Chapter 13

1892 Words
Nagmamadali akong Makauwi.Hindi ko alam pero pakiramdam ko sabik na sabik akong makita si Eris,. Kaya pagsapit na pagsapit ng Ala-sais ay dali dali na akong nag out, Mabuti na lamang at hindi ganoon ka trapik kayat bandang 6:40 ay nakarating agad ako sa condo, chineck ko pa ang sarili ko bago bumaba ng sasakyan sinigurado kong Presentable at mabango parin ako pag humarap ako kay Eris. Dali dali kong tinunton ang elevator patungo sa Unit ko, Pag Scan ko sa Finger ko ay bumukas agad ang pinto ,Nabungaran ko Agad si Eris na nakaharap din sa pintuang pinasukan ko..nagtama ang aming mga mata, parang gusto ko syang lapitan at Yakapin, Naputol lang ang aking iniisip ng Nagbaba sya ng tingin at Tumikhim..Dun lang nagawi ang Tingin ko sa may bandang Crib at doon ko lang din napansin na nandoon pala si Mama at nilalaro si Aeolus. "Ehem..Ano magtitittigan lang ba kayong dalawa dyan..ano baby aeolus." Wika ni mama na animoy kinakausap si aeolus. "Ahm..Goodevening mama, andito po pala kayo? Bat hindi po kayo nagpasabi na bibisita po pala kayo." wika ko kay mama at hinalikan ito sa pisngi "It's Okay Hijo, andito naman si Eris, ikaw ha..Hindi ka nagsasabi ibinabahay mo na pala itong si eris. Hwag mong paiiyakin to ha.." Wika ni mama, bigla naman ako nahiya dahil baka kung ano ang isipin ni Eris. "Ma, ano kaba, pinatira ko muna sila dito dahil nanganganib sila sa dati nilang tinitirhan, atleast dito ligtas po sila. "Alam ko naman yun hijo, walang kaso sa akin yun. Masaya ako at may kasama ka dito sa unit mo " Napatingin naman ako sa gawi ni eris at bigla itong nagsalita. "Ahm..Xavier, Tita okay na po ang food maghahain na po muna ako." Pahayag ni Eris. Pagkasabi noon ay nagtungo si Eris sa kusina, nakita ko syang nagsasandok ng Ulam, agad ko syang sinundan, muntik na kami magkabangaan dahil paglapit ko ay sya namang pagharap nya kaya halos magkadikit kami ng katawan..napag gigitnaan namin ang bowl na may lamang ulam. "Ahm..sorry xavier muntik kana mabuhusan.." wika nito. "Ahm..Nagluto ka pala, mukang masarap yan mapaparami ata ako ng kain. Wika ko. "Hehe e di mas mabuti healthy food naman to .. "Oo nga...nag abala ka pa talaga baka naman pinapagod mo na ang sarili mo, nag aalaga kapa kay baby. Wika ko sa kanya "Okay lang mabait naman si baby, tahimik lang sya kaya nakaluto pa ako. Wika ni Eris habang binababa ang bowl ng ulam. Tinutulungan ko sya mag hain sa mesa, ako na ang kumuha ng mga plato at kubyertos na gagamitin, Habang sya naman ay nag sasandok na rin ng kanin nang maihanda na ang kanin ay tinawag narin ni Eris si Mama. "Ahm tita tara na po,handa na po ang dinner." Aya ko kay Tita Xena, Agad naman itong tumayo habang karga karga parin si aeolus. "Ahm tita..kain na po kayo, ako naman po muna ang maghahawak kay aeolus, wika ko kay tita. "Sige na Hija kumain na kayo ni Xavier, ako na bahala kay Baby, mabait naman tong sibunso diba..Tahimik lang to sa stroller nya ." Wika ni tita xena habang tinatangu tanguan si Aeolus at tila nakakaintindi naman ito at tumatawa din. Habang nakalapag si aeolus sa stroller ay kumain narin si tita, Magkatapat kami Ni Xavier at nasa gitna ng lamesa si Tita xena..nasa pagitan naman namin ang stroller na Aeolus. Tahimik lamang kaming kumakain Napansin kong nakatingin si Xavier sa pingan ko, konti lamang kasi ang kanin na inilagay ko. "Eris, bat ayaw mo dagdagan ang pagkain mo, ang konti lang." Wika ni Xavier sa akin. "Hindi kasi talaga ako ng ra rice ng husto sa gabi" wika ko pa kay xavier. "Ganon ba, Baka mamayat ka nyan lalo. Wika pa ni Xavier. "Hmm..Hind naman, malakas naman ako kumain sa morning" dagdag ko naman. "Naku hija ganyang ganyan din ako nung dalaga ako, kaya nainlove din sakin ang Daddy nila Xavier.wika ni Tita Xena.. "Nila? Ibig sabihin po Tita May Anak pa po kayo aside kay Xavier? Masayang tanong ko ngunit tila kabaligtaran naman ang reaction nilang mag ina..Bigla akong napayuko, mukang wrong timing ata ang tanong ko, Bigla natahimik si Xavier at nabaling ang tingin sa Kutsarang hawak, samantalang si Tita naman ay nag iwas ng tingin sa akin at binaling ang tingin kay Aeolus, nang mapansin kung medyo awkward na ay iniba ko nalang ang usapan. "Ahm..excuse po, kukunin ko lang po yung dessert na ginawa ko," wika ko at tumango naman si Tita. Kinuha ko sa ref ang ginawa kong Fruit salad, at dinala ito sa may lamesa pansin kong nananatiling nakayuko si Xavier kayat agad ako bumalik sa pwesto dala ang salad at mga platito. Nag excuse naman si tita sa amin at sinabi na di na muna sya mag de dessert dahil gabi na at nag excuse sya sa amin na dun na muna sila ni baby sa sala. Kayat naiwan kaming dalwa ni Xavier sa may lamesa, ramdam ko parin na may something kayat nagsalita na ako "Xavier, Tikman mo tong salad na gawa ko,Kanina ko lang yan ginawa. Wala lang naisip ko lang baka gusto mo ng dessert," wika ko ngunit nananatili lamang synag nakayuko. "Xavier?...may problema ba? Hindi mo ba gusto? Im sorry ha pinakilaman ko ung mga stocks mo. Sige lilikumin ko nalang," wika ko, akmang kukunin ko na ang salad ng Hawakan at pigilan nya ang kamay kong nakahawak dito. "Its okay Eris, Kakainin ko yang gawa mo...Pinaghirapan mo yan.salamat sa time naalala mo akong ipag gawa." saad ni Xavier sa akin. "Talaga? Hindi ka galit? tanong ko sa kanya. "Bat naman ako magagalit? Wala naman akong dapat ikagalit, Dapat pa nga akong mgpasalamat dalhin andyan ka." Dagdag pa ni Xavier sabay tingin sa akin, doon ko lamang napansin ang malamlam nyang mata. Halatang meron syang dinadala na hindi nya lang masabi. "Ako ang dapat magpasalamat, dahil sa pagligtas mo sa amin ni baby, THANK YOU.sabi ko nginitian ko sya sabay tinapik ko ang kanyang balikat. sa simpleng ginawa koy napangiti sya..ngunit bakas parin ang lungkot. Nang matapos namin mag dessert ay nilikom ko na ang mga pinagkainan, gusto nya pa akong tulungan ngunit pinigilan ko na lamang sya, sinabi kong magpalit na lamang sya ng damit at magpahinga, kaya ko naman magligpit mag isa, mabuti na lamang at napapayag ko, Maya maya ay nag paalam narin si tita Xena, nakita kong galing sya sa kwarto ni Xavier, may ilang minuto rin bago sya lumabas, at napansin kong parang lumamlam ang mata nya, na tila ba may luhang lumabas dito. "Eris Hija, mauna na ako .salamat sa dinner, "wika ni tita Xena sabay Beso sa akin. "Ahm..hija, ikaw na muna ang bahala kay Xavier ha..Masaya ako at narito ka, kahit papaano may kasama sya.Hindi ako gaanong mag aalala." Wika ni tita "Hwag po kayong mag alala tita, ako na po ang bahala, mabuting kaibigan po si Xavier sa akin kayat gnin din po ako sa kanya. Wika ko naman. "Mabuti kung ganin hija, so pano mauna na ako.." "Sige po tita..bye po..ingat po kayo. "Nang makalabas si tita ay sinarado ko na ang pinto, napakatahimik ng buong bahay, nakatulog narin kasi si aeolus, naisip ko si xavier, pano kaya sya nung sya lang mag isa, uuwi galing trabaho, pano kaya yung pagkain nya? Kumakain kaya sya rito,or ano kaya ginagawa nya after trabaho? Trabaho pa rin ba? Parang naawa ako bigla kay Xavier. Napatingin ako sa pinto ng kwarto nya, sarado ito, tulog na kya sya? Baka nakatulog na,Baka pagod sa trabaho. Maya mayay binuhat ko na si Aeolus sa kwarto namin, himbing na himbing na ang tulog nya. Kayat naisipan ko na rin na mag half bath, makalipas ang 10 mins na halfbath ay lumabas narin ako ng CR at sinimulan naman ang aking evening routine, nakapantulog na ako pinatungan ko ito ng Robe at saka ako lumabas upang magtimpla ng gatas. Nagtimpla ako ng Isa pa at dadalhin sana sa office room ni Xavier nakailang katok na ako ngunit walang nasagot kayat nag desisyon na akong pumasok, ngunit pag bukas ko ay wala sya roon,ibig sabihiy hindi pa sya nalabas ng kwarto, marahil ay nagpapahinga na siguro ito, pumunta sya sa kusina at nilinisan nya ang baso na kanyang ginamit,habang nag huhugas sya sa lababo nagulat sya ng may bisig na yumakap sa bewang nya, at ipinatong naman ang baba sa kanyang balikat, Para syang nanigas sa kinatatayuan nya. Amoy nya ang pabango ng binata, Nagulat sya ng bigla itong magsalita naamoy nia ang mabangong hininga nito na tila ay nahaluan ng alak, marahil ay nagshot ito sa loob ng kwarto. "Eris, ....." Tawag nya sa pangalan ko. Hmmm..bakit..? Tanong ko naman pabalik? "Pag ba sinabi kong mamamatay tao ako matatakot kaba sa akin? Lalayuan at Kamumuhian mo rin ba ako?" Tanong ni Xavier sa akin, nasa ganong pwesto parin kami, Gusto kong makita ang mukha nya kaya humarap ako sa kanya nakasandal na ako sa lababo at nakahawak parin sya sa bewang ko, ngunit nakapikit ang kanyang mga mata. Nang hindi pa ako sumasagot ay muli syang nagtanong ngunit nananatiling pikit ang mata "Lalayuan at kamumuhian mo rin ba ako? Muling tanong nya sa akin, pero bakit wala akong maramdamang takot para sa kanya kundi awa, pakiramdam ko may mabigat syang dinadala na sinasarili nya lamang. Bago ako sumagot ay Hinawakan ko ang kanyang mukha at hinaplos ito, saka ako nagsalita. Diba gusto mo malaman ang sagot ko, Para sa akin Hindi, Dahil alam kong hindi mo magagawa yun, alam kong malinis ang puso mo, kaya hindi kita kamumuhian or lalayuan, kinuha ng kanyang kanang kamay ang aking kamay at Dinala ito sa kanyang labi at saka hinagkan. Doon palang sya nagmulat at biglang tumulo ang mga luha roon. At bigla akong niyakap, Niyakap ko rin sya pabalik, dama ko ang bigat na dinadala nya ramdam ko ang pagyugyog ng kanyang katawan dahil sa pag iyak, dahan dahan ko pinakalma ang kanyang likuran at hinagod ito at doon unti unti syang kumalma. "Xavier, kung kailangan mo ng kausap, handa akong makinig, andito lang ako. Hindi kita pipilitin kung hindi kapa handa, basta andito lang ako kapag kailangan mo ng kausap ha.. Maya mayay ibinigay ko na sa kanya ang Gatas na tinimpla ko at maya mayay ininom nya na ito. Umupo kami sa may sofa pagkatapos,dahil inaya nya ako tanging lampshade lang nag nakabukas sa may sofa. "Ahm..Eris pwede bang dito muna tayo, gusto kitang makasama pa.please.iwan mo nalang ako kapag nakatulog na ako." Wika ni Xavier sa akin. "Okay, kung yan ang request mo" saad ko naman sa kanya saka ko sya binigyan ng matamis na ngiti, ngumiti naman sya pabalik. Maya maya ay pumwesto sya pahiga sa sofa at humiga sa aking mga hita, hawak nya ang aking kamay hinagkan ito saka pinatong sa kanyang dibdib. Hinaplos ko ang kanyanf buhok, at minasa masahe ang kanyang noo, maya maya ay napansin kong malalim na ang kanyang pag hilik, mahimbing na ang tulog nya. Tinitigan kong maigi ang kanyang mukha, gwapo si xavier, pero may konting eyebag dahil sa puyat sa trabaho, Hindi ko sya maiwan dito sa sofa kayat ang ginawa ko ay nilipat ko si Aeolus sa Crib, at inilabas ko ang comforter at naglatag malapit sa sofa na hinihigaan ni Xavier, kaya ang ending dito kaming tatlo sa sala natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD