Chapter 19

2611 Words
Nang makaalis ang Mga bisita ay lumapit kami kay Tita xena para kunin sana si Aeolus para makapag bihis na nang biglang Huminto ang isang magarang itim na Sasakyan. Biglang lumabas dito ang isang Lalaking may Edad ngunit di maipagkakaila na may Itsura ito, di nga lang ganong kahawig ni Xavier, at Maya maya ay lumabas naman sa Kabila ang isang Lalaki na nakasuot ng Hoodie, Matangkad ito, Nang makalapit ito sa may tabi ni tita Xena ay tinangal nito ang hoodie na nakatakip sa ulo at mukha kayat Nahayag ang Itsura nito wala din halos pinagkaiba sa itsura nila xavier Gwapo din ito yun nga lang parang may pagka badboy ang itsura. "I miss you Mom..."wika nito kay Tita Xena "Welcome home anak..wika naman ni Tita Xena. Nakatingin lamang ako sa kanila, di ko kasi alam ang mga nangyayari, dahil si xavier nananatili lamang sa Tabi ko at walang Imik. Samantala nadako naman sa amin ang atensyon ng Mga bagong dating, Tumingin sila sa akin, saka tumingin kay Xavier kayat Si Tita Xena na ang bumasag sa katahimikan "Ahm...Vernon and Xandreb She is Eris sya yung nakwento ko sayo nung nakaraan kaibigan ni Xavier. "Ahm..Goodevening po" wika ko "Magandang gabi din sayo hija." Wika naman ni Tito vernon. Nagulat ako ng bahagya ng Lumapit sa akin ang Kuya Ni Xavier at mabilis na hinawakan ang kamay ko at hinalikan". ( Xandreb the Flash yarn?) "Goodevening Eris. Nice to meet you"wika nito Sa gulat ko ay mabilis kong inagaw ang kamay ko pagkahalik nya di rin ako na inform na ganon pala ka Speed ang kuya ni Xavier. Hinapit naman ako ni Xavier palapit sa kanya at hinawakan sa aking baywang, dikit na dikit ang aming mga katawan, tiningnan ko sya at nakita kong masama ang tingin nya sa kanyang Kuya na ngayun ay Nakatitig naman pala sa naka exposed kong legs dahil sa Slits ng Gown na suot ko nakita ko pa ang pag lunok nito, Nilikom ko ang slits upang matakpan ang legs ko iba kasi ang tensyon na nararamdaman ko at this moment. Binasag ng Kuya ni Xavier ang Katahimikan. "Ahm..Kumusta Xavier? Hindi mo man lang ba ako I we welcome. Wika nito. Tumikhim si Xavier at nagsalita. "Welcome Home Dad and Kuya Xandreb, Maligayang pagbabalik" Wika nito sa malamig na tono. "Ahm..Mom kunin napo muna namin si baby magbibihis na po kami." Wika ni Xavier at binigay naman ito ni tita Xena... Pumasok na kami sa kwarto at nagbihis naka above the knee ang suot kong dress Na kulay peach. Paglabas ko ng CR nakita kong nakapalit na rin si xavier at nakaupo ito. tahimik lamang sya. Xavier, Okay ka lang? Tanong ko sa kanya, Tahimik lang kasi sya at alam kong may bumabagabag sa kanya. "Yeah...Im ok as long as your here..." Wika nya. "Xavier, i know your not okay, bakit ayaw mong i kwento sa akin? Wala kabang tiwala? Wika ko. "Hindi naman sa walang tiwala ako, ayoko lang na baka dumagdag pa ako sa isipin mo" wika nito. "Handa naman akong makinig eh..pakikingan kita," Okay, if thats what you want i will tell you later pag uwi natin sa Condo." Saad naman ni Xavier sa akin. Bumaba kami sa salas at nakita kong karga karga ni Tito vernon si Aeolus. "Ahm Tita Xena, sorry po kukunin ko po muna si aeolus,wika ko "Ah sige hija eto muna si Baby." Sabay abot ni Tita xena kay aeolus. Pansin ko ang Pagtitig sa akin ni Kuya Xandreb, nag iiwas lamang ako ng tingin. "Mom..Babalik na muna kami sa Condo, magpapadala nalang po ako ng Helper para maglinis bukas." Wika ni Xavier. "Uuwi na kayo? Bakit hindi muna kayo dito mag stay, kararating lang ng Kuya at daddy mo anak,. "Oo nga naman, kararating lang namin aalis ka naman." Wika ni Tito vernon. "May mga kailangan pa po kasi akong tapusin Mom, and Its okay Dad, Kuya Xandreb is there alam kong di kayo ma bo bored." Wika ni Xavier. "Pano Mom..Alis na po muna kami" wika ni Xavier sabay halik sa ina s pisngi. Dumako ang tingin nya Sa Kuya Xandreb nya na titig na titig parin kay Eris. Katatalikod pa lamang nila nang biglang magsalita si Xanreb. "Bakit Hindi na lamang ikaw ang Umuwi sa Condo mo, Bakit hindi mo iwan Si Eris at ang kapatid nya dito. Wika ni Xanreb kay Xavier na ikinagulat ko rin, Hinarap pabalik ni Xavier ang Kuya nya, "Hindi ko sya Pwedeng iwan dito, Dahil kasama ko sya." Wika ni Xav. "oo KASAMA pero hindi mo pa ASAWA" bakit pinagdadamot mo na! Wika ni Xanreb na tumayo sa kanyang Pwesto at hinarap at nilapitan din si Xavier. Natatakot ka bang MAAGAW ko sya Sayo? Huh Xavier.. wika pa nito. Nilapitan na nila Tita Xena at Tito Vernon si Xandreb at sinasaway ito Samantala si Xavier naman ay nakakuyom na ang mga kamay na halatang nag pipigil lamang. Hinawakan ko ang kanyang Kamay at Sinalikop iyon sa kamay ko. At ako na ang nagsalita, Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ang gusto kong sabihin. "Ahm..Pasensya na po Tita Xena..Tito Vernon and Kuya Xandreb. "Ako po kasi ang kasama nya, Sa kanya rin po ako sasama pabalik" "Mauna na po Kami...Maraming salamat po." Nilingon at tinitigan ko si Xavier nakatitig din sya sa akin, halos mamula ang mata niya tila pinipigilan nya lang din lamang ito. Nginitian ko sya ng Bahagya..At hinawakan sa pisngi. "Halika na... Uuwi na tayo..Sasama kami sayo" wika ko sabay hinawakan sya sa braso at inakay palabas. At Nilisan nga namin ang mansion kinarga nya si Baby at inakbayan nya ako at sumakay na kami sa sasakyan nya. tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan, walang isa man sa amin ang nagsasalita, mamaya ko na lamang sya kakausapin sa condo pag dating. Makalipas lamang ang 30 mins ay narating namin ang Condo. Nilapag ko agad si aeolus sa kwarto. Samantalang si Xavier naman ay dumiretso din sa kwarto nya. Pumunta ako sa may sofa at hinihintay ko syang lumabas, Kakatukin ko sana sya ng parang may naririnig akong ingay sa loob parang may mga nababasag. At di ako nag dalawang isip ng Buksan ang Pinto. At doon ko sya nakita nakaupo sa gilid ng kama at sinusuntok ang pader at may ilang basag na bote.. Nakita ko syang Lumuluha at nang Hindi na mapigilan ay doon ko narinig ang pag iyak nya. Nilapitan ko sya at niyakap. "Its Okay to Cry Xav, hindi yan makakabawas sa p*********i mo, wika ko sa kanya habang tinatapik ang likod nya. Nakaupo lang sya sa sahig habang ako naman ay nakaluhod para maabot sya. Nakasubsob lang sya sa balikat ko habang umiiyak. Xav, handa akong makinig..Sabihin mo lang kapag ready kana." Nagulat ako ng magsalita sya. "Hindi mo ba ako Huhusgahan? Handa kana bang malaman Eris? "Handa na Xav, I will listen..wika ko. Umayos kami ng upo, nakaupo kami pareho sa lapag at nakasandal sa kama ng magsimula sya mag kwento. "Kuya Xanreb is My best friend when we are young, Idol ko sya noon, 3 taon ang tanda sakin ni Kuya. Bata palang kami Makikita mo na na mas Paborito sya ni Dad kesa sakin, Syempre panganay na anak..Kay mom naman wala akong problema because they treat us equal. Hangang sa medyo nagbibinata na kami, Si kuya madalas nya akong yayain kung saan saan syempre idol ko sya sumasama ako ang ending kapag palpak..sa akin ang tapon ng sisi, Yung naligo kami sa Dagat ako yung nalunod, sinagip ako ni kuya Pero mas nag alala si dad sa kanya. Pano daw kung nalunod din si kuya, pero sya naman ang nag utos sakin na tumalon ako. Pero ako pa yung napagalitan that time. At ang isa pa niyaya ako ni kuya na umakyat kami sa puno ng mangga ang ending nahulog si kuya pero ang sinabi ni kuya Tinulak ko raw sya kahit hindi naman, pero pinagpilitaan nya parin na tinulak ko raw sya kaya ang ending pinarusahan ako ni papa. At ang pinaka last that was 8 years ago at yun ang pinaka malala. Kinuwento nya kay Eris ang pangyayaring iyon at hangang ngayon yata ay sariwa pa sa kanyang ala-ala... 8 years Ago Kinatok ako ni Kuya sa Kwarto, Birthday daw ng kaibigan nya at isasama daw ako, nagpa alam ako kay mom and dad na isasama ako at tuwang tuwa naman ako dahil pumayag sila. Laking gulat ko na iba ang Pinuntahan namin isa itong Bar, Maraming tao at Grupohan. "Kuya, bakit andito tayo? Akala ko ba birthday ang pupuntahan natin" wika ko. "Ang totoo nyan Xavier, wala naman talagang Birthday, syempre sinabi ko lang yun kay mom and dad para payagan tayo, tingin mo ba papayag yun kung nalaman nila na sa Bar tau pupunta? Hindi diba kaya diniskartehan ko nalang." Wika ni kuya Xanreb "Pero Kuya mali parin, nagsinungaling tayo kay mommy" wika ko. So anong Gagawin mo Uuwi ka magsusumbong ka? e di magsumbong ka..Akala mo ba paniniwalaan ka ni Daddy, di yun maniniwala sayo. Asa ka..Huh...Dyan kana nga ang KJ mo. wika ni kuya sa akin, lumabas nalamang ako ng bar at nag abang ako ng Taxi na masasakyan pauwi ang tagal ko nang naghihintay ngunit wala pang dumadaan kayat naglakad lakad nalang muna ako. Samantala.... Pre...Pinauwi mo na utol mo? Oo ang KJ eh..Bahala sya e di magsumbong sya kay mom and dad..Haha uunahan ko na sya. Akala nya naman maniniwala sa kanya si dad." Wika pa nito. Maya maya lamang ay tinawagan ni Xandreb ang Daddy nya. Hello dad....Dad andyan na po ba si Xavier? Wala pa anak diba magkasama kayo? Opo dad, pero pinagsabihan ko po kasi, sumama siguro ang loob sakin Inaya po kasi kami sa bar..sabi ko wag na dahil di kami nakapag paalam sa inyo kaso mapilit po kaya medyo nagkasagutan kami kaya iniwan po ako," pagsisinungaling pa ni Xanreb. Ganon ba Sige ako bahala sa kapatid mo mamaya pagsasabihan ko . Salamat po dad bye po, hahanap hanapin ko nalang din po sya pauwi na rin po kami maya maya. At pagkatapos non ay endcall na. "Oh diba...Ganon lang dapat konting drama then Boom....hehe "Grabe pre, Wala kang awa sa kapatid mo sarili mong kapatid binaligtad mo pa tsk.tsk...wika ng kaibigan nito. "Ganon talaga..wika pa ni Xanreb sabay Hithit ng sigarilyo Ngunit sa mga oras na yun pala ay may mga naka mata sa kanila na naghihintay lang ng go signal. Hangang sa mgka iringan na nga at magkagulo sa Bar, Naawat naman ang magkabilang Grupo ngunit badtrip na umalis ang grupo nila xanreb. Pinaharurot nya nang husto ang sasakyan na animo nakikipag karera Sinasaway na sya at binubusinahan ng mga kasama nya nungit ayaw nya parin tumigil huli na ng makita nya ang parating n sasakyan at Bumanga sya rito. Samantala kakapasok nya pa lamang ng bahay nila ay Sinalubong na sya ng daddy niya ng Sapak, inawat naman ito ng mommy niya.. "Vernon. Tama na...nasasaktan ang anak mo" wika ni mommy. "Kapag May nangyaring masama sa kuya mo Mananagot ka! Wika ni Dad. Halos hindi mag sink in sa isip ko kung ano bang nangyari kaya tinanong ko agad si mommy "Mom.ano po bang nangyari? "Anak, ang kuya mo, Naaksidente.. Wika ni mommy? "Po? Saang hospital po? Puntahan po natin. Wika ko kay mommy at agad kaming pumunta sa hospital. Nadaanan namin ang pinangyarihan ng aksidente, wasak na wasak ang Sasakyan ni Kuya, hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit ako ang sinisisi ni Daddy pero pinagdarasal ko parin na sana ay ok lang si kuya. Pagdating namin sa Hospital Nadatnan namin si Dad kausap ang doctor, Pagkakita pa lamang sa akin ni Dad Ay Binanatan at Kinuwelyohan agad ako nito, Hindi ako lumaban, hinayaan ko lang na saktan nya ako. Ang mga kaibigan naman ni kuya ay umawat narin dahil kung hindi ay baka mapatay na ako ng tuluyan ni daddy. "Kapag May nangyaring Masama sa kuya mo hindi kita mapapatawad! "Vernon Tama na ano ba! Wika ni mommy. "Ano po bang Kasalanan ko Dad? Bakit everytime na may nangyayari kay Kuya bakit sa akin nyo po sinisisi? Wika ko. "Dahil kasalanan mo! Alam mo ikaw..Sana ikaw na lang ang Naaksidente! Sana ikaw nalang ang nakaratay! Alam mo puro kapahamakan lang ang dala mo sa kuya mo Hwag na hwag ka ng lalapit sa kanya mas maigi pang Layuan mo na ang kuya mo!..Wika ni Dad... Ok lang na saktan nya ako dahil akala ko masakit na yung mga suntok nya .pero mas masakit pala yung lumalabas sa bibig nya. "Sana nga Dad ako nalang...Sana ako nalang yung andyan, para maramdaman ko Din kung ganan din ba kayo ka concern pagdating sa akin.Kaso Hindi eh dahil kahit Kelan Hindi nyo ako naging GUSTO at kahit kelan Never nyo ako naging PABORITO.. Hwag po kayong mag alala dad, Hinding hindi napo ako lalapit sa inyo kung yun po ang makapagpapasaya sa inyo.Yun po ang gagawin ko.. Pagkatapos non ay umalis na ako, niyakap ako ni mommy at iyak ito ng iyak.. "Anak, patawarin mo ang daddy mo, siguro ay galit lamang sya kaya nakapagbitaw sya ng mga salitang masasakit," wika ni mommy Its okay mom..totoo naman po eh, puro failure yung nadala ko sa Family, hindi ako kagaya ni kuya na kaya nyang ipagmalaki sa mga kaibigan nya. "No anak..hindi..Magaling ka rin, magkaiba nga lang kayo ng larangan pero your Good , anak..." Wika pa ni mommy. Nag Heart to heart pa kami ni Mommy ayaw nya pumayag nung una pero ng huli nakumbinsi ko rin sya na gusto kong maging independent. Lumayo ako sa Family ko, from Australia lumayo ako at nagtungo Sa California dun ako namuhay ng mag Isa, dun narin ako nag aral at nakapag tapos. May connection parin naman ako kay mommy that time umuuwi sya ng pilipinas at ang balita ko nasa Netherland si Daddy at si Kuya dahil doon daw isasagawa ang opersyon ang balita ko ay matagal na coma si kuya hangang sa doon muna sila nanirahan sa amsterdam ni daddy nang magkamalay ito. Sa Califronia ko rin na meet ang gf ko na si chenley at nung pumanaw ito doon lang ako nag decide na umuwi ng Pilipinas para tangapin ang Alok sa akin ni mommy na ako na ang magpatakbo ng Osteller Group of Company, Tama kayo...Osteller is my Mom Surname nung Dalaga sya, Nang makagraduate ako at magkatrabaho I'll change my surname From Xavier Cromwel to Xavier Osteller. One time Dinalaw ko si Mama sa Australia Hindi ko alam na andon din pala sila dad, nag sorry sya sakin that time tango lang ang isinagot ko, nakiusap si mama sakin na sana daw kahit casual ay tratuhin ko parin si daddy kaya sinunod ko naman, Kinuwento ko lahat lahat kay Eris, Wala akong nilihim, Nang matapos kong ikwento sa kanya ang mga hugot ko sa buhay ay Sya naman itong iyak ng iyak..kung kanina ako ang nakayakap sa kanya, ngayon sya na ang nakayakap sa akin, sya na ang iyak ng iyak sya na ang pinapatahan ko. "Woi...Tahan na..Hehe ayan ang sinasabi ko sayo kanina, kaya ayoko i kwento sayo, kita mo ikaw tong iyak ng iyak ngayon, tama na Eris.. Tapos na yun, nakaya ko naman diba..kaya eto ako ngayon, Wag kana umiyak," wika ko. "Eh...Eh pano naman kasi...ang ang sakit pala ng pinagdaanan mo.." wika ni Eris na di parin matigil sa pag hikbi. Tahan na.. ang mahalaga yung ngayon. Wika ko sa kanya.. "Salamat sa Pagpili mong Sumama sa akin Eris" sa tagal ng panahon, ngayon ko lang naranasan na Piliin.. Kaya maraming Salamat... I LOVE YOU ERIS.... AH....I LOVE YOU TOO XAVIER...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD