tuwang tuwa pa.
"Oo nga eh hehe..Humanda sya sakin, babawian ko sya." Oh sya papasok na ako sa loob maghahanda lang ako ng breakfast.
"No need Baby, naihanda ko na, kakain nalang tayo," saad pa nito.
"Talaga? Okay, so lets eat" wika ko naman at inakbayan ako ni Xavier patungo sa dining room.
Habang nakain kami ay pinakakain ko rin si aeolus nakaupo din sya sa high chair nya,
Nagulat pa ako ng tawagin nyang PAPA si Xavier,
Hanggang sa Ulit ulit nya ng tawagin.
Tuwang tuwa naman Si Xavier dahil marunong na magsalita si Aeolus ng buog word,tuod na tuod nya ang word na PAPA.
say MA MA...MAMA..utos naman ni Xavier.
"Ma..Ma..Ma..MAMA..
PAPA..MAMA.. " wika naman ni Baby.
Tuwang tuwa kami dahil nakapag sasalita na sya ng ilang words.
"Galing galing naman ng Baby namin na yan" Good job baby. Wika ni Xavier,
Matapos mag asikaso ay inihatid kami ni Xavier sa Shop, Saturday ngayon at wala syang pasok ngunit may lakad sya, pero babalik daw sya sa shop ng tanghali.
Umaga pa lamang ay naka receive na kami ng orders kaya busy na namin ang aking mga staff.maging ako ay natulong narin.
Nagulat ako ng bumukas ang pinto babatiin ko pa lamang ang mga Customer ngunit nagulat ako ng makita Sila therron, ang gf nito pati sila wella,
"Hi Eris, Kumusta naman, na miss mo ba kami." Sabay sabay na bati nila.
"Hoyy.. Kayo pala yan mga Accla...na miss ko kayo.." wika ko sa kanila saka sila inakap isa isa...Ngunit pag dating kay therron ay nilampasan ko sya kunwaring nagmano lang ako sa kanya bagkus ang Niyakap ko ay ang girlfriend nya kaya nagtawanan kami..
"Luhhh..Bat ako wala..Daya nio naman" wika ni therron.
"Hhahaa..ay naku cassy, buti nakakatagal ka sa kulet nyan ni therron. Wika ko naman sa Gf nya.
" Hehe oo nga eh...pinagkakalat pa na niligawan ko sya. Hehe .
"Hahaha...Goodluck Cassy basta invite nyo kami sa kasal nyo ah.." wika naman ni lily at wella.
"Oo naman, di kayo mawawala, Lalo pat magkaka baby na kami.." saad ni Cassy na ikinagulat naming lahat kahit si therron ay nagulat din,
"Woahhh...Talaga congrats.." wika namin.
"Talaga Hon, confirm? Magiging daddy na ako.? tanong ni therron.
"Yes hon, na confirmed ko kahapon sa OB, Here Oh." Sabay abot ng UTZ ni Cassy kay therron kaya kami ay tuwang tuwa..
Pinaupo ko sila sa pwestong pang maramihan sa may bandang dulo, Karga karga ni Wella at lily si aeolus. Inaanak kasi nila ito, Kinuha ko kasi silang ninang ni aeolus kayat inaanak nila ang kapatid ko.
Tuwang tuwa naman sila dahil ang bibo ni aeolus at hindi umiiyak sa kanila, sinerve ko na ang pagkain nila at magsisimula ng kumain ng Biglang dumating si Xavier ..
He still wearing his outfit na suot nya kanina, lahat sila ay napatingin sa kanya.Ewan ba bakit ang lakas parin ng dating ng isang ito, parang di man lang pinagpapawisan,
Kinawayan pa sya ni Therron,
"Bro, Andto ka rin pala, Halika join kana sa amin." Andito ang mahal mo sabay nguso sakin ni Therron kayat binatukan ko ito, apaka kulet talaga.
Agad namang lumapit si Xavier sa pwesto namin,
May space sa tabi ko kayat doon naupo si Xavier .
"Kumusta Pre, long time no see ah,
Wika ni therron.
"Oo nga eh, Ok lang naman, kayo kumusta? Tanong ni Xav pabalik.
"Ok lang naman kami, nagka ayaan lang na bisitahin tong si Eris, hehe mis na namin tong kaibigan namin na to eh." Wika nman ni therron,
Nga pala iba naming kaibigan si Ridge at Andrew, then si lily at wella nakilala mo na sila diba. Then si Cally Cassidy girlfriend ko...soon to be wife."
"Naks, congrats pre, " wika naman ni Xavier,
"Nga pala pare...Kukunin kitang Ninong kapag lumabas na yung baby namin ha..."
"Sige ba..walang problema, May laman na ba?" tanong ni Xavier.
"Oo eh..Napabilis kami..hehehe." Wika naman ni Therron,
Baka napa SARAP kamo" sabat naman ni Wella, kayat nagtawanan kami. Wala talaga filter mga bibig ng mga ito, ako nalang ang nahihiya, sa harap pa talaga ni Xavier..
Maya maya ay binulungan ko sya,
"Anong oorderin mo Xav,?" Tanong ko "Ikaw ang bahala yung paborito ko,"wika nya sabat kindat sa akin,
Napaka pa Fall talaga ng lalaking to.
Kayat umalis muna ako at kinuha ang order nya, at maya maya ay sabay sabay na kaming kumain.
Tawa kami ng tawa habang kumain dahil walang kapaguran si therron sa mga kwento nyang barbero.
Habang si Xavier naman ay pulang pula dahil sya naman ang napagdiskitahan ni therron sa isang tanong.
"Diba pare masarap Kumain,"
"Oo naman..masarap" Wika ni Andrew..
"Hahaha Depende sa Kinakain syempre" sagot naman ni Ridge.
"Hehe..sige nga Ridge anong masarap kainin sige nga pagkain Reveal." Wika naman ng nakikipag bardagulan na si wella.
" Hhhaa..saming mga Boys nalang yon" wika naman ni ridge pabalik.
"Ikaw pareng Xavier, Natikman mo na ba? tanong ng walanghiyang si Therron.
"Ang alin? Sagot naman ni Xavier..
"Si Eris....I mean yung LUTO ni Eris..hahhaa" wika ng nang aasar na si therron.
"Ah...Oo naman." sagot naman ni Xavier na pulang pula ang leeg, habang tinatangal pa ang unang butones ng polo.
"Nasarapan ka naman ba sa LUTO ni Eris."tuloy paring tanong ni Therron
"Oo naman, hinahanap hanap ko nga eh..." Wika naman ni Xavier na sinasakyan ang biruan ng grupo.
Kayat sakit ang tyan ng lahat kakatawa, si Lily naman ay panay kurot sa tagiliran ko .
"Aray ko naman lily..wika ko.
"Hahaha Grabe ka ERIS ang tagal natin mag best friend pero ni Minsan di mo pinatikim yang LUTO mo pero kay pareng Xavier pinatikim mo.." wika ni therron, Napapaka mo talaga Eris Escaño."saad pa nito sabay tawanan.
"Tse...Kalokohan nyo ako pa talaga pinagtulungan nyo"..wika ko.
"Ganon talaga na miss ka namin eh, Wika ni wella.
"Pero Pwera biro Eris, nag alala talaga kami sayo nung nabalitaan namin yung nangyari sa inyo ni Aeolus,"
Wika ni Lily.
"Bigla akong nalungkot at natamik ng maalala na naman yung pangyayari.
"Kaya nga, paano kung walang dumating na tulong, Paano kung hindi dumating si Xavier, Naiisip ko palang yung mangyayari sayo parang nanghihina na ako" wika ni Lily sabay yakap sa akin."
"Wala naman akong magagawa kung walang dumating na tulong, Gawin na nila lahat sa akin Wag lang nilang sasaktan ang kapatid ko, Si aeolus nalang ang iniwan sakin nila mama at papa, kaya hindi ko kaya kung pati sya mawawala pa."
Lumapit din sa akin si Wela at Cassy at niyakap din ako..Ang mga boys naman ay natahimik lamang.
Hindi ko napigilang hindi maiyak, nagpapasalamat ako na may kaibigan akong tulad nila.
Naramdaman kong hinahaplos ni Xavier ang likod ko ngunit hindi sya nakatingin sa akin, ayaw nya raw kasi ako nakikitang umiiyak.
"Atleast diba di parin inadya ni Papa G. na mapahamak ka, dumating si Pareng XAVIER THE SAVIOR at niligtas ka...Oh kita mo bagay sa pangalan nia" hirit na naman ni therron kayat ang pag eemote namin ay napalitan na naman ng hagalpakan,pati si Xavier ay napailing na lamang habang pinipigil ang tawa sa mga padali ni therron.
"Oh my Gulay therron ano ba..tumigil kana parang awa mo na." Wika ko naman dahil kahit ako mismo natawa sa banat nya.
"Oh diba..napasaya ko kayo, Kaya tayo andito para magsaya, " pero maraming salamat talaga pareng XAVIER THE SAVIOR your the man.
WIka ni Therron at Nakipag fist bump pa kay Xavier.