Chapter 10

2642 Words
Sharon Pov kinabukasan! Andito na ako sa work ko as usual naglalakad ako papunta sa room na lilinisan ko sana nang may nakabangga ako.Hindi kasi siya tumutingin sa dinadaan niya, gusto ko naman lumihis kaso malaki ang cart na dala ko! " ouch! " sabi niya na may pagka arte! Babae ang nabangga ko. Mag sorry na sana ako ng nagsalita siya na nanlilisik ng kanyang mga mata saakin! "How dare you pathetic! "Sigaw niya saakin na pantig pa ng tainga ko sa sigaw niya! Hindi lang yun dahil tinignan pa ako mula ulo hangang paa bago, ngumiti ng nakakainsulto saakin, "ang tanga lang! " dinig ko pang bulong niya kaya naman dahil sa inis ko na rin sinagot ko na siya! Hindi na rin ako mag so sorry total hindi nkya deserve! " Naku Nasaktan kaba? hindi po kasi nakatingin ang cart na dala ko sa dinadaanan niya ang TANGA, TANGA niya po kasi ano? " sagot ko sa kanya na sarcastic! Nakita ko naman na napakaki pa ang kanyang mata sa sinabi ko! Ano akala nang babaeng to porket tagalinis lang ako tsee! Sigaw ko sa utak ko syempre Tinignan niya ako ulit mula ulo hangang paa, tapos nag aapoy na nang galit ang mata niya pati ilong! pakialam ko ba bulong ko sa hangin. " you! " turo niya saakin, gusto niya ata akong sampalin, subukan lang niya makikita niya ang hindi niya gustong makita! kausap ko ulit sarili ko pero syempre nakabantay ako sa galaw niya mahirap nang maisahan nang babaeng to! "Ako? " turo ko sa sarili ko na nang aasar pa sa kanya! Mukha naman nagwagi ako dahil nag aapoy na talaga siya ng galit saakin! "makakarating to sa Daddy ko! " sigaw pa niya saakin bago umalis na nagdadabog! Tseeee! Sumbungera sige magsumbong ka sa Tatay mong kalbo loka loka! Sigaw ko sa sa kanya! Napabungisngis pa ako pa saking sarili! Naku Sharon, maglinis kana, kausap ko sarili ko, sabi ni Mr Arrogant kahapon pupunta daw ako sa office niya! bakit kaya gusto akong kausapin wala naman akong ginawa na masama diba? kausap ko ulit sarili ko, hay naku Sharon pumunta ka don para malaman mo! sigaw ko, para na akong temang neto haha! Sabi niya morning ang punta ko doon pero magtatanghali na naman, bahala siya doon matigas kong pagtanggi eh paano kung tanggalin ka sa work? Tanong nang utak ko hindi yan matatanggal wala naman siyang kasalanan sagot naman nang isang bahagi sa utak ko, pero duion ako napatigil sa una paano kaya kung totoong tanggalin ako sa trabaho ko! Hay naman buhay oh! naiirita kong sigaw sabay sabunot pa sa buhok kaya naman napa Ouch pa ako sa kagagawan ko pero napatigil ako sa isang tawa ng hindi kalayuan kung saan ako kanina nakatayo! Kaya naman napaangat ako sa ulo, at wow hulog nang langit sabi ng utak ko na naka nga-nga pa ako na parang temang, "ehem! "Kahit simpleng boses lang ang ganda pakinggan kaya naman natulala parin ako sa kanya. At mas lalo pa siyang natawa saakin. Hindi pa rin ako nagsasakita dahil nakaka starstruck ang kanyang istura para siyang isang model! "Ehem, Hi miss! " sabi pa saakin na kumaway kaway nang mga daliri niya sa mukha ko dahil subrang lapit na niya saakin. kaya naman nakapakurap-kurap pa ako. At doon ako nabalik sa katinuan kong kagagahan "Pasado naba ako sa paningin mo? " tanong pa niya na parang nang aakit pero nakangiti parin ako na parang temang! "Miss hello! " are you deaf? tanong pa niya at sabay senyas kong nakakarinig ba ako. Tinitiga ko lang naman kasi siya, oo nga gwapo siya, pero mas gwapo si Mr arrogant, sabi ko sa sarili ko pero teka, bakit nakasali si arrogant na naman hay Sha naman E! Sigaw ko ulit sa utak ko! Ngunit ang lalaking kaharap ko ngayon napakunot na ang noo! Kaya naman sinagot ko na! "Ahm, hindi ho sir, pasyensya na kayo! " sagot ko siya ng nakuha ko na sa tama ang utak ko, kasi kung saan saan na nakakarating eh "Ow, I see, I thought you are__ " sabi na na may pabitin pang nalalaman kaya naman ako na dumugtong, "Na bingi ako sir? " sagot ko na nakangiwi pa ako, ngunit ngumiti siya at lumabas ang pantay-pantay ngipin na mas lalong nagpagwapo sa kanya. Pero mas gwapo parin si Mr arrogant sa kanya, walang makakatalo doon, kahit pa su ra ang sungit at akseryosohan sa mukha! Bakit ba lagi ko siyang baikukumpara hah! Kausap ko aa sarili ko at nakalimutan kong may kamasa pala ako dito sa labas ng kwarto! Dahil napakunot noo pa siyang nakatingin saakin. " Miss, hindi naman sa nakikialam ako pero yang itsura mo, parang nakipag away ka sa boyfriend mo? " tanong niya na parang sigurado sa sinabi niya, ngunit nagkakamali siya una, wala akong kaaway pangalawa wala akong boyfriend, kaya naman sinamaan ko siya ng tingin! At sinagot ko siya! "Hindi ka rin tsismuso noh sir? Una po wala akong kaaway,maliban lang paka sa mukhang hipon kanina na tudo reklamo dito, at baka madagdagan ngayon palang! " sagot ko sa kanya pero ang luko-luko gusto pa ako pagtawanan pero pinipigil lang niya ata! Kaya naman nagsalita ulit ako! "Pangalawa sir, wala akong boyfriend_ " Nahihiya kong sagot sa pangalawa kong sinabi Ngunit ng hindi ko malaman na dahilan ng bigla nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko, wala naman akong sinabi, pa eling-eling nalang ako, "sayang gwapo na sana kaso temang naman! " bulong ko sa hangin kaso narinig ata ako kaya naman napahalakhak pa ang lalaki! Baliw na nga! Lalampasan ko na sana siya dahil paharang-harang lang naman sa dinadaranann ko at mukhang baliw na nakalabas ata sa mental, sayang gwapo naman! nang pinigil niya ang cart ko, kaya naman nagtaka ako sa ginawa niya! Hindi naman ako natakot dahil matamis naman ang kanyang ngiti saakin. At tinaas pa ang dalawang kamay na akala mo sumusuko. "Wait, Im not crazy like you think miss, I was just surprised by you, because you are amazing you know that? " Sabi niya na nakangiti saakin, ang tamis ng ngiti niya ni hindi manlang siya nandiri saakin dahil sa suot kong uniform dahik Janitress lang ako dito! "If you don't mind, my I know your name? " tanong pa niya na nakangiti, kaya naman napakurap-kurap ulit ako sa kanya, at eto na naman siya nakangiti na naman! Diosko aabutin ko na sana ang kamay niya kasi kanina pa siya gustong makipagkamay kaya naman pinunasan ko muna ang kamay ko sa may damit ko bago ko abutin ang pakikipagkamay niya saakin. Nakangiti pa ako eh, pero nung aabutin ko na saka naman may sumigaw na akalamo mo naman magigiba na ang buong floor sa lakas ng kanyang boses! "Miss Magdangal! " malakaa na sigaw niya tawag ang aking Apelyedo! Bosea palang alam ko kilala ko na! At etong puso ko hindi ko alam kung bakit bigla na naman silang nagrarambulan sa loob-loob ko! Napa angat pa ako ng mukha sa taong kaharap ko ngayon, ngunit nakakunot lang siya nang noo! Nginitian ko siya ng pilit dahil nahihiya ako sa kanya. Siya naman ang pagdating ni Mr Arrogant kaya nawalan ang ngiti ko. Lalo na ang magsakita ang CEO! "Naghintay ako sayoo sa wala! andito ka lang pala, to flirting someone! "Sigaw niya saakin! Napahiya ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang itama sa maling iniisip ng CEO ng sumagot ang nasa harap ko sa kanya. "She's not flirting dude, calm down! " sagot ng lalaki sa kanya na para bang magkakilala silang dalawa! Ngunit mas lalo lang nagalit si Mr arrogant! "You're not the one I'm talking too! " Si Arogante at napailing ang lalaki! pero ako dahil sa kahihiyan umalis ako na hindi nagpapaalam sa kanila kahit ilang beses pa niya ako tawagin wala akong pakialam, first time ko mapahiya nang ganun hayop siya porket ba amo ko siya, ipapahiya nya ako! May araw ka din hinayupak ka!!Sigaw ko sakanya na akala mo naman kaharap ko lang! kaya naman nagdisisyon akong mag halfday nalang, hindi na ako pumasok, kaya kay Tams nalang ako magtambay sana pero naisip ko baka pumunta duon, at ipahiya na naman ako kaya umuwi nalang ako. Naglalakad na ako kasi malapit lang naman ang boarding house dito, pero sa mall nalang ako dumeretso. Kaya naman pumasok na ako sa mall nang maisipan ko muna magload para matawagan ko ang mga magulang ko. "Ate pabili nang load, 100 po globe, " sabi ko sa tendera ng load. Pagkatapos kong bayaran, umalis na din ako, tumingin muna ako nang bakanteng ma u-upuan, at iyon nga meron pang isa, buti nalang! Kaya naman umupo na na ako, huminga muna ako nang malalim bago ko tinawagan ang mga magulang ko. Isang ring lang sa bahay at sinagot na agad at ang aking Ina ang nasa kabilang linya. "Hello Sharon anak, kamusta anak? " si Nanay ang sumagot na parang masigla ang boses, kaya naman pinasigla ko ang boses ko para hindi sila mag alala saakin, "Hello Inay! Eto Inay syempre maganda parin po! " sagot ko naman na medyo nilakasan ko pa napatingin tuloy ang mga tao saakin! Nag peace sign naman ako dahil sa medyo nahiya ako! "Oh, Anak mabuti naman kung ganun, nag alala kami sayo anak dahil, isang buwan ng hindi ka nakatawag Anak. Kaya naman pinaiwan ko ang cellphone ng kapatid mo dito baka kako mapatawag ka at hindi nga ako nagkamali anak. " Mahabang litanya ni Inay saakin. Oo nga nakakigtaan ko na rin ang hindi tumawag sa kanila! Kasi subra na akong busy sa trabaho ko dahilan nga kay Cj nalilibang na din ako sa batang yun. "Inay sorry po, masyadong madami kasi sa work Inay, " Sabi ko aa aking Ina, oo nga pala nakalimutan ko ang tumawag sa kanila, nakonsyensya tuloy ako, "naku Anak naiintindihan namin, hindi lang namin maiwasan ang mag-alala lalo ikay malayo anak, " boses ni Inay na nag aalala dahik sa malamyos niyang boses, kaya gusto ko tuloy maiyak ngunit pinigil ko. "Naku Nay, sabi ko naman diba wag kayo mag alala saakin, ako pa! Yakang yaka lahat Nay! " sagot ko naman na pinasigla ang boses ko Mukhang napaniwala ko naman ang Nanay ko. "Mabuti naman anak kung ganun, wag mong pabayaan ang sarilimo diyan hah, wag mo kami alalahanin dito, at kami'y ok na ok naman anak" dagdag pa ni nanay, kaya naman kahit papano nakaginhawa na ako sa sinabi saakin Ina. "Salamat Nay, kayo din diyan Nay, ingat kayu mis na mis ko na din kayo Nay, " sagot ko na muntik nang pumiyok, buti nalang napigil ko. At pinagsigla ko ulit ang aking boses! "Sige Nay baba ko na ang tawag hah, may gagawin pa po kasi ako ulit, Love you Nay" Pagsisinungaling ko pa dito baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko eh maiyak pa ako sa nanay ko mag alala pa sila saakin. "Siya sige anak, mahal na mahal ka din namin, mag-iingat ka lagi diyan Anak hah, " sagot ni Nanay bago ko pinatay ang tawag ko.Ramdam ko din na miss nasin nila ako. Sa dalawang taon ko ba naman dito sa Manila na hindi pa ako nakakauwi sa amin! Andito pa ako sa mall, namamasyal pero kanina ko pa ramdam na parang may nakatitig saakin, luminga linga pa ako, pero wala naman akong nakita, kaya naisip ko baka guni-guni ko lang siguro, natagalan din ako dito dahil mag-aalas singko na pala, kaya naman naiisipan kong kumain na kahit maaga pa mag take out nalang ako para sa kaibigan ko total naman, may tips ulit ako. Napangiti ako kahit paano, iwinaksi ko na rin ang nangyari kanina, ayaw ko na isipin yun! Sa may fastfood chain na ako dumeretso kaya naman pumasok na ako sa loob. Nakipila muna ako total naman maaga pa at kunti lang naman ang tao, palinga linga pa ako para kung may bakanteng upuan ay dito nalang ako kakain. Ngunit puno naman kahat kaya ipapa take-out ko nalang. Pagdating ko sa counter tinanong ako kung ano ang order ko! "Ano po order niyo ma'am? " tanong na cashier na nakangiti saakin. Kung sabagay lahat naman ng cashier ganyan sila lahat naka smiling face! "Amh, dalawang order nga na chicken with rice samahan mo na rin nang frensfries at icecream din mis, yung sundae salamat! " nakangiti ko pang sabi sa kanya. Habang nagtitipa siya sa computer niya nilabas ko na rin ang bayad ko at ibibigay ko na sana nang may, nagsalita_! "I'll pay! " Bigla na naman dumadagundong sa lakas ng kabog ng dibdib ko sa baritonong boses ng lalaki na nasa likud ko! Napatalon pa ako aa gulat aa pagdating niya. Dahilan para mabitawan ko ang walet ko at nahulog ko pa! Tapos yung mga kababaihan dito tumitili pa na akala mo isang sikat na artista ang nakita nila pero nung nahimasmasan ako, inismiran ko siya. Sabi pa nang cashier na kinikilig yata... "Ma'am ang pogi naman po nag bofren nyo" at ang luko, ngumisi pa na akala mo gustong gusto yung sinabi nang cashier! Kinuha din niya yung walet ko at binigay saakin. Kinuha ko nama sabay talikud asa kanya! Ngunit bale wala naman ang ginawa ko dahik mukhang natutuwa siya sa cashier! "Really miss, so bagay ba kami? " tanong pa niya sa cashier. Pinaikutan ko siya nang mata at sumagot pa ang cashier hah! Nakikisakay ata sa lalaking nasa tabi ko na ngayon! "Yes Sir, bagay na bagay kayo ni ma'am kaso sir, mukhang galit po si ma'am sa inyo! " sagot nang cashies, parang gusto ko matawa dun pero pinigilan ko lang. Dahil naka simangot parin ako! Hindi ko naman inaasahan na sumagot ang si Mr Arrogant! "Yeah, mis kaya nga susuyuin ko siya, So please, pakibigay na ang order niya at makauwi na kami, ang hirap pa naman suyuin ang GIRLFRIEND ko, " sabi pa niya na ikinalaki nang mata ko! Marunong palang mag please, at ano daw Gf ako? Nilakasan pa talaga ang salitang girlfriend kaya naman hindi na ano nakapagtimpi pa dahik mukhang nang gu goodtime ang hinayupak na to! "Hoy! " turo ko sa kanya pero ng nakita ko na marami palang tao kaya naman binaba ko na ang kamay ko, sisigawan ko sana kaso baka may makarinig saamin, kaya naman lumapit na ako sa kanya, medyo tumingala pa ako kasi matangkad siya! "Hoy, una sa lahat hindi mo ako girlfriend hayop ka! Sigaw ko na mahina lang sapat na para marinig niya na nag ngingit-ngit ako sa galit! Pero nagsisi ko sa pwesto namin kasi kunti nalang kapag lilingon siya saakin mahahalikan na niya ako, nakita ko na naman na nagtaas baba ang adams apple niya! "Ikaw kasi Sharon hindi ka nag-iisip talaga babaita ka! " sigaw ko sa sarili ko habang napapikit pa ako sa sarili kong kagagahan! Ilalayo ko na sana ang aking katawan ng bigla niya ako hinawakan saaking baywang at mas lalo pa niyang dinikit ang katawan niya saakin. Napalunok pa ako ng ilang beses aa ginawa niya! Nakita ko rin na napataas siya ng labi, parang ngumiti pa siya ngunig panandalian naman dahil seryoso na siya ulit! Pero buti nalang nagsalita na ang cashier.... "Sir eto na po order ni ma'am! " sabi niya na nakatingin saamin na parang kinikilig. Kinuha ko na ang order ko at umalis na ako bahala sya doon!winaksi ko din ang kamay niya kanina na nakahawak sa baywang ko mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko! Narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko, ngunit hindi ko pinapansin! Basta tuloy lang ako sa paglakad! "Miss Magdangal wait! " walang humpay niyang tawag sa akin.Ngunit tuloy-tuloy lang ako sapaglalakad at binilisan ko pa bahala siya sa buhay niya! Dahil hindi ko talaga siya papansinin ngunit nabigla ako sa ginawa niya saakin na hindi ko napaghandaan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD