Chapter 16

2108 Words
Buhat buhat ni Xavier si Aeolus, habang binibihisan ko ito, Nakatingin lamang sila sa amin, maya maya ay nag excuse si Xavier para patulugin si aeolus sa taas, sya na kasi ang nag presinta na magpatulog, samahan ko daw muna ang mga kaibigan ko, kayat naiwan ako at ka kwentuhan parin sila "Ang Cute nyo, Para kayong Legit na Family. Wika ni Cassy. "Oo nga Si Xavier ang Tatay, Ikaw ang Nanay, si aeolus ang Anak...wika naman ni Lily. "Ang galing no..Hands on din sya kay Baby, alam niya nadin kung paano patahanin,wika naman ni wella. "Oo alam niya nadin kasi ang mga paandar ni aeolus kaya alam nia na ang mga dapat nyang gawin. "Kaya ikaw hon maghanda kana rin para paglabas ng baby natin marunong kana"..wika naman ni cassy kay therron. "Oo honey..Ako paba sisiw lang yan sakin makita mo.." wika nang nagyayabang na si therron kayat nagtawanan si andrew at ridge sa ayaw parin na tumigil na si therron. "Sya nga pala Punta kayo sa Birthday Ni Aeolus ah malapit na, mag se send nalang din ako ng invitation. Dun nga pala gaganapin sa Mansion nila Xavier, ang balak ko talaga is Dito nalang, pero gusto din nang mama ni xavier na kung pwede daw sa mansion na ganapin para malawak. Wika ko naman. "Talaga? Close kayo ng mama ni Xavier? tanong ni Lily. "Ahm..Oo parang apo na rin kasi ng turing non kay baby, ," saad ko naman. "Ang galing naman, Sige pupunta kami update mo lang kami pag malapit na. "So pano mauna na kami, pakisabi nalang kay xavier na umuwi na kami"wika nila. "Sige bangitin ko nalang..ingat kayo." Saad ko. "Bye Eris, thank you ingat din kayo ni baby." Wika nila at umalis narin sila. Nang makaalis sila ay Pinuntahan ko muna sa Taas si Xavier at Aeolus, Nagulat ako sa pwesto nilang dalawa. Nakahiga si Xavier sa kama, habang si Aeolus naman ay nakadapa at tulog na tulog sa ibabaw niya,ang cute nilang tingnan kayat pasimple kong kinuha ang phone ko at kinuhanan sila ng larawan.. Pagkatapos ay dahan dahan kong ililipat sana si aeolus ngunit nagising naman si Xavier, "Ohh..may problema ba?". nag tatakang tanong niya sa akin. "Wala naman, ihihiga ko lang sana si Baby. Sagot ko naman. "Sige ako na, asan na sila therron..? "Nakauwi na..sabihin na nga lang daw sayo na umuwi na sila " wika ko. "Ah..kaya pala, oo nakatulog na kami ni baby di na kami nakababa." Saad pa nito. Pano, balik muna ako doon ha baka may mga customer na naman. "Sige, dito muna kami ni baby. Bumaba akong muli para tumulong kina Danna, ngunit nasa ika 3 baitang palang ako bago mag flooring ay nakadama na ako ng hilo,na out of balance ako at tumama ang binti ko sa may hagdan buti na lamang at nakakapit ako at hindi tumama ang ulo ko, inalalayan ako ni Troy patayo,. "Mam, okay lang po ba kayo? Tanong nito sa akin. "Oo..salamat medyo nalula lang ng konti baka low blood na naman siguro ako.wika ko. "Mam may pasa po kayo sa binti,malakas ho siguro ang pagtama." Wika ni danna. "Aba oo nga no. Agad kong kinuha ang gamot at ininom ito. At kumuha din ako ng pwede ipahid sa aking pasa sa first aid kit. Bandang Alas 3 ay nagising na ang dalawa pumapalakpak pa si aeolus pagbaba nila sa hagdan. "Hello baby, haba ng tulog mo ah..wika ko kay aeolus "Haba pala nang tulog namin, Napasarap din pala ako ng tulog. "Oo nga eh..akin na muna si baby, kanina kapa nagbabantay sa kanya". Wika ko aabutin ko na sana nang meron syang mapansin. "Eris, okay ka lang ba? You look pale. Wika nito,at pinagmasdan nya ako mula ulo hangang paa, huli na bago ko maitago ang pasa sa aking binti.nakita na nya ito. "What happen? bat may pasa ka dyan, ? Tanong nya habang nakatingin sa pasa ko sa binti" "AH eh medyo nalula kasi ako kanina, low blood na naman siguro ako, eh medyo na out of balance kaya nahulog ako dyan sa may hagdan.." wika ko sa kanya." "Tsk...Wala bang ibang masakit sayo? Pano kung nagkataong karga mo si aeolus," dagdag pa nito. "Kaya nga mabuti nalang hindi ko sya karga." Wika ko naman. "Ano, Tara na sa condo, para makapag pahinga kana. ipahinga mo na yan. Wika nya pa sakin. "Okay aayusin ko lang ang mga gamit at mga bilin kay danna.wika ko naman. Habang inaayos ko ang mga gamit ay pansin kong meron syang kausap sa phone, basta ang huling dinig ko na lamang ay "Papunta na kami dyan" hindi narin naman ako nagtanong pa sa kanya, at nang maayos na nga ang gamit ay umalis nadin kami. Lulan na kami ng kanyang sasakyan, nasa backseat kami ni aeolus, nagulat ako ng ipasok nya ang sasakyan sa isang kilala at pribadong hospital. "Eris, Im sorry pero dinaan na kita dito sa ospital para magpa check up ka,alam mo na prevention is better than cure.Wika nya.at tumango na lamang ako. Pumasok kami sa hospital at may nag assist sa akin upang kunin ang personal details. at maya maya ay inassist na kami pumasok sa isnag kwarto.at lumabas doon ang isang magandang babae, sa tingin ko ay mas matanda ito sa akin, nakangiti sya amin . "Hi, have a sit, wika ng doctora na nananatiling nakangiti parin "So yout name is Eris right.? "Ahm..yes doc" nice name, by the way im doctora Kendra, Xavier's cousin. "Ah, hello po, kayo po ba yung kausap nya kanina? tanong ko. "Oo, he ask kung duty ako ngayon, ayun nga may ipapa check up daw sya. Alalang alala nga kanina nung kausap ko. Anyway ano bang mga nararamdaman mo? Tanong nito. At inilahad ko naman sa kanya ang mga nararamdaman ko, Nag undergo din ako ng ibang test, normal din naman, yung dugo ko nga lang low blood na naman kaya pala nakakaramdam na naman ako ng mga hilo, niresetahan nya naman ako ng mga gamot at vitamins. Maya maya ay kumatok na Si xavier para kumustahin ako. "Ano, kumusta Ate ken? "You don't need to worry Xav, Ok naman ang mga Test nya, normal naman medyo mababa lang ang dugo nya. But binigyan ko na rin sya nga meds na need nya i take" sagot ni Doc ken at tumango naman si Xav. "Thank you Doctora, wika ko kay doc kendra, Hinawakan nya pa ang kamay ko. "Welcome Eris, nice to meet you too, sana sa susunod makapag kwentuhan pa tayo ng matagal."wika pa nito. "Oo nga po eh nextime po ulit. "Thanks Ate Ken, Alam kong bitin kayo sa pag kwekwentuhan maybe you need some other time. But now We need to go na rin para makapag rest na sya." Wika naman ni xavier. At nagpaalam na nga kami. After 30 minutes ay nakarating narin kami sa bahay. Buhat nya si Baby, ayaw nya muna ako pagbuhatin, He let me to rest, Gigisingin nya nalang daw ako kapag ready na ang dinner,hindi narin naman ako tumanggi pa, kapag lapat pa nga lang ng katawan ko sa higaan, ilang minuto lang hindi ko na rin namalayan na nakatulog narin ako marahil ay dala narin talaga ng pagod. Ilang oras din akong nakatulog, naalimpungatan na lamang ako ng may gumalaw sa tabi ko, at nakita ko si Aeolus na himbing na himbing na ang tulog. Nabihisan na ito ng pantulog at naka dede na. Malamang inasikaso na ito ni xavier kanina habang tulog ako. Tiningnan ko ang oras 9pm na nang gabi, 3 oras din pala akong nakatulog. Nag decide akong lumabas at pumunta sana sa kusina para kumain, nang makita ako ni Xavier na nakaupo pala sa may sofa at dali dali itong tumayo at lumapit sa akin. "Gising kana pala, come here, ihahanda ko lang ang dinner. Wika nya. "Thank you Xavier" saad ko naman. Nakaupo kami sa dining room at inilabas nya ang niluto nya, nag tinola pala sya, nasabik ako sa mainit na sabaw. "Lets eat, ubusin mo yan huh, ang hina mo naman kasi kumain eris, baka sa susunod mas malakas pa sayong kumain si aeolus nyan" wika ni Xav. Natawa naman ako sa sinabi nya. "Hehe..ganon ba..oo na dadamihan ko na, Thank you nga pala sa pag asikaso kay aeolus, marami ba syang nakain? "Oo medyo, sarap na sarap din sya sa sabaw na niluto ko.."wika nito. "Bat hindi kapa nauna kumain kanina, hinintay mo pa talaga ako." "Oo naman, Ang lungkot kaya kumain mag isa, gawain ko na nga yan dati eh, kahit ba naman andito ka gagawin ko parin? Syempre hindi na, kaya hinintay nalang kita. "Pero Xavier, Pano kung dumating yung time na hindi mo na ako mahintay? Paano kung dumating yung point na Mainip kana?" Wika ko sa kanya,Hindi ko din alam kung Tungkol parin ba sa paghihintay sa pagkain ang sinasabi ko sa kanya, basta yun na lamang ang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa Plato nya. Ibinaba nya ang hawak na kubyertos at naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay na naka hawak sa kamay ko. "Eris, i told you, Willing akong hintayin ka sa lahat ng bagay, hindi mo kailangang ma pressure, I know your priorities at ginagalang ko yun, basta ang lagi mong tatandaan andito lang ako palagi." Wika nya saka hinawakan ang aking mukha" "Thank You Xavier"...saad ko. Nang matapos kumain ay sya na ang nag presintang maghugas ng pinggan, ang dami kong nakain kayat naisipan kong magpahangin muna sa Terrace sa taas. Napakaganda ng View dito kapag gabi,payapa, medyo tahimik, the city lights na nagbibigay lalo ng kapayapaan at ganda ng view kapag gabi. Nakahalukipkip ako habang dinarama ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha at katawan. Nagulat ako ng May Kamay na humawak sa aking balikat. "Andito ka pala" wika nya. "Oo, naisipan kong mag pahangin habang nagpapababa ng kinakain, sagot ko naman. "Oo masarap ang hangin dito, Dito din ako madalas tumambay noong wala kapa, i used to drink 1 can of beer before sleep." saad ni Xav. "So hindi pala milk ang iniinom mo noon bago matulog? nakangiting wika ko sa kanya . "Hindi, pero nung dumating kayo ni aeolus, hindi na" alam mo bang ngayon lang ulit ako uminom ng gatas ng dumating kayo? Grade school pa yata yung last ko, hehe" wika ni xavier. "Ganon ba, so baka napipilitan ka lang kapag pinapainom kita, wika ko. "Oy hindi ah, masarap kaya, don ko lang ulit na realize na masarap parin pala talaga ang gatas, akala ko kasi kapag edad lang ni aeolus masasarapan, kahit pala pag matanda na hehe..saad pa nito. Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa, ako na ang bumasag. "Ang ganda ng view no, ang payapa, ang tahimik, lalo na siguro kung sa malayo sa syudad no pero tanaw na tanaw mo yung citylights pag gabi, malayo sa polusyon, malayo sa ingay na dala ng mga sasakyan, Wika ko. "Oo, ganon ba yung mga gusto mo?tanong ni Xavier sa akin. "Yup, kung papapiliin ako ganon ang gusto kong buhay, tahimik, payapa,simple,pero masaya. Wika ko naman. Nagulat pa ako ng bahagya nang hawakan nia ang aking bewang, nasa likod ko sya saka ipinatong ang Baba nya sa aking balikat. Hindi ko sya sinaway, hinayaan ko lamang sya. "Ganon ba ang gusto mo? Dont worry, kita mo isang araw mangyayari yun, malakas ka sa Taas eh," wika nya. nagkatawanan naman kami pero nasa ganong posisyon parin kami. Can we stay like this for a while please? tanong nya sa akin at tumango naman ako. Tahimik lamang kaming nakamasid sa magandang view. Siguro kung may makakakita sa amin sa gantong posisyon namin ay may iisipin na na may namamagitan sa min. "Ikaw anong gusto mo na view? Tanong ko naman sa kanya. "Pinaka gusto kong View? Yung makita yung taong Mahal ko na masayang masaya sa mga na achieve nya sa buhay nya, Her beautiful smile is my Best View ever. Wika nito. Napalingon ako saglit sa kanya at napansin ko na nakatingin sya sa malayo at Saka sya tumingin at tumitig sa aking mata, hinawakan nya ako sa mukha at Hinalikan ng mariin sa Noo, halos ilang segundo nagtagal ang halik nya roon. Saka sya huminga ng malalim. Tahimik lamang ako sa kanyang ginagawa. Hangang sa mag salita na sya. Lets go inside eris, maghahating gabi na, baka sipunin ka pa, wika nya. " Ahh..ahm..sige Goodnight Xavier. "Goodnight Eris, Dont forget to take your meds.okay? Wika pa nito. "Copy, thanks.pasok na ako. Samantala ng makapasok na si Eris nanatili parin ng ilang minuto ang binata sa terraza. I love You Very much Eris, YOUR SMILE AND HAPPINESS ARE MY BEST VIEW...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD