SHARON POV
Nakatalikud ako, pero ang kabog ng dibdib ko hindi ko maintindihan! Parang nagrarambulan na ewan!
“Daddy!! “ tili ni Cj na tumakbo papunta sa
Lalaki na tinawag n’yang Daddy, kahit naman nakatalikud ako alam ko naman na lalaki!
“allangan naman na babae yung tinawag n’yang daddy? Sira ka talaga Sharon,! “ kausap ko pa sa sarili ko,. Napahawak pa ako sa tapat ng aking puso, kasi naman yung kaba kung kumabog akala mo sasabog na!
“Oh, buddy be careful, “ Matigas na boses ang lalaki mula sa tinawag ni Cj ng Daddy, kaya kahit hindi ko maintindihan dahil sa malakas ang kabog ng dibdib ko, humarap na ako sa kanila at sabay pa kaming nagulat na dalawa!
“Ikaw! “ turo ko sa kanya! Ngunit yung kabog ng puso ko, hindi parin mawala-wala. Pero kahit ganun, hindi ako nagpahalata sa kanya.
“You! “ Halos sabay kaming nagsalita dahil pati siya mukhang nagulat din yata dahil ako ang kasama ni Cj. Samantalang ang kasama niyang lalaki palipat-lipat ang tingin saaming dalawa. At itong lalaki naman na aroganti nakita ko ang panga niya na gumalaw. Mukhang nagtitimpi sa galit ay ewan!
“Sandali nga, magka kilala kayo? “ singit naman ni, ewan sino ba ulit eto nakalimutan ko na pangalan basta siya yung Tito ni Cj! Samantalang si Cj naman palipat-lipat din ng tingin saamin ang tinawag niyang Daddy! Dahil galit ako sa lalaking nasa harapan ko hindi ko pinansin ang Tito ni Cj at nasagot ko pa siya! Ngunit sabay na naman kaming nagsalita ng lalaking aroganti!
“Wag kang maki alam dito Sir! “ napalakas na boses ko sa Tito ni Cj, mukhang hindi naman na offend ang lalaki dahil nakangisi pa saamin dalawa ng kaharap ko, akala mo nanonood lang ng sine!
“Shut up! “ sagot naman ng Daddy ni Cj sa kanya. Pero ang Tito ni Cj nakangisi parin! Ngayon alam ko na kung saan sila nagmana! Dito sa lalaking kaharap ko ngayon!
Dahil wala ng masabi ang Daddy ni Cj, binuhat na niya eto. Samantalang si Cj naman palipat-lipat ang tingin niya saamin ng kanyang Daddy!
Sabay sulyap saakin ang hinayupak, at ang mata niya kanina na galit na galit saakin ay napalitan ng ngisi, sabay sabing…
“So, you are my employee here miss?! “ Nakangising tanong niya saakin, ewan ko ba sa ngisi niya pakiramdam ko may kakaiba. Ngunit hindi ako nagpahalata na takot sa kanya. E’ ano naman ngayon kung siya nga ang may-ari ng Hotel na pinagtra-trabauhan ko!
“Yes Sir! Employee po ako dito, may problema Sir? “ nakaka insulto ko naman na sagot sa kanya, dahil ang ngiti ko alam naman niya na pilit, pero ang aroganti lalaki eto na naman ngumisi na naman! Napalunok pa ano sa itsura niya! Pero nagsalita ulit ang Tito ni Cj!
“Sandali nga, magka kilala kayo? “ may pagtatakang tanong ng lalaki saamin! Mukhang nakakalimutan ko na rin ang sitwasyon ko sa hotel na to. I mean parang hindi ako janitress sa asta ko sa kanya. Nahiya man ako ngunit tinuloy ko nalang. E’ ano naman ngayon kung tatanggalin nila ako sa trabaho! Goodluck nalang saakin! Pero kung eto naman ang magiging amo ko wag nalang!
“hindi! “ sagot ko sa Tito ni Cj, ngunit sabay na naman kaming sumagot ng Ceo kaya simaan ko siya ng tingin! Dahil magkaiba kami ng sagot!
“Yes! “ sagot ng Daddy ni Cj. At itong Tito niya naman napahagalpak pa ng tawa na akala mo naman may nakakatuwa!
Samantalang ang bata, mukhang naguguluhan sa kanyang nakikita!
“Hindi daw magka kilala pero kung makapag sagot sabay pa! “ sagot ng lalaki na pa-iling iling,. Ngunit nakangisi sa kaharap niyang lalaki sabay papito-pito pa!
Nasa kay Cj ang attention ko dahil hindi ko alam kung matatawa ako sa bata, dahil yung mga daliri niya nakalagay lang naman sa baba niya na akala mo nag-iisip. Nakatingin kasi sa kanyang Ama. Kaya napatingin din ako sa lalaking kaharap at ganun nalang ang kabog nang dibdib ko.
Paano ba naman kasi, kung makatitig saakin ang impaktong eto para akong lalamunin! Pataas pababa ang tingin niya saakin sabay lunok pa! Gumagalaw naman ang adams apple niya! Tinignan ko pa ang aking itsura! Ok naman naka simpleng blouse lang naman ako na puti! Pero ngayon ko lang narealize! Manipis pala ang damit ko at pansin ang aking bra dahil pinag pala ako ng kabundokan! Kaya naman simaan ko siya lalo ng tingin! Dahil may pagka manyak siya bwisit!
“Ehem, Bro! Parang hinuhubaran mo na si miss Magdangal sa titig mo niyan, hinay-hinay naman Bro,! “ Pang bubusko ng Tito ni Cj sa Ama nito. Hindi ko alam kung ma offend ba ako sa sinabi niya or mabastusan ako! Dahil ang ama ni Cj saakin parin siya nakatingin!
Ngunit bigla yatang natauhan ang impakto ngunit hindi parin nawawala ang ngisi niya saakin! Kaya naman yung kaba ko, hindi parin tumigil-tigil. Hangang sa nagsalita na siya ulit at saakin parin nakatingin!
“Ahm, Anyways! “ sinabi lang nang impakto, wala naman siyang sinabi na iba! Anyway’s lang daw! Ano kaya yun! Ngunit nagsalita na naman ang Tito ni Cj!
“So, Miss Magdangal ipakilala ko sayo ang CEO ang Hotel na eto. Meet our CEO Franco
Smith the Father of Cj, “ Pagpapakilala niya saakin, hindi naman na ako nagtaka pa, dahil alam ko naman na siya ang CEO. Ngayon ko lang naalala ang sinabi ni miss Tam saakin.
Tinignan ko pa ang CEO pero nakangisi lang siya saakin. Kaya bigla akong kinabahan!
“Basta kapag nakita mo siya lumayo ka kung kinakailangan beauty, “ tanda kong sabi ni miss Tam . Kaya naman pala sinabi niya saakin noon ang ganun dahil siya CEO pala!
Mukha naman umurong ang dila ko, at mukha yatang magka totoo kanina yung sinabi ko na kailangan ko nang maghanap ng bagong trabaho! Napakamot pa ako sa batok ko! At humarap sa kanya sabay sabing…
“Ahh, nice to meet you Sir, sige ho alis na ako Sir, “ Pagkasabi ko yun, ay dali-dali na akong paatras at ihahakbang ko na sana ang aking mga paa ng nagsalita ang CEO! Kaya naman napatigil ako sa paghakbang!
“NOT that fast sweetie! Hindi pa ako tapos sayo, “ sagot pa niyang nakangisi saakin. Samantalang ang kasama namin tahimik lang sila na naka tingin saaming dalawa.
“Lord! Please naman, maawa ka saakin, iligtas mo ako sa oras na to please… “ peping dasal ko pa sabay pikit saaking mga mata.
Samantalang si Cj wala naman imik. At ang kanyang Tito ganun din naman, kung hindi matatawa, umiling-iling lang ang tito ni Cj!
Ngunit napatigil ako sa pagmuni-muni ng may narinig akong sumigaw, at parang nabuhayan pa ako ng loob dahil kilala ko ang babae! Napa dasal pa ako ulit sa Poong maykapal dahil sinagot niya agad ang aking kahilingan!
“Babe I’m here! “ sigaw ni miss Tam na kumakaway pa sa amin, nagtaka naman ako kung sino ang babe na tinawag niya sa dalawang lalaki na ngayon ay kaharap ko!
Pagdating niya nabigla ako ng yakapin niya yung nakahawak kay Cj! At hinalikan pa sa labi!
Tapos nginisihan lang ako ni Mis Tamara!
Samantalang ang ama ni Cj naman, mukhang biglang nabagot! At nagsalita ang taong hinalikan ni miss Tam!
“babe you know her? Tanong ng lalaki sa kanya na hindi mawala-wala sa kanyang mukha ang pagtataka!
“Yeah babe, she’s the one I always tell you, remember? “ sagot naman ni Mis Tamara sa lalaki na tinawag niyang babe. Nagtaka naman ako, So pinag-uusapan pala nila ako ganun?
“Really babe? Siya si beauty?! “ takang balik tanong naman ng lalaki kay miss Tam. Tumango lang naman si Mis Tamara at ngumiti nang may makahulugan sabay sulyap saakin at sa taong kinaiinisan niya!
“Hi tita Tams, “ bati naman ni Cj kay Tams at humalik pa ang bata sa kanya. Hinalikan naman ni miss Tams si Cj.
Mabait naman pala talaga ang batang to akala ko suplado lang!
“Hello Cj baby ko, I miss you! “ malambing na sagot ni miss Tamara na kay Cj! Samantala
Inismiran lang niya ang Daddy nito na hindi naman niya pinakita sa bata!
At si Mr Arrogant bale wala naman ang pinapakita ng dalaga sa kanya.
Aalis na sana ako dahil alam ko naman na hindi na nila ako napapansin. Dahil gusto ko na talaga makatakas sa kanila! Bigla nalang akong nagsalita at nagpaalam!
“Ahm, alis na po ako Sir, sige po ba bye! “
Paalam sa kanila at tumakbo na ako total andoon naman si Miss Tam bahala na siya doon! Dahil siya lang naman ang may sabi na iiwas ako sa CEO na yun! At tuloy parin ako sa pag takbo hangang sa tumigil ako dahil medyo malayo naman na ako sa kanila!
Habol-habol ko pa ang aking hininga paglabas ko sa lobby, tinignan ko pa ang paligid baka hinabol nila ako! Kaya naman napahinga ako ng maluwag na walang sumunod saakin.
“As if naman susundan ka girl,! “ sigaw nang utak ko, pero yung kaba ng dibdib ko hindi parin mawala-wala! Iniisip ko ngayon kung may trabaho paba ako bukas!
“Lord, pwedeng pahinge ulit ng pabor? Wag mo naman po sana ako matanggal sa trabaho ko, promise po! Magsi-sipag pa ako ng mabuti, “ dasal ko pa sa taas na nakapikit at pinagsiklop ko ang aking mga kamay!
Ngunit, nagulat pa ako na may humawak saakin bigla!
“Ay baklang kabayo! “ napasigaw ako sa gulat dahil pagkabigla ko, napahawak pa ako saaking dibdib.
“Grabe ka naman friend, ako lang to oh, ako lang! “ sagot ng aking kaibigan saakin. Dahil si Jenny lang pala ang humawak saakin. Ngunit ng tignan niya ako ay may pagtataka na naman sa kanyang mukha!
“Grabe ka hah, sino ba humahabol sayo? At bakit parang takot na takot kapa? “ may pag-alala na tanong niya saakin, sabay Palinga-linga sa paligid na akala mo may hinahanap din katulad ng ginawa ko kanina. Siguro nakita niya ang aking itsura.
Huminga muna ako nang malalim bago ko siya sinagot, huminga muna ako ng malalim!
“Wala! walang humahabol saakin, ano kasi, um, “ sagot ko naman sa kanya, na hindi ko madugtungan dahil wala naman akong ibang maisip na dahilan ko sa kanya,
“Anong wala, eh yang mukha mo oh, daig mo pa ang nilapa nang Lion friend sa totoo lang! Bakit may humahabol ba sayo? Halika resbakan natin, “ sagot niya na turo pa saakin itsura ko, at akala niya ata may kaaway ako! Hindi niya lang alam na nanganganib na ang aking trabaho!
Ngunit napatigil ako sa naisip na kung ano ba ang itsura ko. Buti nalang halos lahat salamin dito sa hotel kaya naman nakita ko ang reflection ko sa salamin at laking gulat ko nalang na nagulo na pala ang buhok ko at namumula rin ang mukha ko!
Tapos balik tingin ako sa kaibigan ko na parang sinasabi niya na tama ang hinala saakin.
“Oh, kita mo tama ako no? naku friend dami kana talaga utang saakin, kaya halika na para makarami tayo! “ Aya niya saakin. Hindi na rin niya ako hinintay na sumagot pa dahil hinila na niya ako saaking braso!
Nagtataka naman ako sa asta ng kaibigan ko, lalo na nang pumara siya ng taxi!
Ayaw ko pa sana na mag taxi kami ngunit hindi pa ano nagsasalita sumenyas na ang kamay nagsalita siya.
“Opss, wag kana umangal, ako na ang mag bayad, “ sabi niya saakin kaya naman tumahimik na rin ako!
Dahil malapit lang naman ang tinitirhan namin mula sa hotel. Ay agad kaming nakarating.
Ngunit bago kami pumasok sa bahay na inupahan namin ay dumaan muna kami sa tindahan nagtaka naman ako dito sa kaibigan ko dahil kakaiba talaga siya ngayon gabi. Ang totoo kuripot din eto pero eto siya bumili nang ulam.
Kaya napa kunot noo ako sa kanya! At napansin niya naman ako agad!
“Ah, eh, sayang din ang oras friend kung magluluto pa tayo, at para marami kang sasabihin saakin, yaan mo na to 50pesos lang naman! “ sabay taas niya sa ulam na binili niya, na akala mo alam niya ang laman ng utak ko, at napabungisngis pa siya sa sinabi niya! Kaya umiling nalang ako!
Pagdating namin sa bahay, kumain muna kami. Walang imik ang kaibigan ko ngunit iba siya kung makatingin saakin.
“Talaga friend? Nagkita ba kayo ng CEO sa Hotel? Omg! “ tili niya, napatakip pa ako sa aking tainga dahil sa lakas ng boses niya! Hindi niya kasi ako tinantanan kanina pagkatapos namin kumain. Kaya pala lahat ng gawain dito sa bahay kanina ay siya lahat ang gumawa! Tapos ako pa ang unang pina ligo niya!
“Friend, gwapo ba si Mr CEO? “ tanong niya ulit saakin, kaya naman bumalik na naman ang galit ko sa CEO na yun! Total kaibigan ko naman si Jenny hindi naman siguro ako isusumbong!
“Yun, ang aroganti niyang impakto! Hindi siya gwapo friend, isa siyang pangit! “ sigaw ko, na sagot saaking kaibigan. Pero imbis na magalit siya saakin kasi sumigaw ako, tumawa pa ang gaga kong kaibigan at parang kinilig pa!
Nakwento ko ba lahat sa kanya at mukha naman siyang kontento! Dahil hindi talaga niya ako tinigilan! Ngayon eto siya bagsak na ang katawan niya.
Kaya naman nakahiga na rin ako sa aking bed at matutulog na rin ako dahil may pasok pa kami bukas.
“Thank you Lord natapos na naman ang isang araw ko. Sana po may trabaho pa ako bukas na aking madadatnan, “
Taimitim kong panalangin sa Maykapal. Dahil duda talaga ako, sa tingin ng CEO saakin kanina mukhang tatanggalin na ako sa trabaho! Pero bahala na bukas, basta papasok parin ako!