Chapter 15

3809 Words
SHARON POV Iniwan lang naman ako na nakatulala sa kawalan ang Aroganteng nilalang dahil sa ginawa niya kanina saakin! Hindi ko alam kung hinalikan ba ako o dumantay lang ang labi niya sa leeg ko, hindi ako sure dahil lumilipas ang utak ko sa oras na yun at hanggang ngayon! "Buddy, come here! " Boses niya ang nagbalik sa diwa ko kaya naman napatayo pa ako ng tuwid, at nakita ko pa na buhat- buhat niya si Cj at meron pa siyang binulong sa kanyang Anak na hindi ko naman narinig! "Did you do your Job properly? " Meron siyang binulong sa anak niya at tuwang-tuwa naman si Cj dahil napalakas pa ang sagot ng bata! "Yes daddy! " masiglang sagot ni Cj dahil tinaas pa ang kamay niya! Samantalang ako eto hindi pa rin makauma sa nangyayari saakin! Ngunit naisip ko, ang sabi niya kanina SECRET PLACE, hindi kaya walang nakaalam ito? Mga tanong ko sa aking sarili. Ngunit mukhang napansin ako ni CEO dahil tumigil pa siya sa paghakbang at tumingin siya saakin, kaya napatigil din ako sa paghakbang at napakunot noo pa siya! At binilin pa niya ang anak niya at binaba na niya si Cj. Nakatingin din naman ang bata saamin dalawa! "Cj stay here, iwant to talk to your mine ok! " bilin niya kay Cj na akala mo nagkaka- unawaan silang dalawa! Habang ako nakatingin lang sa kanila! "Yes, Daddy! " maikli naman na sagot nang bata sa Ama, himala, kanina lang diba ayaw niya ako ipamigay sa Ama niya bakitt ngayon parang wala na ako sa kanya himutok ko sa sarili ko tapos tiniganan ko si Cj ayun ngumisi lang ang bata! Bigla pa akong kinilabutan sa ginawa saakin ni Cj. Nagtataka talaga ako kung bata ba talaga ang kasama ko ngayon hay ewan! At ito na nga! Napaigtad na naman ako ng magsalita si Arogant! " Mis Magdangal you my have a sit, " Seryoso niyang sabi saakin, kaya naman umupo na ako dahil iba ang nararamdaman ko sa mag-ama ngayon, para siyang isang hari na hindi mo pwedeng biruin. Na para bang sa kanya lahat ay batas, na walang sinoman na kayang baliin! Habang siya ay nakatitig saakin. "Alam ko nagtataka ka kung bakit kita dinala dito, Para sabihin ko sayo, ikaw lang at si Cj ang nakaka-alam sa lugar na 'to,! " Tukoy niya sa kwartong kinaroroonan namin ngayon. Kaya naman nagulat ako at medyo natakot kasi yung mga pinapanood ko sa movie kapag nalaman mo ang secreto nila diba papatayin kana? Dios ko naman katapusan ko naba? bulong ko, pero pagtingin ko sa kanya parang ngumisi siya kasi tumaas pa ang labi niya pero sandali lang, kasi seryoso na ulit ang kanyang mukha! "Lahat nang nakakaalam dito hindi ko na_" Hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya kasi pinatigil ko siya,dahil alam ko naman ang kasunod! Total papatayin naman niya sabihin ko na din ang gusto kong sabihin! "Sandali Sir! preno muna! " Sabi ko sa kanya sabay taas ang kamay ko,tumigil naman siya at para bang nagulat pa siya sa ginawa ko! Kaya naman nagsimula na akong magsalita! "Una Sir, hindi ko alam ang bagay na ito, kung hindi mo lang ako pinadala dito," Sabi ko sa kanya, nakatitig lang naman siya saakin ngunit bibnaliwala ko dahil magsasalita pa ako! " pangalawa Sir, wag kang mag-alala Sir, wala akong sasabihan sa mga tao! At pangatlo Sir, ayaw ko pang mamatay, sir naman ni hindi ko pa nga naranasan ang makaroon ng boyftriend tapos papatayin mo na ako agad! Ni kiss nga eh wala p akong karanasan kaya naman Sir wag mo muna akong patayin! " mahaba-haba kong litanya sa kanya! Kahit medyo na ne-nervus na ako, hindi ko nga lang pinahalata! Ngunit ang mokong, parang gusto pa ata matuwa! Kasi yung mga mata niya parang may naglalaro na ewan! Tapos nakita ko na naman na tumaas ang labi niya? Napalunok pa ako dahil pakiramdam ko, bakit parang ang gwapo niya ngayon! Napasampal pa ako saaking mukha kung ano-ano nalang ang naiisip ko! Ngunit bigla siyang nagsalita! Akala ko nga Pepi na siya eh! Samantalang palinga-linga pa ako dahil wala na akong makitang Cj a kapaligiran? "So, you don't have any experience ha? " naka- kaloko niyang ngising sagot saakin, na pinagsisihan ko naman kung bakit ko pa nasabi yun parang gusto ko tuloy lamunin nalang ako nang lupa, sa kagagahan ko "ikaw talaga bibig ka!" pa galit kong sita sa bibig ko! At hinarap ko siya at sinagot. "Ah, eh... Hindi naman sa ganun Sir, ang ibig kong sabihin kasi eh__" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil para akong na naingkanto sa mga titig niya! Napalunok pa ako ng sunod-sunod lalo na ng nagsalita siya! "Well, pagbibigyan naman kita sa kahilingan mo bago kita patayin miss Magdangal! " Seryoso niyang sagot saakin na ikinalaki ng mga mata ko! Akala ko naman nagbibiro siya ngunit wala akong makitang bakas sa kanyang mukha dahil ang matatalim niyang kukay brown na mga mata ay nakakatakot titigan, kaya naman binaba ko ang mukha ko dahil hindi ko kayang tagalan ang kanyang mga titig, "A_ano Sir, p_patayin mo ako? " nauutal ko pang tanong sa kanya! Na medyo nanginginig na din ang aking mga tuhod! Ngunit nabuhayan ako ng loob ng nagsalita siya ulit. "Yes! But_ " sagot niya saakin na medyo pabitin pa niyang sagot kaya naman kahit pa makaramdam ako ng takot hinarap ko siya! At ito na naman ang mga titig niya na para akong gustong lapain na hindi ko maintindihan at isa pa ang aking puso na ang lakas ng kabog! Siguro dahil sa takot ko! "I have an condition, miss Magdangal, " sa wakas nasabi niya, ngunit natatakot ako sa kondisyon na sinasabi niya, " hindi kaya gagawin niya akong katulong? Kung sabagay ayus na yun saakin wag lang akong patayin" kausap ko sa sarili, kaya naman tinanong ko siya! "Anong kondisyon Sir, gagawin mo akong katulong ganun? Aba! Ayus kang saakin Sir, yun lang naman pala E' " Sagot ko sa kanya, "kahit ano na siguro basta mabuhay lang ako pag papakalma ko sa sarili ko, " Tiningala ko pa siya dahil hangang ngayon wala parin siyang imik at nakatitig lang saakin at napalunok pa siya dahil aa pagtaas ng adams apple niya, kung bibilangin ko kung ilang beses na siyang lumunok ay baka kulang- kulang na ang mga darili ko kung isali ko pa kaninang umaga! "Sir, ano na!? " Sigaw ko sa kanya, Dahil kung makatitig grabe hah! "Omg inisip na niya kung papatayin na ako? " kausap ko ulit sa sarili ko at 'to na ako na ang napalunok saaking kagagahan! Ngunit nagsalita na siya, at tumikhim pa! Kaya naman naghintay ako sa kanyang isasagot saakin, habang taimtim akong akong nagdasal na sana wag niya akong patayin, dahil seryoso talaga siya kanina! " Kapalit ng buhay mo! gusto ko dito kalang, bantayan mo ang anak ko, maliwanag ba sayo miss Magdangal? " Sagot niya saakin na konabigla ko! "Ano daw, bantayan ko ang anak niya? As in Yay" kausap ko ulit sa aking sarili! Kaya naman hindi ko mapigilan ang sariki ko, Oo nga gusto ko pang mabuhay, at mabait naman ang bata! At sinabi ko din sa sarili ko na kahit anong trabaho ay tatanggapin ko! Pero 'tong pagiging Yaya ni Cj parang mahirap para saakin! E' kilala ko ang bata, baka mamaya timanda ako agad, kahit pa sabihin ko na nakikinig siya sakin, ngunit kanina yun! Ngayon nakikita ko na may iba talagang ugali ang mag-ama! Ngunit paano na ang kalayaan ko? Kaya naman sinagot ko siya! "Kung sabagay Yaya lang pala eh, " bulong ko ulit sa sarili ko, "Ok Sir, Yaya lang pala Eh! " sagot ko sa kanya at ang arogante parang ngumiti pa ng nakakaloko na naman? "Good! You start your work now! " Seryoso na naman yang sagot saakin! Kaya naman hindi ko mapigilan ang hindi magsalita! Hindi ba alam ng lalaking to na wala ako ni isang damit na dala! Nababaliw na ba siya o baka ulyanin na! Mga himutok ko sa sarili ko kaya bago pa ako maghimutok magpa-alam na ako sa kanya na uuwi muna ako at kukunin ko ang aking mga gamit! " Ok sir! Pero hindi ba uuwi naman ako pagkatapos ng work ko tama ba ako sir? " tanong ko sa kanya pero sinamaan lang niya ako ng tingin na para bang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi! "As I told you miss Magdangal, you'll stay here and takecare may Son! Meron kabang kakilala na umuuwi sa bahay nila bilang isang Yaya?! " paasik niyang sagot saakin na kinaigtad ko pa! Kaya naman hindi ko mapigilan nang samaan siya ng tingin! Nagtatanong lang naman ako kailangan ba siyang sumigaw! Bwisit siya! "Bakit kaba naninigaw Sir? Nagtatanong lang naman ako diba? Kung ayaw mo di wag ganun lang yun! " Tapang tapangan ko rin na sagot sa kanya ngunit ang totoo may takot na akong naramdaman lalo nang may pinindot siya sa kanyang harapan at nagbukas lang naman sa kanyang likuran, at nakita ko lang naman ang iba't ibang klase ng mga baril at mga ISPADA? "ISPADA? " gulat kong naibulalas mula sa aking bibig at napatakip pa ako! Pagtingala ko sa lalaking kaharap ko ngayon at ganun patin seryoso siya na nakatitig saakin, na para bang pinag-aaralan niya ang aking iniisip! " Mamili ka nalang kung ano ang gusto mong gagamitin ko sayo diyan, madali lang akong kausap miss Magdangal? " seryoso niyang bulalas saakin, napalunok pa ako sa kanyang sinabi! " Ikaw naman Sir, hindi kana mabiro oh, sino ba may sabi sayo na ayaw ko yung offer mo, pwede ko bang malaman Sir, kung nasaan ang magiging kwarto ko? " Pilit kong ngiti aa kanya at ito na naman siya, parang ngumiti na naman pero panandalian lang! At sinara na niya ang naglalaman ng iba't ibang klase ng Baril at mga Ispada! " Bago ko ibigay ang kailanganin mo pirmaan mo 'to, " Utos pa saakin at binigay na nya ang isang papel, Nagtaka naman ako at bakit may papel agad at ballpen na hawak niya E' wala naman kanina! Napakamot pa ako sa aking ulo at binasa ang nilalaman ng papel na gusto niyang pirmahan ko! "Ako si Sharon Magdangal ay magtratrabaho bilang isang Yaya ni master Cedric John Smith at walang d'off hanggat walang sapat na dahilan upang lumabas nang bahay. Ako ay may sahud na nagkakahalang 50,000 pesos kada bwan, at dito rin ako titira sa bahay Ni Franco Smith ang Ama nang aking babantayan." Basa ko sa nakasulat! Napa WOW pa ako dahil sa laki ng aking sahud, kaya naman kahit paaano lumuwag ang aking kalooban! "Sus pera lang kasi ang nasa utak mo Sharon! " sigaw ng atrabida kong utak, at sinita ko naman agad! Basta pera ayus lang! Ako na bahala kay Cj! Kaya naman pinirmahan ko na agad ang papel at ibijigay ko na sana kaso may nakasulat pa sa alikud! Babasahin ko pa sana kaso bigla nalang niyang kinuha! Ayus kang naman saakon dahil naka focus ako sa fifty thausand pesos! Kaya naman tinanong ko ulit siya! "Eh Sir, hindi naman siguro bawal ang cellphone at, d'off hindi ba,? " Paniniguro kong tanong sa kanya, at 'to na nag iba na naman ang timpla ng kanyang mukha na akala mo may sinabi akong masama! Dahil gumalaw pa ang panga niya! "Hindi mo ba binasa ang pinirmahan mo Miss Magdangal? Ang sabi doon, wala kang d'off, " Sagot niya saakin na kinagulat ko pa! At nagsalita siya ulit! "About phone, No! Walang Cellphone walang d'off, that is the rules here in my House miss Magdangal! " Matigas niyang sagot saakin, kaya naman napasimangot ako! "Ang tindi pala ng Aroganteng to eh! " bulong ko sa hangin! Kaya naman makiki-usap nalang ako sa kanya kung pwede matawagan ko ang aking mga magulang! Bago man lang ako magsimulang maging Yaya ng Anak niya! "Ok Sir, pero pwede bang isang request lang po, promise! " paki-usap ko sa kanya, napakunot noo pa siya bago niya ako sinagot. "What it is? " seryoso parin niyang mukha na nakatingin saakin. Kaya naman hindi na ako nagpaliguy-liguy pa! " Sir, pwede ko bang tawagan muna ang aking Pamilya bago mo man lang ako pagbawalan sa lahat? " Medyo sarcastik kong sagot sa kanya, bahala siya kung masamain niya! Napaismid pa ako sa sakkng sinabi! " Kung sa mga magulang mo walang problema miss Magdangal,you can call them anytime, wag lang lalaki! " sagot niya saakin na nakatitig na naman! Kaya hindi ko maiwasan talaga na samaan siya ng tingin lalo na s alast na sinabi niya saakin! Ulyanin din siya hah! Diba sinabi ko ni boyfriend nga wala ako! Bwisit talaga siya! "Wag kang mag-alala Sir, wala ho akong katawagan! Sayang nga eh, kung alam ko lang pala na mamatay na ako, di sana pinatulan ko nalang yung nanligaw saakin n'on nag-aaral pa ako sa Probinsya namin, " Maktol kong sagot sa kanya at nagulat nalang ako sa bigla niyang pagsigaw! " What? Who? I will kill him right now! " Sigaw niya saakin na akala mo naman papatay na siya ng tao! Medyo naguluhan pa ako sa inasta niya! At napangiwi pa ako! " Ano ho Sir? Papatayin mo?, Bakit? " Sunod-sunod kong tanong sa kanya at ito na naman ang mga titig niya na hindi ko maintindihan! "Yes, miss Magdangal, I will kill them whoever comes to near you, " Nagbabagang titig nyang na sagot saakin na kinaigtad ko pa dahil pabulong niyang sinabi saakin tainga na bulta-bultaheng init ang nagbigay saaking katawan ang mainit niyang hininga na dumantay saaking balat! Hindi ako nakasagit agad dahil sa subrang lapit na ang labi niya sa aking mukha! Kunting kunti nalang at magkadikit na! Hindi ako gumalaw dahil kinalabahan aako, ngunit sinagot ko siya hanag magkalapit ang aming mukha! "Ang totoo niyan kasi, wala siya Sir, namatay na rin, dahil sa sakit sa Puso! Sayangnga E dahil crush ko paman din noon! " hindi ko nahihiyang sagot sa kanya, at medyo nilayo na niya ang kanyang mukha. Akala ko magagalit na naman siya ngunit ito na nga ngumiti oa ang gago! "Tsk! Good for him! Inuod na pala better then! " Nakangising sagot niya saakin kaya nanan sinamaan ko siya ng tingin, sabihib ba naman i nuo'od na! Lahit kailan talaga! Pati patay nakatikin pa sa kanya! " Alam mo Sir, Ang sama mo talaga! " Hindi ko mapigilan na reklamo sa kanya, peri parang wala lang ang sinabi ko sa kanya! "Tsk! " Sagot lang niya saakin! Puro nalang siyang stk! Kaya sinimangutan ko na! Kaya naman naiisipan kong magpa-ala na muli total naman nakapirma na ako siguro naman payagan na ako ng Arogante kong amo! "E' baka naman po pwede na akong umuwi Sir at kunin ko na ang aking mga gamit, total naman nakapirma na ako? Wag kang mag-alala Sir, hindi ako tatakas, " Tanong ko s akanya at inunahan ko na siya baka yun din naman ang sasabihin niya saakin eh! Ngunit napanga-nga nalang ako sa kanyang sagot! "No need, ako na ang bahala sa mga gamit mo! And about your friend, I think no need to say goodbye to her as well, " sabi pa niya na parang bale wala lang ang lahat! Kaya tinikom ko nalang ang bibig ko dahil puro naman NO nag sagot eh! Ang problema ko ngayon, kung saan ako matutulog? Dalawa lang naman kasi ang room dito! Ayaw ko din matulog dito sa underground noh! Kahit pa malinis nakakatakot dito ehhhhhh! Kaya naman, ang bibig ko ito walang prenong nagtanong na naman sa taong kaharap ko ngayon hindi ko alam kung ano ang ki akalikot niya sa kanyang cellphone. Pansin ko kasi kansina pa siya nagkakalikot habang ako nagsasalita sa kanya! "Sir, excuse me ho! Baka naman pwede mong sabihin saakin kung saan ako pwede magpahinga kung tapos na ang work ko, mas mabuti na yung magkakaintindihan tayo s alahat ano ho Sir,? " Sarcastic kong tanong sa kanya, ngunit ang mokong inignore lang tapos may tinawagan na, " Miss Baretto It is all ready?Ok then, put all things there and you my leave! " rinig kong utos niya sa Baretto na yun.nagkibit balikat nalang ako sa aking narinig! Kaya tahimik lang ako! "Ok balik na tayo sa taas, " biglang sabi niya saakin, kaya naman medyo nakaluwag na rin ako ng hinga! Pakiramdam ko kasi nasaskaal ako dito sa ilalim ng lupa! Underground pala! "haist! Salamat naman nakakatakot dito, " naibulalas ko na naabot ata sa pandinig niya at sinagot pa ako! "Bakit may nakakatakot ba dito miss Magdangal? " painocente niyang sagot saakin, sarap talagang tirisin eh! Kung siya hindi natatakot ako oo! Kung sinamaan ko lang siya ng tingin! Hindi ko na siya sinagot pa! Ngunit nabigla ako ng sumigaw siya ulit! "Miss Magdangal hindi kapaba tatayo dyan?Akala ki ba natatakot ka dito? Mukhang wala ka pa yatang balak na bumalik sa taas? " tanong niya saakin na nakalapit na naman ang mukha niya! At ito na naman ang puso konh panay ang kabog! Ngunit biglang dumating si Cj saamin at ang mag Ama ay nag aperan pa! Na akala mo nanalo sila sa isang pa kontes! Napa-iling nalang ako sa kanilang dalawa! Kaya naman tumayo na ako at hinabol ko pa silang dalawa eh kasi naman para akong napako s akina uupuan ko! Pagdating namin sa taas, nagulat naman ako sa nadatnan ko, puro 'to galing sa shopping mall, at hindi lang basta-basta ang laman ng papaers bags dahil puro signature ang tatak! Nagtaka naman ako, dahil wala naman ito kanina! Pero kung sabagay mayaman nga diba! Kaya naman tinanong ko siya at aayusin mo nalanh siguro nga gamit nilang mag-ama ito! Pagsulyap ko kay Cj, ayun naka dekwatro sa couch.Sarap nang buhay ni young master Cedric John.Natuwa naman ako sa itsura nilang dalawa dahil carbon copy niya talaga ang anak niya! Curious labg ako kung nasaan ang Nanay ni Cj! Pero bago paman kung ano-ano ang tumatakbo sa utak ko maigi at maitanong ko na sa kanya at akoy magsisimula na sa aking trabaho! Kung Yaya syemprw all around wala naman akong nakitang katulong dito sa PenHouse niya! " Um, Sir saan ko lalagay mga yan? " Tanong ko kanya sabay turo sa mga sangkamakmak na papers bags! "Lagay mo lahat sa master bedroom, " sagot niya saakin na hindi man lang siya tumingin dahil sa cellphone siya nakatuon ng pansin! Nagkibit balikat nalang ako! Sabi ko nga, eh gamit nila lahat to kaya naman dinala ko na ang lahat nang kaya kong bitbiyin andito kasi ang mga papers bag sa guestroom. Iniwan ko muna yung iba, babalikan ko nalang mamaya. Pero bago akong lumabas sa kwarto narinig ko tinawag niya si Cj hindi ko na pinansin, kasi busy na ako sa mga bit-bit ko! Pagbukas ko sa Master bedroom ganun nalang ang taka ko, bakit napalitan na ang mas malaki ang bed, pero hindi naman ang kulay, wala naman pinag kaiba pero yung size lang talaga pwede na ang sampu eh! Pinagkibit balikat ko nalang ang nakikita ko! Hinanap ko naman ang aparador nila pero hindi ko makita, kaya naman inikot ko pa ang mata ko, may nakita akong isang pinto na katabi nang banyo, kanina hindi ko to napansin bakit meron na eto? Nagtataka man ako pero binuksan ko na, kinatok ko muna kung may tao! Aba balay ko ba, "Tao po! " katok ko sa pinto, wala naman sumagot kaya binuksan ko na buti hindi nala lock. Pagpasok ko puro naman pinto, parang sa hotel lang pero mas di hamak malawak at mas maganda dito. Yun lang puro salamin kaya naman nakikita ko ang aking sarili ko. At ganun nalang ang gulat ko ng makita ko ang aking itsura sa salamin! Dahil mahabang dress na spagheti strap at nakikita pa ang cleavege ko, hindi naman siya daring kung baga sakto lang! Napangiti pa ako saaking reflexion sa mirror. Simulan ki na ang maglagay ng mga damit sa mga door' ng lalagyan! Inisa-isa ko pang binuksan at ganun nalang ang pagka amaze ko dahil ang ayos ng lagayan, oara nga isang botique na pwede kanang mamili ng gusto mong bilhin, hindi ko rin mapigilan ang sarili ko at hinawakan ko oa at inamoy na para bang isa akong temang! Dahil bawat bukas ki ay may laman, sa mga drawer naman ano nagbukas! Laking gulat ko pa dahil mga brief ang laman! 'Omg' biglang lumabas sa aking bibig! Hindi naman ito ang first time na makakita ako ng brief dahil may kapatid naman ako na lalaki at Tatay ngunit iba pala kapag si Mr Arogant na ang makikita ko! Bigla tuloy akong pinamulaan ng mukha! Sinara ko na ang drawer, at binuksan ko oa ang ibang door, at sa wakas nakita ko na rin ang empty. Pero bakit kulay pink ang loob bakla ba siya tanong ko sasarili ko siya naman ang bukas nang pintuan At ang dalawa may bitbit pa na paper bag. Napanhiti pa ako sa kanilang dalawa dahil ang ganda nilang panoorin, pero si Cj nakasimangot na naman! Kaya naman hindi ko maiwasan ang hindi magtanong, dahil baka kaya nakasimangot ang bata dahil nautusan, napangiti pa ako sa naisip ko! "Bakit pa kayo sumunod Sir? babalikan ko naman mga yan, tignan mo nakasimangot na si Master, " Turo ko sa dala nila at kay Cj, pero si Cj ayun naka halukipkip na naman! Napailing nalang ako at aayusin ko na ang mga gamit nila! PERO pagbukas ko sa mga paper bags, ganun nalang ang gulat ko dahil pam babae lang naman ang laman! Kaya naman napatingin ako sa kanya at tinanong! Hindi naman sa paki alamera ako pero kailangan ko magtanong! Hindi na rin ako nag iisip pa! Kung personal naba ang itatanong ko! "Sir, kaninong damit to? Sa asawa niyo ba? " deretso kong tanong sa kanya, medyo parang kinurot pa ang aking puso sa aking tanong kay CEO. Iniisip ko palang na bumalik na ang Asawa nito ay parang bigla akong nasaktan. "Alam ko na nangingimasok na ako sa personal niyang buhay pero bakit niya ako dito pinahiga kagabi, " kausap kosarili ko Tinignan lang ako ni Mr CEO, bago niya ako sinagot, at titig na titig na naman siya saakin. Naalala ko tuloy ang aking itsura sa damit ko kaya naman medyo timagilid ako sa kanya. " Una Miss Magdangal wala akong asawa! " sagot niya saakin na seryoso naman ang mukha dahil nakikita ko ang reflex nang mukha niya sa salamin, " Pangalawa sayo lahat yan, any question? " dagdag pa niya! Pagkasabi niya saakin nang ganun ay bigla nalang siyang umalis, ako naman nakatunganga lang, hindi parin kasi ako makapaniwala sa sinabi niya! Ano daw saakin ito? "Baliw ba siya? " kausap ko sa sarili ko na nakatingin sa salamin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD