SHARON POV
Isang buwan na rin ang nakakalipas. Pagkatapos ng araw na yun! Kaya naman nasabi ko sa aking sarili na back to normal na ang buhay ko!
Ngunit hindi naman ako nakaligtas saakin mga kasamahan, lalo na sa restaurant kung saan ako may Part-time job! Dahil puro tukso lang naman ang aking napala!
Katulad nalang ni Jessa ang isa sa mga regular na waitress sa restaurant na ‘yon!
“Uy, Sha! Sabi ko na ba eh, ikaw lang talaga ang makaka pagpa-amo sa anak nang tigre! “
Sabi ni Jessa saakin noon, na may kasama pang sundot sa tagiliran ko! Marami pa silang sinabi ngunit hindi ko sila pinansin o sinagot! Basta napa iling ako sa kanila! Bahala sila kung ano ang isipin nila saakin!
Pati si Miss Tams hindi ako nakaligtas sa kanya noon! Dahil sa gabi na tumakas ako, ay wala naman nangyari na masama saakin, partikular sa aking trabaho dahil nakapasok naman ako sa hotel ng walang problema!
Yun nga lang minsan, hindi ko alam na ang sama ng tingin saakin mga kasamahan sa trabaho! Pero katulad ng dati hindi ko parin sila pinapansin. Hanggat hindi naman nila ako masaktan ng pisikalan walang problema saakin!
Noon nakaraan linggo ng pumasok ako sa Coffee shop ni miss Tams, hindi rin ako nakaligtas sa kanya, dahil akala ko nakalimutan na niya ang bagay na yun ngunit hindi naman pala! Ang sabi pa niya saakin…
“Akalain mo yun beauty, ikaw lang pala ang katapat ni Franco, I know it! “ sabi pa niyang patango-tango na hawak pa niya ang baba sabay ngiti pa saakin pataas, pababa. Naguguluhan man ako sa sinabi ni miss Tams ngunit binalewala ko!
“Isa pa hah! Alam mo ba na walang nakaka-usap na matino ang anak niya? Dahil ang batang yun, kung hindi nang gugulo E’ may nasisira pa yun, “ dagdag pa niya na parang gulat pa! Hindi naman ako naniniwala sa sinasabi niya dahil hindi ko pa naman nakita si Cj na may ginawang hindi maganda, yun lang parang matanda lang kung maki-usap sa mas matanda sa kanya! Katulad nalang saakin akala mo minsan ka batch ko lang siya!
“Maliban lang sa boyfriend ko syempre! Siya nalang ang Yaya ng bata! Kaya galit na galit ako sa Franco na yun Beauty alam mo ba yun? “ sabi na naman ni Miss Tams, na parang nanggagalaiti ng galit sa ama ng bata. Ngunit kumikislap naman ang kanyang mga mata sa pag banggit niya ng pangalan sa sinabi niyang boyfriend niya, halatang inlove siya sa kanyang boyfriend!
Nginitian ko naman siya at nakikinig ako sa sinasabi niya! Baka kasi ma offend kapag hindi ko siya pinakinggan. Nakakahiya naman E’ amo ko siya!
Magtanong pa sana ako tungkol sa Nanay ng bata kaya lang nahiya naman na ako, alam ko naman na kung ituring ako ni miss Tams E’ hindi na ako iba. Ayun na rin sa obserbasyon ko sa kanya! Hindi siya katulad nang ibang mayaman na mataas ang tingin sa sarili niya!
Iba si miss Tams, isa siya ang nagpa patunay na hindi lahat nang mayaman mataas ang lipad.
Isang buwan na din ang natapos na akala mo isa akong celebrity noon!
Ang sabi nila malala daw talaga ang bata, pero awa nang Dios hindi naman, yun lang talaga akala mong matanda kung umasta at magsalita
And speaking of that look! Nasa harap ko lang naman siya ngayon. And as usual ang itsura ay naka halukipkip na naman at nakasimangot.
Break time ko na naman kasi, at andito siya,! At kanina pa mukhang naiirita sa mga kasamahan ko. Paano ba naman ang dami nilang tanong sa kanya, pero nung nagsalita siya natameme lahat! Ikaw ba naman ang makipag-usap sa english speaking na hindi nauubusan ng sagot at tanong!
At ang nagpatigil lang naman sa kanilang lahat ay ang sinabi niyang.
“All of you stop talking! And asking! “ sigaw niya sa kanila! At ang mga kasamahan ko biglang natahimik! Oh diba? May bata bang ganyan kung umasta?
Kaya naman nagsitigil na din sila at eto nga saakin naka halukipkip sa aking harapan!
“Oh, Bakit ka po ulit andito Master!? “ Tanong ko sa kanya, nakatitig lang naman saakin at nakapalumbaba, kaya naman naiisip ko baka hindi niya ako naintindihan dahil tagalog na buo ang sinabi ko!
“ what do want you again? “ tanong ko sa kanya na gamit ang english! Diosko naman maubusan talaga ako ng baon na english tong batang to!
Ewan ko din ba sa Tatay niya, bakit pinayagan na pumupunta lagi dito, hindi ba siya nag alala na baka madumi dito at baka kidnapin ko ang anak niya!
Pambihira talaga ang Ceo na aroganti na yun!
Ngunit nabigla ako ng may tumapik saakin, nagising ako sa realidad na malayo na naman pala ang nasa isip ko!
“Naku Sha, malala na yan friend! Kaya mo yan! Fight! “ tapik saakin ni Jenny sakin balikat at tinaas pa ang kamao sa taas!
Para bang sinasabi na kaya ko to! Saksi kasi siya sa bata dahil minsan nakita din niya kung paano nang gulo si Cj sa loob ng hotel isang linggo na rin ang nakakalipas!
Hindi rin kasi ako pumasok sa araw na yun dahil sa aking d’off. At sabi ni Jenny meron daw nang gulo sa isang restaurant na bata at walang makaka awat kundi ang ama niya! Ngunit nagkataon naman na wala ang Ama ng bata kaya naman patuloy ang panggugulo neto!
Ayaw naman nilang awatin dahil baka masaktan nila ang bata ay kulang pa ang buhay ng mga empleyado katumbas ng buhay nila sa bata kaya takot-takot na sila! Nakilala lang naman nila ang bata na si Cj, kaya agad akong tinawagan! At yun lang naman pala dahil ako lang ang hinahanap nito!
Binasag ni Cj ang mga salamin ng Hotel sa isang restaurant gamit ang laruan niyang baseball bat! Kung bakit kasi ang bata-bata pa yun p ang binigay ng kanyang Ama! Nagising na naman ako sa realidad ng nagsalita ulit si Jenny!
“Sige Young Master aalis na kami! Ikaw na ang bahala sa kaibigan ko hah, mukhang nawawala na sa sarili, “ bungisngis ni Jenny na my binulong kay Cj, mukhang ok din naman si Cj sa bata dahil nakaka-usap naman niya ito. Nakita ko rin si Cj na mukhang gustong matuwa dahil nagpipigil lang yata ito! Kaya tinanguan lang niya si Jenny!
Sabay-sabay pa silang nagpaalam sa bata at ang tawag na nila kay Cj ay YOUNG MASTER!
Hindi naman sa takot sila sa bata ang totoo natatawa din ang aking mga ka trabaho sa kasama kong bata ngayon! Pero napansin ko parang may gusto siyang sabihin saakin na hindi masabi-sabi kaya tinanong ko na!
“May sasabihin kaba saakin, kaya ka andito Cj? “ tanong ko sa kanya at tumabi na ako kung saan siya naka-upo dahil naawa din naman ako sa cute na to, kasi naman nakatingala pa saakin.
“My Dad wan’t to talk to you! “ Sabi niya saakin, as if naman pagbibigyan ko! Kahit pa siya yung CEO noh! E’ ano naman ngayon! Bahala siya sa buhay niya! Yan ang nasa utak ko ngayon.
“I don’t want to talk to your Dad, He’s verry arrogant! “ Himutok ko sa bata na akala mo naman naiintindihan niya ang sinabi ko!
Tinitigan lang naman ako, pero yung mga titig niya akala mo na naman hindi bata! Kaya naalala ko na naman ang Ama niya! Ngunit nagsalita ulit si Cj!
“But my Dad he is your boss too! “ See! Bata no pero mukhang sinabihan na! Tinuruan ba ang Ama nito! Ngayon alam ko na talaga kung saan nagmana si Cj! Walang iba kundi sa ama niyang aroganti na yun!
“Oo na! Alam ko na Boss ko yang Tatay mo Cj, pero alam mo ba kung ano ginawa nang magaling mong Ama saakin? “ sagot ko sa kanya na galit ang expression ko sa mukha. Dahil dito ko talaga na ilalabas ang sama ng loob ko sa ama niya! Alam kong mali kasi bata ito eh, anong magagawa ko!
“Yeah, He told me that you make buhos him a coffee, It’s you fault anyway, “ sagot niya na ikinagulat ko! Ano daw kasalanan ko? At bakit anong kinalaman sa kape sa kasalanan ng ama niya! OMG
“Do you know that’s bad? “ dagdag pa niya kaya naman napa wow nalang ako! May nalalaman pa siyang bad ngayon E’ siya nga itong_ Hay ewan mag-Ama nga silang dalawa!
Saka naman susubukan kong magpaliwanag sa batang kaharap ko! Huminga muna ako ng malalim.
“ Cj, Is not about that happened naman E’ pwede ba mag tagalog nalang ako? Mauubusan na talaga ako sayo ng kaka english ko! “ himutok ko dito at tumango naman na akala mo naiintindihan ako!
“Ok! “ maikli pa niyang sagot saakin. Kaya pinagpatuloy ko nalang ang aking paliwanag kahit alam kong mahirap niya akong maunawaan! Ang importante mailabas ko ang sama ng loob ko sa Ama niya! Ngunit napaisip ako!
Bakit kasi kailangan kong magpaliwanag sa batang to eh, kausap ko sarili ko. Ngunit nag simula na akong mag kwento. Mukha naman excited ang bata dahil nakatingin pa saakin na akala mo naman maganda ang sasabihin ko. Napalunok pa ako sa titig niya akala mo ama ang kaharap ko ngayon!
“Alam mo ba ang ginawa saakin nang Daddy mo nung isang araw hah, ginawa lang naman niya akong tanga! You know what is tanga? “
Pagsisimula ko sa kwento ko sinagot naman ako ng bata!
“Yeah! It was like_! “ sagot niya pero pinatigil ko na kasi ayaw ko na bigkasin niya. Bad kasi yun!
“Opss! Stop! “ sabi ko na tinaas ko pa ang kamay ko, kaya naman napahahikgik pa siya sa ginawa ko. Hindi ko nga alam kung sabihin ko ba talaga sa bata ang ginawa saakin ng magaling niyang ama!
Ganito kasi ‘yon! May nangyari nung isang araw at may nagreklamo na customer. At hindi daw malinis ang kwarto, eh ako ang nakaduty doon kaya naman ang lintik na boss na yun, pina linis ako hangang gabi! Ang sabi ba naman sakin..
“ Mis Magdangal right? Ayaw ko na may nagrereklamo na mga customer sa hotel ko, you need to do your work properly, or else! “
Pambibitin pa niya sa sinabi kaya naman sinagot ko din siya! Hindi talaga ako nagpa talo!
“ Or else what? “Pasigaw ko din sa kanya at lumapit pa ako sa kanya dahil hindi naman ako natatakot kundi nabwi-bwisit ako sa pagmumukha niya! Nakita ko pang napalunok siya dahil sa pagtaas ng adams apple niya!
Asan ba kasi ang nagrereklamo at masampolan ko Sir! Tanungin ko lang sana sa kanya kung nasaan ang madumi dito, oh baka naman bulag yun! Irita kong sagot sa kanya pero ang aroganti nilayasan lang ako at para bang nagmamadali pa siyang umalis! At bago umalis sinabi pa niyang…
“Wag na wag kang aalis dito hanggat hindi mo nalilinis ng mabuti babalikan kita dito miss Magdangal! Kapag may nakita akong kahit kunting alikabok at dumi! Your fired! “
Tapos umalis na akala mo kung sino! Dahil naman sa takot akong mawalan ng trabaho nilinis ko nalang ang kasuluksulukan ng silid na yun! Inabot ba ako ng hating gabi noon!
Pero hindi. Naman bumalik ang hinayupak! Naghintay pa ako para sana I check niya kung ok na ngunit ni anino wala! Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na rin ako sa kwartong ‘yon!
“ Sus nanghihinayang ka kasi hindi siya bumalik? Kaya ba Galit ka?” Sigaw ng utak ko, hindi! Erase-erase! Saway ko sa sarili ko!
Bumalik lang ako sa realidad na may humaplos saaking mukha na maliliit na palad,
Pagtingin ko si Cj pala, oo nga pala akala ko nakwento ko sa kanya! Hay!
“Nawala na naman ako Sa katinuan ko,” nasabi ko nalang sa hangin!
“I’m hungry! “ Ito na naman! Nasaakin ba ang kaldero at bakit kapag gutom ang batang to saakin talaga sinasabi! Gusto ko na talagang magreklamo minsan E! Ngunit nang tinignan ko ang mukha ni Cj, eto na naman! Parang nagmamakaawa na naman ang mukha!
Ewan ko ba kung nagpapa cute ba ito, or nagpa paawa!
“Ok po, sasamahan na kita, dahil ako gutom narin po, “ sabi ko naman sa kanya at ito nga napa yehey pa siya akalain mo yun! Napailing nalang ako sa action ni Cj! Ngunit masaya naman ako dahil nakikita ko naman na masaya ang mukha ng bata.
Kaya minsan hindi ko rin masisi ang mga Tao sa pagtataka, pwera nalang si Mrs. Santos sabi pa n’ya minsan saakin.
“You know what hija, hindi na ako magtataka kung bakit gustong-gusto ka nang anak ng CEO
Kahit naman siguro sino, may mabuti ka kasing Puso. “
kaya naman na touch ako noon sa sinabi ni Mrs. Santos. Muntik pa nga akong mapa yakap noon sa kanya sa galak! Buti nalang napigilan ko, napa hagikgik pa ako sa na-alala ko kaya naman tiningala ako ng batang kasama ko, naka holding hands kasi kami na akala mo magkaibigan lang, pero sabi nga niya, gf niya daw ako! Yun kasi ang sagot niya kapag may magtatanong! Ay ewan ko ba sa batang to!
Dumating na kami sa restaurant ng may sumalubong saamin, no other than, miss Tams mukhang naghihintay yata siya!
“Hi I’m glad you here! Ang tagal hah Cj, “ pagbati saamin na agad pa akong niyakap, at kinuha na ang kamay ni Cj mula saakin. Ngunit ayaw naman bitawan ni Cj ang aking kamay. Kaya naman napangiti pa si miss Tams!
Pero ano daw! Yung sabi niya kanina! Sinabi niya ba talaga sa bata na natagalan kami? Or si Cj? Ngunit nagulat na naman ako sa sinabi ni miss Tams saakin!
“Kanina pa sila naghihintay ang tagal niyo! “
Sabi niya ulit at saakin na siya nakatingin! At yun na wala na akong nagawa kasi dalawa na silang humila saakin papunta kung saan meron naka-upong dalawang lalaki sa table?
Pagdating namin sa table ang dalawang lalaki lang naman na pangisi-ngisi pa ang mga mukha na akala mo may nakakatawa silang pinag-uusapan!
At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil ‘tong puso ko para na naman nagrarambulan sa lakas ng t***k!
Gusto ko man mag back out ngunit wala na akong nagawa dahil pina-upo na ako ni miss Tams sa tabi ng CEO! Ngumisi pa si miss Tam bago siya tumabi sa boyfriend niya!
“Hi Daddy, Hi Tito monkey! “ Bati naman ni Cj sa kanyang Ama! Gusto ko matawa sa tawag ni Cj kay sir Michael dahil sa tawag niya dito, kaso andito si miss Tams mahirap na ang masabon!
“Hello Buddy you’re late huh! “ si CEO na mukhang gusto matawa rin sa sinabi ata ng anak niya! Samantalang si miss Tams masama na ang tingin!
“Buddy. Tita’s Tam’s here! “ Pagbabanta naman ni sir Michael kay Cj at ang bata parang naka intindi naman ang ibig sabihin nang kanyang tito. Mukhang sanay na sila sa isa’t isa!
“Ops! Sorry tita pretty! “ Paumanhin ni Cj kay miss Tams. Ngumiti na si Mis Tams na kanina lang nakasimangot! Pero masama ang tingin niya kay CEO, kaya parang gusto ko matawa, pero nagpipigil lang ako! Yung kaninang kaba ko humina na! Dahil siguro sa natatawa ako aa mga reaction nila!
“Ehem! Ok! Mag order na kayo! “ Basag nang katahimikan ni Mr Arrogant!
Oo simula ngayon Arrogant na ang itatawag ko sa kanya, mukhang bagay naman sa kanya dahil sa suplado at mayabang! Ang totoo niyan hindi naman mayabang basta gusto ko lang siyang tawagin na mayabang!
“What do you want buddy? “ tanong sa anak niya, sabay sulyap saakin. Ngunit binaling naman niya agad ang tingin kay Cj! Samantalang ang kasama namin sa mesa ayun ang sweet nilang dalawa!
“I want chicken with cheese Daddy! “masiglang sagot ni Cj! Na tinaas pa ang dalawang kamay!
“How about you babe, what do you want? “ Si sir Michael naman ang nagtanong kay miss
Tams, at pina lambing pa ang boses at bigla nalang naubo ang katabi namin na si Arrogant!
Pero sinamaan lang siya tingin ni miss Tams.
Nakamasid lang naman ako sa kanilang apat! Dahil tahimik lang ako! Kahit pansin ko saamin ang attention ng lahat sa loob ng restaurant! Pero itong tatlo partikular sa CEO balewala naman yata sa kanya!
“Hmm…. Pizza nalang babe, I was on diet kasi E” Paarte naman na sagot ni miss Tams sa kanyang Boyfriend!
Habang si Mr Arrogant napa TSK na naman! Tapos ako nalang ang wala pang order, kaya naman magsasalita na sana ako nang may nagsalita!
“How about you Sha? “ si mis Tams
“And you Mis Magdangal? “ Si Arrogant
Sabay pa silang nagtanong saakin, kaya naman napaangat pa ako sa mukha kasi nakatingin ako kanina sa menu.
“Babe hayaan mo na sila, sumasali ka pa, ako nalang asikasuhin mo babe, “ Si sir Michael na halatang pinipigilan ang matawa, dahil nakatingin siya kay Mr Arrogant! Sinamaan lang naman ng tingin si Mr Arrogant si Sir Michael.
“Opps! Sorry! “ sabi ni miss Tams sabay peace sign pa!
Si Cj naman palipat-lipat lang ang mata saaming apat, ang kawawang bata gutom na ata! Dahil ang haba na ng nguso!
“Um, eto nalang pizza rin saakin! Thank you! “ Sabi ko sa kanila para matapos na pero nagkamali ako kasi nagtanong na naman sila!
“You are on diet too!? “ si Mr arrogant
“Diet ka rin? “ si sir Michael
At yun nga sabay rin sila! Ewan ko kung matawa ba ako sa kanila dahil mukha naman silang seryoso sa tanong! Samantalang si miss Tams nagpipigil din ng tawa sabay siko sa kanyang Boyfriend!
“Ano bang nangyayari sa earth? “ kausap ko sarili ko!
“babe akala ko ba hayaan mo sila? “ si Mis Tam na may pang uuyam pa sa mata niya! Sabay ngisi kay Mr Arrogant! Napalunok din naman ang isa!
“Ow, sorry, “ Si Sir Michael
“Daddy I feel hungry!!! “ Si Cj na naghihimutok na sa galit kasi naman ang mga matatandang ‘to
kung bakit kasi ako ang pinagdidiskitahan ayan tuloy! Nagalit na ang dragon! Mukha naman natauhan ang kanyang ama!
“I’m sorry Son! They coming just wait a while ok, “ sagot ni Arrogant kay Cj at may binulong pa siya sa bata na kinatigil naman ito! At mukhang natuwa pa ang bata sa sinabi ata ng Tatay sabay tingin pa nila saakin! Kinabahan naman ako sa dalawang mag ama na to! Pero hindi ako nagpa halata!
At tinawag na niya ang waiter at agad nag order si Mr Arrogant. Hindi naman kami naghintay ng matagal dahil agad naman dumating ang mga pagkain!
Palapag nang order namin nabigla nalang kami ni miss Tams sa dami ba naman!
Palipat l-lipat pa kami nang tingin sa isa’t isa pero walang nagsalita saaming dalawa,
“Ehem! Girls kumain na lang tayo para maubos natin lahat to, don’t worry babe tulungan kita maubos niyang sayo, buti nalang hindi ako kumain kanina! “ pabirong saad ni Sir Michael kay miss Tams ngumiti naman ang girlfriend nito.
Pagsulyap ko kay Cj ayun busy na sa pagkain niya. Ngunit nakita ko na may natira sa bibig ni Cj na chezze kaya naman kumuha ako nang tissue para punasan sana kaso, pagdantay ng aking kama sa mukha ni Cj siya naman ang pagdikit nang mga kamay kay Mr Arrogant!
Naramdaman ko pa ang parang kuryente na dumantay saakin balat dahil sa pagdikit ng aming mga kamay. Kaya sa gulat ko tinanggal ko na agad ang kamay ko kasi para akong napaso! Nagtaka naman ako sa sarili ko dahil napatingin pa ako sa kamay ko, ng may biglang tumikhim!
“Ehem! “ Si Sir Michael na nakangisi kay Mr Arrogant!
Umiling-iling lang si Mr Arrogant kay Sir Michael. At pinagpatuloy ko na ang pagkain. Bahala nalang sila sa buhay nila!
Natapos na kaming kumain nang nagpaalam na si Mr Arrogant sa kanila. Samantalang si Cj eto na naman hindi na naman mabitawan ang aking mga kamay.
“Michael ikaw na bahala dito, I’ll go a head, “ Paalam niya, pero nakatingin saakin na parang saakin siya nagpapa alam! Ngunit hindi ko naman siya pinansin dahil iba kung naka titig!
“Sus ateng! Gustong gusto mo naman diba? Aminin!” Sigaw ng akong utak kaya napa galaw pa ako sa ulo at saakin na naman ang attention nila! Nag peace sign lang ako!
“Buddy, bye! See you later! Be good boy ok! “ Paalam din niya sa anak at tumango naman si Cj! Tapos tinignan niya lang si miss Tam, ewan ko din ba sa babaeng to kung bakit din galit kay Mr Arrogant.
Akala ko aalis na siya, dahil tumayo na at pahakbang na siya, ngunit napatigil at nagsalita parang nay gustong sabihin!
“And you Mis Magdangal, in my office tomorrow morning, I don’t take a NO answer! “
Finale niyang sabi na akala mo hindi ka pwedeng tumanggi, kung sabagay siya naman talagang Ceo. Sasagot pa sana ako ngunit dumeretso na siya sa paghakbang! Napa hinga nalang ako ng malalim!