Nakaalis na ang mga Pulis, pero may mga tao parin sa labas na sa wari koy mga tauhan ni Xavier.
Nag aalangan man ngunit na papayag ako ni Xavier na tumira muna sa Condo nya, Hinahanda ko ang mga importanteng gamit na dadlhin muna namin ngayong gabi, at babalikan ko na lang muna ang iba.
Nang maiayos ko na ay bumaba na ako inabot naman ni Xavier ang mga gamit namin ni aeolus at inilagay sa sasakyan, Nakakandado narin ang store at Giniya na ako ni xavier patungo sa sasakyan.
Nasa loob na si Aeolus karga ito ng isang babae na sabi ni Xavier na isa sa mga kasambahay ni Yohan na mahusay mag alaga ng bata,tawagin ko na lamang daw itong Ate hilda.
Nakaupo nako sa Driver seat katabi ni Xavier, Saktong nakatingin ako sa Rear view mirror upang tingnan si Aeolus ngunit nabigla ako nga Mga mata namin ni Xavier ang Nagtama Hindi ko alam pero ng di ako makatiis ay ako na mismo nag nagbaba ng tingin.
Tumingin na lamang ako sa bintana para hindi naman awkward sa amin.
Ilang minuto lamang ay narating namin ang Condo na tinitirhan ni Xavier nasa ika 8 palapag ito ng isa sa Mamahaling condo sa Bansa.
May inassign syang guard sa entrance pa lamang ng Condo maging sa palapag na kinaroroonan ng unit niya.
Iginaya nya kami papasok ng Condo nya.
Nagulat ako sa laki nito, Yari ito sa Gray, white and Black combination,
Halatang lalaki ang nag mamay ari,
Wala syang masyadong gamit, puro mga mahahalagang mga gamit lamang ang makikita mo minimalist ika nga, ngunit completo naman ito sa mga basic na Kailangan at organisado ang mga ito.
Nasa ganitong momentum ako ng bigla syang lumapit sa akin, nakangiti at medyo nagulat pa ako sa presensya nya.
'Hey,,parang ang lalim naman ng iniisip mo? okay ka lang?' Tanong nya sa akin
"Ahmm..Oo, ahm sure ka na ba na papatirahin mo kami ni aeolus dito, ang tahimik baka maingayan ka pag nag iiyak si aeolus," wika ko sa kanya.
Napangiti lamang sya at mas lalong lumapit sa akin.
"Eris, okay lang saka sound proof naman ang room ko if ever, you dont need to worry okay,
Hindi kayo magiging abala ni Baby sa akin," dagdag pa nya.
"Maraming salamat Xavier." wika ko sa kanya..Nakatitig lamang sya sa akin,
Hindi ko alam, pero everytime na magkakatitigan kami ako ang unang nagbababa ng tingin, ako ang nauunang umiiwas, para bang hindi ko kayang labanan ang mga titig nya,lumalakas lamang ang pintig ng puso ko. Kayat para hindi naman awkward ay iniba ko na ang usapan.
"Ah..Xavier, San pala ang kwarto namin ni Baby?" tanong ko sa kanya at agad naman nya akong dinala sa kaliwang kwarto.
"This is your room, Sa akin yung katabi kung may kailangan ka, wag ka mahihiyang kumatok.
Then si ate hilda,Pwede ko syang kunin para maging taga alaga ni Aeolus, kapag nasa shop ka, don't worry Mabait Si ate hilda at mapagkakatiwalaan wala kang dapat ipag alala,then sa gabi babalik si ate hilda kina Yohan,"
'Ahm, pwede bang 2 araw isama ko si Aeolus sa shop, para din may 2 days pa na makapag work si ate hilda kina yohan, ok lang naman sa akin, kaya ko naman si aeolus',
"Ikaw, Its up to you, kung yun ang gusto mo, Padadalhan ko nalang kayo ng additional security sa shop."
"Maraming salamat Xavier"
Hindi ko alam kung bakit Bigla ko nalang syang niyakap. Nagulat nalang din ako nang mas higpitan nya ang yakap nya sa akin, at
Ipinatong ang baba nya sa ulo ko,ilang minuto kami sa ganong posisyon, hindi ako makakilos
bakit ganon ramdam ko na ligtas ako sa bisig nya, pakiramdam ko walang ibang makakapanakit sa akin,
Nagulat ako nang pagsalikupin nya ang aming mga kamay at doon ko lamang ulit napansin ang kamay nyang may mga sugat dala ng pagkakasuntok siguro kanina.
"Eris, magpahinga kana its getting late"
Saad nya sa akin,
kapag may kailangan ka katukin mo lang ako sa Office room sa tapat ng Room ko"
"Ahm..sige salamat ulit kukunin ko lang si Aeolus. Wika ko at tinanguan nya naman ako,
Nang makuha ko na si aeolus ay inihiga ko na ito, himbing na himbing ang tulog nito,
Kayat naglinis narin ako ng sarili at nagpalit ng pantulog na magkaternong Pajama.
Lumabas ako upang mag timpla ng gatas, sanay kasi ako na umiinom ng gatas bago matulog, nalala ko si Xavier, gagamutin ko ang mga sugat nya sa kamay, kaya hinanap ko ang first aid kit at nakita ko naman ito agad, nagtimpla din ako ng isang basong gatas para sa kanya hindi ko alam kung umiinom sya nito, pero siguro naman umiinom sya dahil hindi naman siguro sya mag i stock kung walang gagamit,
Kayat ng matimplahan ko na ay tinungo ko ang Office Room. Kumatok ako at nang marinig ko ang pagsabi nya ng COME IN ay pumasok na ako, dala ko ang gatas at kit sa magkabilang kamay naabutan ko syang nakatutok ang mata sa laptop at naka hawak ang isang kamay sa sintido tila ba may iniisip ito.
Saka lamang sya tumingin sa akin ng tawagin ko ang pangalan nya.
"Xav..Ahm dinalhan pala kita ng gatas, nagtimpla kasi ako,kaya dinamay na kita,"
wika ko sa kanya, Isang ngiti naman ang tinugon nya sa akin at inabot nya ang gatas na timpla ko,
"Salamat Eris, pero hindi mo na dapat ginagawa ito, ikaw ang bisita sa bahay na to."
wika nya habang iniinom ang gatas.
"Okay lang naman, simple lang naman na gawain yan,
Ahm..akin na pala yang kamay mo, napansin ko kanina na may mga sugat, gagamutin ko lang." Wika ko sa kanya habang nakatitig sa mga kamay niya.
"Malayo naman to sa bituka eris, okay lang to." wika nya sakin na nakangiti pa.
Ano kaba malayo nga sa bituka pero tingnan mo nga yung sugat, wag kana tumutol, akin na dali," Wika ko at hinablot ang kamay niya.
"Oo na Boss," wika ni Xav sabay ngiti at titig sakin, nag focus ako sa pag gagamot ng sugat nya, ramdam kong nakatingin sya sa akin ngunit ayoko syang tingnan dahil baka ma distruct ako sa ginagawa ko, nang maayos ko na saka lamang ako tumingin sa kanya at nahuli ko pa nga syang nakatingin sa akin.
"Yan... okay na." Wika ko na nakangiti sa kanya. Napatawa na rin sya sa reaction ko.
"Thank you Eris, Bahala ka pag ako nasanay magpatimpla ng gatas sayo naku lagi mo na ko ititimpla," wika nya sa akin.
"Hahaha Walang kaso yun, e di palagi kitang idadamay everytime na magtitimpla ako"
"Okay, pero salamat din sa pag gamot sa sugat." saad pa ni Xav sa akin.
"Wala yun,kami yung reason kaya nagkaganyan kaya hayaan mo akong tulungan ka kahit sa simpleng bagay."
"Okay, sabi mo eh..Hehe."
'Pano Xav, mauna na ako, medyo tumatalab na yung gatas na ininom ko,"pag paalam ko sa kanya.
"Okay, Goodnight.susunod narin ako maya maya, tapusin ko lang ito."
Wika nya sa akin..
"Okay, Goodnight din."
At agad ko nang tinungo ang palabas ng office Room.
Naihanda ko na ang higaan namin ni aeolus.
Hindi agad ko makatulog, naisip ko na ang dami agad nangyari ngayong araw, muntik na kaming mapahamak ni Baby, niligtas kami ni Xavier, at ngayon dito na kami nakatira kay Xavier.
Parang nung nakaraan lang si theron ang nag ooffer pero ngayon kay xavier kami napadpad, speaking of theron, nakita ko na may notif sa CP ko at agad ko itong inabot, tama, si theron nga ang nag message may miscol din ito, kinakamusta nya ako , malamamg nalaman na nito ang nangyari halata ang kaba sa boses nito,wala kasi ito Sumama kasi ito sa probinsya ng Nobya nito, ayoko naman na pag alalahanin pa sya.
"Hello Theron, Wag ka mag alala okay na kami, Si Aeolus tulog na, sinama na muna kami ni Xavier"
"Mabuti naman kung ganon, Hindi ka kasi nag reply kaya nag message ako kay Xav, kung napapadaan sya sa shop at kung nagkausap kayo, ayon na kwento nya sa akin."
"Don't worry theron, were okay, sinadya ko munang di ibalita sayo ang nangyari, ayokong masira ang moment nyo ni gail. Enjoy ka lang dyan."
"Okay, basta mag iingat kayo palagi ah..See you pagbalik ko."
At ibinaba ko na rin ang tawag. Pagkatapos ko noon ay tinabihan ko na sa pagtulog ang mahimbing na tulog kong kapatid na ngayon ay nasaka ika 6months na. Napakapayapa ng tulog nya.
Bigla ko na naman na aalala si mom and dad, habang tinititigan si Baby.
"Sorry baby, pati ikaw muntik na madamay, pero promise ng ate gagawin ko lahat para sayo. "
Alam kong walang makakatumbas sa love sayo ni mommy at daddy pero ipaparamdam ko sayo ang pag mamahal na naiparamdam nila sa akin. I love you Aeolus ." Wika ko sabay halik ko sa kanyang kamay.
Maya maya ay hinila narin ako ng antok at nakatulog na.