Chapter 12

1705 Words
Kinabukasan ay nagising ako sa alarm ala singko na kasi ng umaga. Mahimbing parin ang tulog ni aeolus. Inilipat ko muna sya sa crib upang hindi sya mahulog kung sakaling magising. Nagtungo agad ako sa kusina. Pinakialaman ko ang mga stocks ni Xavier sa Ref, Nagluto ako ng bacon, hotdog and eggs, saka ako ngluto ng Fried rice. Kasalukuyan ko ng inilalagay sa mesa ng biglang lumabas Si Xavier nakaligo na ito. "Goodmorning Eris, " "Good morning Xavier, Kumain ka na muna,"pinakialaman ko yung stocks mo sa ref. "Wow, nag abala ka pa na magluto ng breakfast. Hmmm bango mukang masarap. wika ni Xavier "Hahaha..Bolero, wala naman pinagkaiba yan eh puro fried lang naman yang naluto ko" "Haha...Ang bango kaya ng Fried rice. Kaya feeling ko masarap." "Hehe Sige na kumain kana, eto ang kape mo." Sabay abot ko sa baso ng tinimpla kong kape. "Halika na sabay na tayo mag breakfast, tulog pa naman si baby" "Oo himbing na himbing pa sa pagtulog. Wika ko naman. "Eh ikaw, how was your night? Did you sleepwell?" Tanong sakin ni Xav. "Okay naman, nakatulog na rin naman ako pag balik ko sa tabi ni baby. Ikaw? Anong oras ka na natapos? "Around 2am na ko nakabalik sa kwarto need ko kasing ma review para pipirmahan ko nalang mamaya. Nagpatuloy sila sa pagkain at kwentuhan, maya maya ay naghanda na rin si Xavier papasok sa opisina. Karga karga ni Eris Si Baby Aeolus dahil bagong gising ito. Maya maya ay Kinarga din ito ni Xavier at nilaro saglit, Hangang sa Kinuha na nito sa Aeolus dahil wala pang balak itong ibigay ni xavier baka ma late pa ito Sa opisina. "Xav, Akin na si Baby, Baka ma late kana 6:40 na.." "Oo nga no.Nawili ako kay baby pogi. Later ulit baby ha pag uwi ni kuya." At kinuha ko na kay Xavier si Aeolus. "Bye Xavier Ingat"..Saad ko. Bye Babe.... Nagulat ako sa sumunod na nangyari Ng bigla nya akong halikan, sa pisngi lamang iyon pero hindi ko ineexpect,ramdam ko ang pamumula ng aking mukha kahit di ko man ito nakikita. Kahit si Xavier ay parang nagulat din sa ginawa nya. "I mean Baby..Tama Baby Aeo.. Wika pa nya. (Defensive ang Koya mo Xavier?) Babe huh. "Ah..hehe..Ahm sige na Xav, baka ma late kana, wika ko nman. "Ahm..yeahh..i mean i go Eris, bye..see you later. Kumaway pa sya sa akin bago tuluyang isara ang pinto, natawa na lamang ako. Hindi na muna ako pumunta sa shop today, nagbilin nalang muna ako kina Danna, inayos ko rin ang mga dala naming damit ni Aeolus sa drawer sa may kwarto. Samantala Every 2 hours ata ay tumatawag si Xavier upang kumustahin kami. Matapos kong paliguan si Aeolus ay pinadede ko na din ito hangang sa makatulog, at ako naman ang naligo habang tulog sya.. Tapos na ang pinapanood kong palabas kayat naisipan ko na lamang na maglinis, malinis naman ang bahay ni xavier, wala nalang talaga akong magawa kaya pinunasan ko nalang din ang mga vase at nagwalis din kahit di naman ganon karumi. Habang nagpupunas nakita ko ang mga Picture frame na nakapatong sa ibabaw ng drawer. Kinuha ko ito at tiningnan. Malamang na Mom and dad Ni Xav ang kasama nya, Sa picture may isa pa syang kasamang lalaki na mas matanda siguro ng ilang taon sa kanya, medyo kahawig nya ito. Siguro ay kapatid, wika ko sa aking isip, ngunit sa mga sumunod na larawan ng teenager na sya ay sila na lamang ng mom and dad nya ang na sa Pic, wala na ang isang lalaking nasa ibang larawan. Ibinalik ko at inayos ang mga ito sa dating lalagyan, napaka organize talaga ni Xavier, maging sa Office Library nito ay malinis din. Nang matapos na ako ay napagdesisyonan kong Umidlip na muna at tabihan si Aeolus. Inalarm ko nalang muna ang cellphone ko ng 5pm para naman makapagluto ako ng Hapunan. Samantala. "Cous, ano pala nangyari e di sayo na nakatira si Eris?" Tanong sakin ng pinsan kong si Stefan "Oo mabuting sa akin na muna sila tumuloy, mahirap na..babae sya, may bata pang kasama, kung makikita mo lang itsura nya kagabe..awang awa ako..muntik na syang ma gang rape ng mga walang hiyang yun." Dagdag ko naman "Tsk..buti nalang cous nailigtas mo, Napakaganda pa naman ni Eris,Sexy,Makinis kaya siguro laway na laway ang mga manyakis,"wika ng pinsan ko napailing na lang ako, sa twing naaalala ko yung nangyari. Nagpatuloy lang ako sa trabaho, Hindi na muna ako ulit tumawag kina Eris natangap ko kasi ang mensahe na iidlip muna sya kaya di ko muna sya i storbohin,marahil na napagod din sya kagabe. Pinagpatuloy ko lang ang pag pirma at ang ibang mga dapat tapusin, kailangan kong mag Out ng 6pm dahil alam kong may naghihintay na sa akin sa bahay. Samantala, Nag alarm na ang cellpone ko hudyat na upang mag prepare ng hapunan, Binuksan ko ang ref at nakakita ako ng mga gulay sa ibaba, naisip kong magluto ng chopsuey. Tama, saka pinalambot ko rin ang manok mula sa ref dahil gusto ko rin itong ternohan ng fried chicken. Eksakto namang gising si aeolus, Naglalaro sya sa kanyang crib, binuksan ko din ang Tv at nag play ng mga Nursery rhymes na katamtaman lamang ang lakas nakakatuwa talaga sya marunong na syang manood nakatingin sya sa monitor at tila nagsasalita sya ngunit di pa naman maintindihan..nginangatngat nya rin ang mga toys nya ang iba ay hinagis nya na sa lapag, mabuti na lamang at Carpet ang sahig sa may living room nila Xavier. Kasalukuyan akong nagluluto, paminsan minsan ay nilalaro ko si aeolus at panay naman ang hagikhik nito habang nanonood parin. Habang nasa ganon kaming tagpo ay biglang tumunog ang pinto hudyat na may tao, lalapit palang sana ako para buksan ito ng Kusa na itong Bumukas, Niluwa nito ang Isang Maganda,At sopistikadang Ginang, Medyo napatda ako sa aking kinatatayuan at nakatingin lamang sa ginang..Ganon din naman ang Ginang na nasa aking harapan, tila nagulat din nang makita kami . "Ahm...Good afternoon po,"naiilang na sabi ko habang pinupulot ang laruan na nalaglag sa sahig "Good afternoon? Sino ka hija,.Ngayon ko lang nalaman na may sinamang babae ang anak ko sa condo nya," Tanong naman ng ginang sa maayos na tono. "Ahm..Im Eris po, kaibigan po ako ni Xavier mam.". Magalang na sabi ko "Ah..So your Eris, naalala ko na, So ikaw yung daughter nung namatay sa Rivamonte right? Tanong ng ginang. "Yes po mam, ako nga po," wika ko naman. "Oh, hija im sorry for your lost," Wika ng mommy ni Xavier, nagulat pa ako ng bigla nya akong yakapin, at sunod nyang nilapitan si Aeolus na nakangiti sa kanya habang naglalaro. "So eto yung kapatid mong bunso, ang cute naman." Dagdag pa nito. "Thank you po mam.." saad ko naman. "Naku hija, just Call me Tita Xena, masyadong formal ang mam, But you can call me MOM/MAMA too..hehe." Wika ni Tita Xena na ikinagulat ko rin, tumawa nalang din ako. "Ahm.tita baka may gusto po kayong inumin ipagtitimpla ko po kayo, tanong ko kay tita xena. "Coffee nalang hija, ok na ako dun. Sige po ipagtitimpla ko po muna kayo, wika ko naman. Habang nagtitimpla ako, at habang hinahalo ko din ang aking niluluto ay sumunod pala si Tita Xena, nagulat ako ng makitang karga nya si Aeolus na naka demlay pa sa balikat nya. "Wow, ang sweet mo naman hija, pinagluto mo pa ang anak ko, im sure mtutuwa yon, saad ni tita xena. "Ahm ganon po ba, di ko nga po alam kung magugustuhan nya itong chopsuey, nakita ko lang po na may stock sa ref kaya niluto ko na po. "Naku hija, tama yang niluto mo don't worry, kumakain sya nyan. Saka mukang masarap yang niluto mo, "Dito na rin po kayo maghapunan tita,aya ko kay tita Xena. "Sige hija, hihintayin ko na rin dumating si Xavier. "Napakabait naman nitong kapatid mo hija prenteng prente sya sa akin oh.." "Opo nga tita, ganyan po sya may mga madali po syang makapalagayan ng loob.kahit po kay Xavier panatag po yan." Dagdag ko pa kay tita. "Oo nga hija, may nakita nga ako picture mo ata yun nung graduation ang cute nang kuha nyo, para kayong isang masayang pamilya. Wika ni tita Xena, para naman akong pinamulahan ng mukha kaya tumalikod muna ako at hinalo ang chopsuey, "Ah, yun po ba, nakita nyo po pala," "Oo hija, pinakita kasi sakin ni Xavier, "Ah, super close po kayo ni Xavier," "Oo hija, mas malapit sakin si Xavier kesa sa Dad nya. dati close din naman sila pero simula nung may nangyaring aksidente dun na nagbago ang lahat.wika ni tita xena na biglang lumungkot ang muka. Ramdam ko ang lungkot ng mama ni xavier kayat di na ako ng usisa..iniba ko na lamang ang usapan. "Ahm,tita pwede po bang tikman nyo po kung ok ba po ba or may kulang pa po? "Ah sige hija.tikman ko". At tinikman naman ito ng mama ni Xavier. "Naku hija, masarap nga. Im sure magugustuhan ito ng anak ko, Kakatuwa naman, wife material ka talaga Hija, Kelan ka pala nagsimulang tumira dito?" "Ahm, Kagabi lang po Tita, medyo may nangyari po kasi sa shop kaya pansamantala po muna kaming pinatira dito ni Xavier," magalang na sagot ko naman Kay tita Xena. "Ganon ba hija, mabuti ngang dumito muna kayo, lalo nat babae ka, may batang cute na cute kapang kasama, diba baby..." Saad pa ni tita xena habang kinakausap si aeolus. Nang matapos akong magluto ay pumasok muna ako sa kwarto at nagbihis saka ako bumalik sa sala at naabutan kong nilalaro ni Tita si Aeolus, mukang sabik din sa bata si Tita Xena, sa bagay wala na kasi syang batang anak, matanda na si xavier, saka asan kaya yung isang lalaki sa picture, kapatid nya kaya yun, Itatanong ko sana kay Tita ngunit bumukas na ang pinto at iniluwa noon si Xavier na kahit pagabi na ay tila napaka pogi at fresh parin.nag iwas tuloy ako ng tingin dahil nagkatitigan na naman kami, di talaga ako makatagal sa mga titig nya. Doon nya lang din napansin na naroon si Tita Xena na mama nya habang nilalaro si aeolus ng mabaling ang mata nya malapit sa crib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD