Isang araw, Maagang pumasok si Xavier sa Opisina may mga kailangan daw kasi syang i meet.
Ininom nya na lamang ang kapeng tinimpla ko,
Ipinagluto ko pa naman sya ng breakfast, akala ko aalis na sya, pero nagulat ako nang kumuha sya ng tupperware at inilagay doon ang breakfast na niluto ko.
"Hindi ko lang dito kakainin, pero syempre kakainin ko to, luto mo to eh." Wika nya sabay kindat sa akin
Napailing na lang ako at natawa sa kanya.
"Ingat Xavier, wika ko
"Ingat kayo ni Baby mamaya ha. Una na muna ko.."
Tulad ng dating gawi ay may pa goodbye kiss sya sa pisngi, maging si aeolus ay kiniss nya din kahit tulog pa ito.
Sa isang araw na ang birthday ni baby, sabi ni tita ay wala naman na daw ako dapat ipag alala dahil ang lahat ay nasa ayos naman daw, bale binigay ko nalang kasi yung mga gusto kong set up sa birthday ni aeolus dun sa organizer/coordinator, then pinapacheck nalang nila sa akin via email.
At Mamaya ay Pupuntahan kami ni Tita Xena at isasama kami sa mansion para daw makita ko ang actual na venue.
Sinamantala ko nang maligo habang tulog pa si Aeolus. Nagsuot lamang ako ng above the knee na dress at nag apply ng light make up,pagkatapos, sakto naman ang gising ni baby dahil tapos na akong asikasuhin ang sarili,
Pinakain ko muna sya at niliguan, sakto nang bibihisan ko na sya ay dumating na si Tita Xena,
May mga bitbit din itong mga grocery na supplies para dito sa bahay, karamihan ay mga imported.
"Hi Hija..kumusta ka, nabalitaan ko yung nangyari sayo, ok ka na ba hija? Tanong ni tita.
"Opo, low blood lang po kaya nahilo" sagot ko naman.
"Pero hija, i monitor mo palagi yang blood pressure mo ha, mahirap na. At kumusta naman ang baby namin na yan ha, come to mama la.." wika nito sabay kuha kay aeolus.
Sama naman agad si baby at kinakampag kampag pa ang kamay.
Nang maayos ko na ang dadalhin namin ni aeolus ay nag aya na si tita xena.
"Lets go, hija, ako na ang magdadala kay baby." Sumakay kami sa sasakyan na dala ni tita.nakaupo ako sa passenger seat at si tita at aeolus naman ay nasa back seat,bukod sa amin ay may nakaunang isang sasakyan ng bodyguard sa unahan at ang isa naman ay nasa may likuran namin.
Makalipas ang halos 45 mins ay nakarating kami sa Subdivion nila Tita Xena, exclusive Subdivision ito, Malalaki ngunit Magkakalayong mga bahay ang makikita mo, after 3 mins from gate ay mararating mo ang isang napakalaking mansion, Pinagbuksan kami ng Guard nila at pinapasok sa malawak na bakuran.
Nakita ko na ready na ang ibang mga gagamitin sa birthday ni Baby,
Nakaramdam na naman tuloy ako ng lungkot dahil nalalapit na talaga ang birthday ni baby, Isang taon na ang nakakaraan pero halos wala parin nangyayari sa kaso ni dad, bakit feeling ko may humaharang dito. Pero pinagpa sa dyos ko nalang din nag lahat, naniniwala ako na makukuha rin namin ang hustsiya.
Napansin naman ni Tita Xena ang pagiging tahimik ko at nilapitan nya ako.
Ok ka lang ba hija? Parang ang lalim ng iniisip mo." Wika nito.
"Wala naman po tita naalala ko lang po si mom and dad mag wa one year nadin po silang wala." Wika ko.
"Oo nga hija, ang bilis ng panahon, Wag ka mag alala, alam namin na di namin sila mapapalitan pero tandaan mo na nandito lang kami Hija,Saka Makakamit mo din yung hustisya ng dad mo, magtiwala lang tayo, tahan na..wag kana malungkot". Wika naman nito.
"Salamat po tita... "Saad ko.
Your welcome, alam mo na parang anak na ang turing ko sayo, sa inyo ni baby."
Mabuti pa tara na sa loob ng mansion para makita mo yung isusuot nyo ni baby. Saad pa nito at tumalima naman ako .
Pagkapasok ng mansion ay humanga agad ako, napakalaki nito, nag tour muna kami ni tita sa loob ng mansion, nang umakyat na kami sa Taas ay pinakita nya rin sa akin ang Room ni Xavier,
Ang pintura nito ay naglalaro din sa Gray white black, tulad din ng sa condo nya ay minimalist ito napakalaki nga lang ng kwarto nya dito. Compare sa condo,
Maya maya ay bumaba na ulit kami at pinakita ang susuotin ni aeolus pang Prince ang tema ng birthday kaya pati kami ay naka costume rin.
Napaka cute ng attire na isusuot namin.na eexcite tuloy ako sa birthday ni baby..ang cute cute nya siguro lalo tingnan.
Samantala.....
"Thank you very much Engr.Adriano.wika ko.
"Salamat din Mr.Osteller.We will do our best po for this project.Umasa po kayong magiging maganda ang kalalabasan. Saad naman ni Engr.Adriano.
"Looking for that Engr.
Pano mauuna na po ako, Kailangan narin ako sa Office.
"Sige po Mr.Osteller, salamat din pong muli.
Dali daling nagdrive si xavier patungo sa OCG, may meeting pa kasi sya around 11am.nagkataon lang na kailangan nyang i meet si Mr.adriano sa lugar na pinag usapan nila.
Habang nagdra drive ay tumawag sya kay Eris at kinamusta ito.
Xavier: Hi. Kumusta , Deeandyan na kayo sa mansion?
Eris: Oo kanina pa kami dito nila tita xena.pinakita nya sa akin yung mga costume ang cute bagay na bagay kay baby.
Xavier: talaga ba..nice naman, matatalbugan na naman ako ni baby nyan sa pa guapuhan hehe..
Eris: hahaha malamang, yung costume daw natin by tom daw darating sabi ni tita
Xavier: Nice, excited nadin ako haha..
Eris: hahaa ano ikaw ang may birthday..haha o sya sige na mamaya nalang ulit ha medyo busy kami nila tita,
Xavier: sige , see you later medyo busy din dito.Ingat kayo dyan...
Eris: Bye ingat din.
At pagkatapos namin mag usap ay ibinaba na ang tawag.
Pagdating sa office ay Dali dali agad akong nagtungo sa aking opisina.
Buti nalang at medyo maaga pa naman. Ni review ko pa muna ang ilang mg report na ipinasa sa akin, at nakapirma pa ako sa ibang mga docs.Napukaw lamang ang atensyon ko ng may pumasok sa pintuan, walang iba kundi ang pinsan kong si stefan.
"Bro, busy ah...diba may meeting ka pa? Wika nito.
"Oo by 11am pa naman, kasama ka rin dun sa sinasabi ko sayo ah.
"Oo syempre naman hehe..
Nga pala Bro, uuwi daw sila tito ah.
Tanong ni stefan..
"Oo nga daw ...
"With Xandreb?
"Siguro?, Kibit balikat ko
"Hindi mo ba sya na mimis?
"Na mimis syempre pero Nag lie low na ako 8 years ago, Tama naman si Dad eh Kung ako lang pala ang dahilan ng ikapapahamak ni Kuya much better na ako na ang lumayo, sinunod ko lang naman din ang sinabi nila.
"Pero bro, akala ko nag sorry na si Tito sayo? Tanong parin ni steffan
"Yup, nag sorry naman sya thats why i response him casual nakikipag usap naman ako sa kanila. Okay na yun.
Tumango na lamang si steffan.
Sumapit ang alas 11 ng umaga ay nag meeting kami, nagreport lang ng status ng company as of now maganda namn ang performance, Nalampasan na nito ang sales last year.
Kaya masaya ang lahat, syempre salamat sa mga Empleyado ko dahil kung wala ang tulong nila, wala din ito. Kayat sinabihan ko ang secretary ko na I treat ang lahat ng empleyado ng Coffee syempre sinabi ko na Sa HugAMug umorder, syempre para mataas din ng sales ng Babaeng mahal ko, Gusto ko sabay kaming aangat..( Pogi Points Yarn?)
Nang nasa opisina ulit ako ay itinuloy ko na ang pag pirma kailangan kong umuwi ng maaga, susunduin ko pa si Eris at baby Aeo.
Kayat nang bandang 4pm ay nag out na ako at tinahak ang mansion pauwi
Habang nag pa Park ng Sasakyan ay nakita ko sila sa malawak naming Hardin kung saan ginagayakan upang pag dausan ng birthday ni Baby aeolus.
Pagkababa ko ng sasakyan I saw Eris and Aeolus Smiling and waving at me
Parang nawala ang maghapon kong pagod sa Opisina..
Ibinaba ni Eris si Aeolus at hinayaan nya itong sumalubong sa akin.
Naglakad naman si baby ng dahan dahan hangang sa pabilis na ito ng pabilis, Si Eris naman ay Nakasunod at nakatanaw lamang kay Baby..Sinalubong ko na Si Aeolus at kinarga ito..He always hugged me and rested his little head on my shoulder every time na kinakarga ko sya.
Aeolus is a Charming and Smart little boy. I've always admired Eris for raising him nicely.
"Hi Eris, kumusta kayo dito? tanong ko.
"Hmm..okay naman. Napagod siguro yang batang yan, pano kasi walang ginawa kundi tumakbo ng tumakbo. Wika ni Eris.
"Kaya pala emlay na emlay sa balikat ko, Maaga to makakatulog pagod eh.."
"Hehe oo..hala ayan na tulog na nga pumipikit na ang mata. Hehe" natatawang wika ni eris dahil papikit pikit na nga ang mata ni baby.
"Hey buddy. Akala ko gusto mo pa makipaglaro sakin pero mukang knock out kana.."
Wika ko naman kay baby na tuluyan na ngang nakatulog. Pumasok kami sa loob ng makasulubong namin si Mama.
Oh anak, andyan kana pala, kararating mo lang ba?
"Opo ma, susunduin ko lang po sana sila Eris, wika ko
"Ha? Bakit mo susunduin? Uuwi paba kayo sa Condo?
Hwag na kayo umuwi Dun na kayo sa kwarto mo matulog minsan lang naman eh.
Tumingin ako kay Eris at tinatanong sya.
"Ok lang ba sayo Eris?" tanong ko.
"Okay lang naman may baon naman akong pamalit if ever.
Wika ni Eris.
Yun naman pala eh, saka dont worry Hija kahit wala kapang dalang pamalit, marami akong mga Unused lingerie dyan at mga damit, na pwede mo suotin.
Bagay na bagay sayo ang mga yon lalo na yung mga Sexy lingerie.Wika ni Mama, pansin ko ang pamumula ng mukha ni Eris dahil sa sinabi ni Mama.
So wala na tayong problema ha, Kaya Xavier magtigil ka dyan ha, hindi mo muna sila iuuwi sa condo mo dito muna kayo mag i stay okay. Wika pa ni Mama sabay kindat sa amin at lumakad na palayo.
Nagkatinginan naman kami ni Eris at natawa na lamang kami.