Kinabukasan Nagpaalam si Eris kay Xavier para Dalawin ang puntod ng mga magulang, Hindi kasi nila ito madadalaw bukas dahil kaarawan ni Aelous kayat Nag desisyon syang dumalaw na sa puntod nito ngayong araw.
"Xavier?" Ahmmm magpapa alam sana ako" wika ko
"Yes, ano yun?
"One year na din wala sila mama at papa diba, Balak ko sanang dumalaw kami ni Baby sa puntod nila today. Kasi buks birthday ni baby hindi ko sila madadalaw.
"Sure, walang problema, Sasamahan ko kayo ni Baby," wika ni Xavier,
"Ahm..wala kabang pasok today?
"Meron, pero nag file ako ng leave. Anong oras mo balak pumunta? Tanong nito.
Mga 10am sana para makabalik dinnng tanghali.
"Sige, dont worry bibisitahin natin ang puntod ng parents mo,
"Thanks Xavier, so pano mag aasikaso na muna ako, liliguan ko parin si baby.
"Okay.. take your time.." wika nito sa akin.
Dali dali akong nag ayos, at niliguan ko rin si baby,
Nagsuot lamang ulit ako ng tattered jeans at ng blouse at nagpaalam din kay Tita xena na pupunta muna kami sa puntod,
Buhat buhat ko si Aeolus ng makita ko sa xavier na naka abang sa may pinto. Dinala nya ang Bulaklak at mga Kandilang dadalhin sa puntod ni mom and dad
Makalipas ang Halos kalahating oras ay narating namin ang Memorial Park na pinaglibingan ng aking mga magulang.
Dahan dahan akong naglakad habang karga ko si aeolus, first time kong dinla ang kapatid ko sa lugar na ito.
Si Xavier naman ay bitbit ang mga gamit sa kaliwang kamay ang isnag kamay namay naka hawak sa likod ko, habang papalapit kami sa 2 lapida ay unti unti ng bumabagsak ang luha ko, hangang sa di ko narin mapigilan ang mga takas kong hikbi.
Lalo na ngayong nasa tapat na kami ng puntod nila.
Naupo ako at ibinaba si aeolus, iyak ako ng iyak...hindi ko rin kasi sila dinalaw matapos mailibing, dahil pakiramdam ko hindi ko kaya, pero ngayon kailangan ko na talaga harapin at tanggapin na wala na sila at hindi na talaga babalik kahit kelan.
Xavier continue to caress my back, Hawak nia naman ang kabilang kamay ni Aeolus na dahan dahan lumapit sa may lapida.
"Sorry po mom and dad, ngayon ko lang po kayo nadalaw, Hindi ko pa po kasi talaga kaya,
Pero andito na po kami ngayon, kasama ko po si Aeolus, mag wa 1 year na din po sya bukas,
Kahit wala na po kayo, palagi ko po kayong kinukwento sa kanya, kung paano kayo naging mabuting magulang sa akin. sayang nga lang po at hindi na po nya kayo naabutan,
Pero wag po kayo mag alala, hinding hindi ko po sya pababayaan.
Kasama ko rin po pala si Xavier alam kong nakita nyo na sya before. Isa po sya at ang fam niya sa tumutulong sa amin ni Baby.
Inabot ko ang kandila at bulaklak sa puntod,
Habang nakaupo kami sa gilid,
Biglang nagsalita si aeolus at may tinuturo sa kung saan.
"Mama...Papa....Mama Papa."
Wika ni baby at tinuturo sa may ulap.
Niyakap ko naman ito at kiniss.
"Yes baby...Mama and Papa is in heaven na..they are watching us..
Sabay ngiti ko sa kanya at kay Xavier,
Nagulat ako ng punasan ni Xavier ang ilang takas kong luha sa aking pisngi, tahimik lamang sya..
Ngunit maya maya ay kinuha si baby..
"Okay kana? Wag kana umiyak im sure masaya na sila tito at tita nakita nila kung gano mo katapang hinarap ang lahat kung pano mo pinapalaki si aeolus. Wika nito
"Salamat Xavier, hindi ko rin naman magagawa ang lahat ng ito, kung wala kayong mga kaibigan ko at ibang nagmamalasakit sa amin.
Ilang minuto pa kaming nagtagal ngunit nang mag Aalas dose na ay nag desisyon na kaming Umuwi nag pa alam na ko sa puntod ni mom and dad,at naglalakad na kami pabalik sa Kotse at sinabi ni xavier na mauna na kami maglakad nakita ko syang nakatayo sa puntod nila mom and dad di ko makita ang ginagwa nya dahil nkatalikod ito.
Samantala..
Mam and Sir..Thank you for sending Eris in this World. Wag po kayong mag Alala hindi ko po sila pababayaan ni Aeolus, Mahal na Mahal ko po ang Anak nyo. Handa po akong maghintay para sa kanya.
Pagkasabi nito ay naglakad narin sya palayo at hinabol sila Eris.
"Anong ginawa mo?
"Wala naman, Nagpaalam lang ako sa parents mo" wika nito na nakangiti pa.
"Nagpaalam na ano? Tanong ko.
"Nagpa alam na Aalagaan ko kayo ni Aeolus"
Nagkatinginan lang kaming dalawa at nagkangitian
Bago umuwi ay dumaan pa kami sa ice cream parlor,Deserve ko daw pakainin ng ice cream.
Maya maya ay bumalik na rin kami sa Mansion, at naging abala na ulit para sa birthday Bukas ni Baby.
Kinabukasan, sumapit na nga ang pinakahuhintay na araw ni Baby aeolus, Ang kaarawan nito, Napakaganda ng Set up ng garden, para talagang prinsipe ang mag bibirthday. Alas dos ang simula ng Birthday, Bukod sa mga kaibigan at staff ko, at ilang malalapit na kaibigan nila tita Xena ay may mga bata rin palang imbitado mula sa charity na tinutulungan nila . Kung saan ang mga bata ay mga ulila na sa magulang at ang iba naman ay iniwan nalang basta, mga bata sa bahay ampunan na ini sponsoran nila.
Habang tulog pa si Aeolus ay inaayusan na ako ng make up artis na kinuha ni tita xena, sabi ko nga ako nalang ang mag aayos, pero wag daw at bayad na, kaya wala naman ako nagawa, nakakatawa lang din si Tita Xena..Classy pero may pagka kengkoy din minsan kapag kami lang dalawa.
Tapos na akong ayusan, naka braid ang ilang buhok ko at ang iba naman ay kulot na naka alon alon,
"Wow..your so pretty Ms.Eris, lalo na siguro kapag sinuot mo na yung Gown mo..
Halika suot mo na po, wika ni trisha ang artist na kinuha ni tita xena.
Salamat trisha, isuot ko lang sa cr.wika ko.
Sinuot ko ang gown na para sa akin,
Color torquoise blue ang kulay nito hapit sya sa bandang likod at medyo expose din ang taas na parte sa likod.
Medyo mahaba din ang likod nito at sa unahan naman ay may Slit hangang hita kaya medyo na eexpose din ito. Parang sukat na sukat sa akin nag gown, iba talaga pumili si Tita xena. natatawa na lamang ako.
Lumabas na ako ng CR at Gulat na gulat si trisha..
Wow ms.eris parang prinsesa ka talaga..Halika lagyan natin nitong flower crown.wika ni trisha saka nilagay sa akin ang flower crown.
Kahit akoy natuwa din sa ayos ko, tama si tita mahusay nga ang mga artist na kinuha nya, sunod naman naming binihisan si aeolus. Napaka cute nito sa suot nyang Prince attire.
Nagpicture kaming magkapatid sa room, buti na lamang at nasa mood ito. maya maya ay kinatok na kami..Si tita xena pala.
Ang bongga ni Tita xena para sya talagang reyna sa Royal Family.
Gulat na gulat pa ito at namangha sa ayos ko.
"Wow My Hija...your ro Gorgeous.Mas lalo kapang gumanda, OMG bagay na bagay sayo ang ayos at suot mo,
Come here anak, Lets take a picture with baby aeolus," wika ni Tita at nag picture nga kami.
"Salamat po tita" wika ko naman.
"Ano kaba hija, remember anak na ang turing ko sa inyo ni aeolus,
Halika na sa Baba...Im Sure lalong maglalaway sayo si Xavier kapag nakita kang ganyan. Baka mamaya bigla kana namang ayain pauwi sa Condo." Wika ni tita napailing na lamang ako at nagtatawanan kami ni Trisha.
Mgsisimula na ang Event at nasa Baba na kami, samantala Di ko parin nakikita si Xavier ang sabi nila wella ay nasa may venue n ito at hinihintay na kami. Tinawagan pa ako ng mga loka loka kong kaibigan
Wella: Hoy Accla ano na,mag sisimula na, Hahaha wag kana masyado magtagal yung prince charming mo andito na...hahaha...
Lily: Hoyy Accla infairness ang pogi no Xavier the Savior..mukang prinsipe ante...Accla excited n kami ano bang itsura mo hahaa..
Eris: mga Sira..palabas na nga kami diba hinihintay nalang announcement hehe .
Oh sige bye na eto na ata.
At inanounce na nga ng Emcee ang pagpapakilala sa may Birthday.
Let us Welcome the Birthday Boy Baby Aeolus together with his Ate
Eris..Let's give them a warm of applause.
Pagkasabi ng Emcee ay naglakad na kami ni aeolus,Di ko ineexpect na ganto karami ang bisita,Sa gulat ata ni aeolus na Maraming tao ang nakatingin sa kanya ay huminto sya sa gitna at nag smile lang ang mga ito, Pinapalakad ko sya ngunit tila nagpapa cute lang ito sa mga Tao. Pag tingin ko ay nahagip ng mata ko Si Xaviet na papalapit sa amin, Nagtama ang aming mga mata, eto na naman tayo sa Hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.
Nang nasa harap na namin sya ay May binulong sya sa akin, Your So Gorgeous Eris,,Wika nito.
"Thank you...wika ko naman na kami lang dalawa ang nakakarinig.
At binuhat nya na si Aeolus at sya naman ay pinagsalikop ang aming aming mga kamay at sabay kaming naglakad papunta sa Unahan.
Palakpakan at Hiyawan ang maririnig .
Dinig na dinig ko pa nag kantyawan ng mga kaibigan ko..
Lily: Wow...Ganda ganda naman pala Eris kaya naman pala ang tagal..
Therron: Woah..Bagay na Bagay kayo pareng Xavier the Savior..
Calsy: Grabe...ang cute talaga nila para talaga silang Family.
Bago mag simula ang program ay may ng lead muna ng prayer at after noon ay nagsimula na nga ang mga pa games para sa mga bata..May clown din na kinuha at tuwang tuwa ang mga bata sa magic na tinatanghal sa kanila..Hindi lang mga bata ang may pa games dahil pati mga bisitang mga adult ay may pa games din kayat napakasaya talaga ng birthday.
Bago simulan ang Kainan ay Kinantahan muna nila si Aeolus nang Happy Birthday at after noon ay nagmessage din ang mga Malalapit na kaibigan at panghuli na nag message ay sila Eris.
"Good afternoon sa ating lahat at maraming salamat sa pagdalo nyo sa Birthday nang aming Baby Aeolus,
Baby Wish lang namin na lumaki kang mabuting bata, at alam naman namin na goodboy ikaw, Goodhealth for you nak..And To Eris also Kapit lang anak, at magtiwala sa taas lahat ay aayon sa tamang panahon, wag mawawalan ng pag asa, basta andito lang kami para sa inyo ni Aeolus.
Sa Sinabing yon ni Tita ay di ko naiwsg maiyak..Ba teka bat parang ako ang may birthday..
Nagulat naman ako ng lapitan ako ni Tita at Yakapin,
Thank you Tita Xena. Wika ko
"Its okay Hija, Were here for you okay.. wika nito.
At ang sumunod na nag message ay Si Xavier,
"Happy Birthday buddy. 1 year old kana, I remember nung new born ka palang super ingat na ingat kami sayo lalo na ang ate Eris mo, but now 1 year old kana..Nagsasalita na ng ilang words at mabilis nang tumakbo.
Wish lang namin sayo ay Goodhealth, Dahil pag may sakit ka Doble doble ang sakit na nararamdaman ng ate mo kaya yun ang pinaka hiling ko for you,then ayun lumaki kang mabuti at masunuring bata, Alam ko naman na lalaki kang ganon dahil mahusay mag alaga ang ate Eris mo, basta andito lang kami palagi para sa inyo. We love you Aeolus."wika naman ni Xavier
At ako na ang huling mag memessage.
Hawak ko palang ang Mic ay hindi ko na napigilang maiyak...tears of joy syempre.
"Una po sa lahat marami pong salamat sa Dyos sa araw na ito na binigay nya para sa kaarawan ni Aeolus, at Ganon din po sa inyong lahat na mga Dumalo kahit na po busy kayo sa kanya kanyang mga trabaho naglaan po kayo ng oras para daluhan ang pinakamasayang araw ng kapatid ko.Maraming salamat po.
Ahm..Baby Aeolus, Happy Birthday, Alam kong sa ngayon hindi mo pa ito mauunwaan pero Napakasaya ko na Nagkaron ako ng kapatid na tulad mo, Alam kon napakalayo ng agwat ng edad natin
Kaya bunsong bunso talaga kita. Ikaw ang pinaka mahalagang Pamana na iniwan sa akin ni mama at Papa..
Basta palagi mong tatandaan palaging andito si Ate, Hindi ko man maibigay ang pagmamahal na kayang ibigay nila mama at papa, Mamahalin naman kita sa paraang alam ko at naranasan ko sa piling nila noon.
I love You Baby Aeolus.
And thank you din po pala Tita Xena sa inyo po ni Xavier na palagi rin pong andyan para sa amin ni baby.
Maraming salamat po.
At doon ko na tinapos ang aking mensahe bago pa magkaiyakan lahat.
At after non ay nagsimula nang magkainan, may mga games parin para sa mga bata, at halatang enjoy na enjoy sila.
Kinuha sakin ni Xavier c baby at Inabot sakin ang pagkain.
"Akin na si Baby, kumain kana muna.." wika nito
"Ikaw, di kapa rin ba kakain? Tanong ko sa kanya.
"Mauna kana muna ako na muna kay baby"
"Hmm..sabi mo malungkot kumain mag isa, pero pinapauna mo naman ako.." wika ko (Medyo pabebe ako sa part na to:)
"Hmmm...you mean gusto mong sabay tayo kumain?" wika ni Xavier na Nakangiti.
"Hmmm...parang ganon na nga.." natatawang wika ko"
"Okay..wait me here..." Nakangiting wika ni Xavier sabay kindat sa akin" ayan na naman sya sa mga pakindat kindat nya.
Maya maya ay Bumalik na sya ay may dalang pingan na may lamang pagkain, nagtaka ako at hindi nia na kasama si Aeolus.
"Oh? Asan si Baby?
"Kinuha muna ni Mama, Kumain na raw tayo ng sabay" sabi ko kasi nalulungkot ka kumain mag isa at gusto mo ako kasabay kumain kasi ginaganahan ka kapag ako yung kaharap mo.kaya aun kinuha agad si baby hehe " wika nito (syempre ng may halong kalokohan.)
Habang kumakain kami ng Tahimik ay Biglang may Ingay na dumating walang iba kundi ang mga kaibigan ko.
"Woi...Naks naman Parang nag de date lang..' wika ni Wella.
"Pareng Xavier..Ang pogi mo naman lalo, nainlove tuloy Akets..." Wika naman ni Therron, At ikaw naman Brew ang Ganda mo para kang prinsesa ng mga diwata , dagdag pa nito.
At nagsimula na naman ang Hagalpakan sa table nila,
Makalipas ang ilang oras ay nag closing remarks na din par sa ending ng program, umuwi na ang mga batang galing sa ampunan, ang mga ibang bisita rin ni tita xena ay umuwi narin ngunit may mangilan ngilan paring naiiwan at sila lily naman ay nagpapaalam narin,
"Pano thank you sa Pag invite, una na kami. Wika ni wella.
"Sige thanks sa pagpunta.
"Bye happy birthday ulit kay Aeolus" wika nila.