SHARON POV
A few weeks later!
Andito ako ngayon sa may Biranda, upang
tawagan ang mga magulang ko. Maaga pa naman kaya naiisipan ko muna tawagan sila total tulog pa si Cj.
Isang linggo na rin ang nakalipas, akala ko ng noon ay hindi na talaga niya ibibigay ang aking cellphone. Wala din akong ibang ginagawa dito sa kanyang PenHouse pati maglinis pinagbawal din niya! Hindi daw ako marunong maglinis! Biruin mo yun, ano pa at naging Janitres ako kung para sa kanya hindi pala ako marunong maglinis!
Hindi naman na ako nagtanong dahil ayaw ko rin naman ng maraming usapan! Ang mahalaga saakin may sahod at syempre aalagaan ko ng mabuti si Cj.
Ang sabi pa saakin noon, " Basta bantayan mong mabuti ang Anak ko, hindi mo obligasyon ang maglinis ng Bahay, ako na ang bahala diyan, " Oh diba? Akalain mo yan kaya naman hind na rin ako nagsalita noon! Isa pa pabor saakin yun noh! Saan ka ba naman makakita ng 50k na sahod at magbantay lanf nang bata! Pati pagluluto ayaw din niya! Kaya ang labas siya yung nagluluto!
Dahil isang araw, pinakialaman ko lang naman ang mahiwaga niyang kusina! Habang si Cj binigyan ko siya ng gawain niya at ako naman nagluto sa kusina! Akalain mo nagalit ang Arogante! Bakit ko daw pinapabayaan ang anak niya! E' nagluto lang naman ako, at ito pa hah, ang sabi pa saakin, hindi daq masarap ang luto ko! Kaya sa subrang inis ko! Sinabihan ko siya na siya na ang magluto!
Nakipag sagutan pa ako sa kanya noon, ang sabi ko sa kanya! "Kung ayaw mo ng luto ko, pwede ba kahit pagkain ko lang ang lutuin ko, dahil kailangan ko din kumain SIR,! " pasigaw ko pa noon na sagot sa kanya! Pero ang hinayupak parang galit pa!
"No! Ang sabi ko bantayan mo lang ang anak ko, kung may gusto kang kainin let me know, hindi ka naman siguro magugutom dahil sa dami ng pagkain dito! " paasaik pa niya noon na sagot saakin, kaya namn dahil sa inis ko sa kanya, iniwan ko siya at kinuha ko na ang aking bag at aaalis na sana ako ng hawakan ng bata ang aking kamay,
"Mine, Where arw you going? Do you leave me, " Tanong ni Cj noon saakin,Pero nakasunod pala saakin ang magaling niyang Ama at nanonood saamin. Kaya imbis na maawa ako noon sa bata sinabi ko sa kanya na uuwi na ako at bahala na silang maghanap nang Yaya niya! Dahil hindi ko na kayang tisin ang ugali ng kanyang Ama!
Hahakbang na sana ako palabas nang bahay nang nagsalita ang arogante, na akala mo naman may sunog dahil sa subrang lakas!
"Don't You eve try to leave this Haouse, If you want to leave longer! " sigaw niya saakin kaya naman umurong ako bigla, at si Cj umiiyak na!
At ang arogante mukhang naawa naman sa anak niya at medyo huminaon na ang boses,
" Ok fine, you can cook, but make sure, you never failed to takecare my Son or else_" sabi pa niya saakin, at hindi ko na siya pinatuloy sa sasahin niya dahil ako na ang nagpatuloy, at sinamaan ko siya ng tingin!
" Or else I die ok fine Mr Arrogant! Wag kang mag-alala aalagaan ko si Cj kahit hindi oa sabihin, ok na ba,? " Sarcastik kong sagot sa kanya noon kaya naman dahil nga hindi ako ang naglilinis ewan ko din kung bakit, basta tuwing magpapalinis siya, umaalis kami ni Cj.
Pagbalik na din namin sa bahay, may naluto ng pagkain! Ang daming alam ng hinayupak na yun!
katulad na lang ngayon aalis daw kami, ewan ko kung saan na naman kami pupunta o dadalhin. Oo laging kasama ang Aroganteng yun tatlong araw na din naman ang nakakalipas magmula ang araw na yun, mabuti nga at pinayagan pa akong mag cellphobe pero bago pa niya ako pinayagan kinuha muna niya ang phone ko at binalik lang naman kinabukasan, kaya galit na
galit talaga ako sa kanya, dahil sa araw na yun, tinawagan ko lang naman ang mga magulang ko at kapatid saktong kausap ko noon si Sherwin,
"Bunso malapit na ang enrolment mo magpapadala si ate nang pera hah, baka
mag paalam ako sa boss ko bukas, "
sabi kong ganun, medyo nagtaka pa ang
kapatid ko noon kasi hindi naman ako nag papaalam noon sa amo ko,
"Ate bakit, may ibang trabaho kanaba? " takang tanong niya saakin noon, kaya naman nag isip pa ako noon ng ibang dahilan,
"Naku bunso hindi, yung anak nang bigboss
sa hotel ginawa lang naman akong yaya! "
Sagot ko sa kanya noon, at tumawa lang sa siya kabilang linya kaya naman nainis ako sa kanya, may pagka engot din kasi minsan ang kapatid ko na ewan!
"Ano ate! Yaya kana? Talaga ba ate? " takang tanong pa niya na parang hindi makapaniwala, sabay tawa pa sa kabilang linya!
"Hoy! wag mo akong pagtawanan malilintikan
ka saakin, pagbabanta ko pa noon sa kanya
kaya naman tumigil siya, alam niya kasi na
ayaw ko ang trabahong yun, kahit na ano wag
lang talaga, maa-alaga nang bata, pero ewan ko ba kung bakit hindi ako maka reklamo sa anak nang Boss ko, lalo na kapag nagpapa-awa effect si Cj,
"Sorry ate hah, dahil saakin nagtitiis ka dyan! "
nag pabalik sa diwa ko noon sa sinabi nang
kapatid ko,mukhang seryoso na siya, " Naku bunso basta siguraduhin mong makaka pagtapos ka hah, dahil kung hindi, naku malilintikan ka talaga saakin! " banta ko pa noon sa kanya, at tumawa naman at sumeryosos rin!
"Oo naman ate, promise makakapagtapos ako ate, Para naman matulungan ko kayo, lalo kana ate at para makauwi ka narin dito, "
Sago pa niya saakin noon, kaya naman nag paalam na rin ako sa kanya,at baka makalimutan ko pa ang aking trabaho!
" Sige na bunso, Iloveyou! " Paalam kong
ganun nang may humablot sa selfon ko, Nagulat pa ako kaya naman humarap ako sa taong yun kahit pa kilala ko na kung sino dahil sa kanyang amoy! Ngunit nagulantang ako dahil isang pares na mata ang nag-aapoy sa galit ang kanyang mga titig saakin!
" As I told you, miss Magdangal! Don't use your phone when it's not important! " galit niyang tugon saakin, hindi naman ako agad nakapagsalita noon dahil hindi ako agad nakareact sa kanyang nagbabagang titig!
Kinuha niya ang cellphone ko noon, na walang pasabi, iniwan din niya akong nakatulala sa kawalan sa araw na yun! At binalik lang kinabukasan ang aking phone.
Ngunit, hindi rin biro ang unang gabi ko noon dito! Paano ba naman kasi, pagkatapos namin kumain sa araw na yun, paakyat na kami ni Cj sa taas at nabihisab ko na rin siya, ready to sleep na kaming dalawa at tinanong ko naman ang bata! Ayaw ko kasi kausapin ang Ama dahil lagi naman nagbubuga ng apo yun!
"Cj Where' s your daddy going to sleep? " tanong ko sa batang mahina lang, nasa bed na kasi kaming dalawa that time, sabi kasi ni Cj saakin tabi daw kami matulog, kaya naman tinanong ko kung saan matutulog ang ama! Hindi naman ako assumer na dito noh!
"Eh ano naman kung dito nga? May reklamo? " sigaw ng atrabida kong utak! Kaya naman kinulog ko pa ang ulo ko, ngunit nagbalik ako sa diwa ng sinagot ako nang bata!
"Here mine, why? " inocenteng sagot naman
nang bata saakin, sabay turo sa bed nila! "Oo nga naman allangan naman sa labas! " sagot ko din sa sarili kong katanungan nuon, kaya naman nahiga na ako sa couch noon kasi maluwang naman isa pa size bed naman ang laki niya, dahik ba naman sa liit kong to! kaya naman kinuha ko na ang isang unan at kumot noon at siya naman ang pasok niya na ikina gulantang ko pa kaya naman napatakbo pa ako sa couch at nagtalukbong agad!
Mahirap na ang mapagalitan bulong ko noon
Pero si Cj rinig ko pang napahagikgik at
nagsalita,
"Daddy I think you look like a monster! You see mine, She is afraid of you, " rinig kong sabi ni Cj noon sa kanyang Ama, kaya naman nagsasalita ako sa loob ng kumot noon! Na ako lang naman ang nakakarinig!
" Oo Cj, monster talaga yang Ama mo! At Argante pa! " himutok ko noon sa luob nang kumot at ganun nalang ang gulat ko na naman nang tinanggal niya ang kumot saakin at tinapon pa kung saan, tapos nakatitig saakin at napalunok pa! Ngunit panandalian lang naman at nagsalita siya!
"Do I look like, a Monster to you? " tanong niya saakin na akala mo lalamunin na ako sa mga titig niya, napalunok pa ako ng dalawanf beses bago ko siya sinagot! Dahilan ng hindi ako agad nakasagot sa kanya!
" Miss Magdangal, " Parang paos pa niyang boses sa pangalawang pagkakataon noon kaya naman nagising ang diwa ko! Napailing nalang ako bilang sagot ko noon dahil parang umurong ang lintik kong dila kahit gusto ko siyang sagutin at sigawan sana dahil iba ang titig niya saakin!
"So what are you doing here? " tanong niya sa
saakin at nakaupo na siya sa couch, kaya naman napa-urong pa ako sa higaan ko!
"H_hindi, ba_ako_dito ako matutulog, S_Sir? " Nauutal ko pangsagot noon sa kanya! Samantalamg si Cj nakapalumbaba na akala mo nasisiyahan na pinapanood kami ng kanyang Ama!
"NO! Who told you, that youcan sleep here? " Pasigaw pa niyang sagot saakin noon, kaya naman napatingala ako sa kanya, dahil napahiya ako.
"Ok Sir! S_ sorry aalis nalang ako dito, Pasyensya na po, " Sagot kong napahiya at napayuko nalang ako sa kahihiyan! Agad-agad akong tumayo at aalis na sana ako nang pagbukasan ko na ang pintuan ng nangsalita siya ulit.
" Then, where do you think your doing again?"
Tanong na naman niya saakin, habang ang bata palipat-lipat lang ang tingin saaming dalawa nang kanyang Ama, Hindi ko talaga maintindihan ang Ama ng alaga ko! Kaya naman sinagot ko ulit siya!
" Sir lalabas na po ako, diba sabi mo, hindi ako
dito matutulog? " sagot ko sa kanya, dahil kahit pa napahiya ako, kailangan ko talaga siyang sagutin noh! Sumusubra na kasi siya eh!
" Sinabi ko bang aalis ka? Ang sabi ko hindi diyan sa couch kundi dito! " Turo niya sa bed kung saan nakahiga si Cj, Kaya napalaki ang mata ko sa sinabi ng aking amo!
" Po, B_Bakit po d'yan S_Sir? " gulat kong tanong sa kanya na medyo nauutal na naman ako! Pero sinagot naman ako ulit!
" Bakit hindi? Paano kung mahulog si Cj, siko may kasalanan? " Sagot niya saakin na kona nga-nga ko pa, paano naman mahulog ang bata eh ang laki-laki nd Bed at lawak pa!
"Po? " ma'ang kong sagot sa kanya na pakunot noo pa ako, hindi naman siya makatingin ng deretso saakin,
" No more question miss Magdangal, that's finale! " sagot niya saakon at lumabas na siya yun ang buong nangyari sa unang araw ko dito sa PenHouse!
At eto nga, ilang araw na din ang nakalipas.
"Matawagan na nga si Nanay, " kausap ko sarili ko
"Ring........ " tunog ng cellphone sa kabilang linya!
" Hello Sharon anak kamusta kana dyan? "
Sagot agad ni Nanay sa saakin mula sa kabilang linya, alam ko sa oras na to wala ang kapatid ko kasi may pasok na siya, kaya naman binigyan ko sila noon ng pambili ng mumurahing cellphone para sa ganun lagi kong makakausap sila Nanay at Tatay kahit wala ang kapatid ko.
"Hello Inay, eto po tulog pa ang alaga ko kaya naman 'to makapag chika muna sayo Inay, " pabiro kong sabi kay Nanay, sinabi ko noon
sa kanya ang trabaho ko dahil lang naman
sa tsismuso kong kapatid kung bakit kasi
nasabi ko pa noon sa batang yun, kaya naman
sinabi ko nalang lahat sa kanila pwera nalang
ang ugali nang amo kong Arogante at ang alam pa nila mabait ang amo ko, kaya
naman kahit labag sa kaluoban ko sinabi ko
nalang na oo, para hindi narin sila mag alala
saakin.
"Naku anak, bantayan mong mabuti ang anak nang Amo diyan hah, lalo makulit ang batang yan kamo! " Alala naman na sagot ni Nanay saakin,
"Opo Nay, wag kayong mag-alala tulog pa naman siya, at nakikita ko naman po muka saakin kinatatayuan ngayon, " Sagot ko sa aking Nanay, totoo naman kasi muka dito sa aking kinatatayuan na Biranda nakikita ko si Cj na masarap sa pagtulog.
" Mabuti naman kung ganun Anak, ako'y nag-alala sa bata. Siya nga pala anak, salamat pala sa padala mo hah, naku tuwang-tuwang ang Tatay mo, alam mo ba, nabili na niya ang sakahan na matagal na niyang pangarap nuon anak, yung sakahan nila aleng Maring mo! "
Excited na sabi ni Nanay saakin, Medyo nagtaka naman ako sa sinabi ni Nanay saakin, kasi ang pera lang naman na pinadala ko ay 100k sahud ko lang yun noon na naipon ko muka pagiging janitress ko at part-timer, dahil nga sinabihan ako ng boss ko na hindi na ako pwedeng lumabas or mag d'off. Kaya naman lahat ng ipon ko noon pinadala ko na, pero syempre nagtira naman ako para sa sarili ko.
"Eh Nay, sabi niyo binili niyo yung lupain nila aleng Maring? , magkano ho nay?
Tanong ko sa aking Ina, ang alam ko kasi mahal ang sakaan saamin, pwede pa siguro kung sanla! Baka nagkamali lang ako
nang pandinig sa kanya, hindi kasi biro ang
sakahan nila aleng Maring malawak din kasi
yun at hindi basta-basta na pera din ang
kakailanganin doon sa sagot pa sana
si Nanay nang may umiyak na bata kaya
naman dali-dali akong napatakbo at hindi ko na naintidihan ang sinabi ni Nanay saakin.
"Inay sandali ho, gising na angg alaga ko, mamaya ko na kayu ulit tawagan!Bye po! " hindi ko na hinintay na sumagot pa ang aking Ina dahil dali-dali na akong pumasok sa loob at baka mag alborot na naman si Cj kapag hindi ako agad nakita! Ganito kasi ang batang to!
Andito na ako sa luob nang kwarto, pero tulog
naman si Cj, nagtaka pa ako kasi narinig ko
namam na may umiyak, nilapitan ko pa ang
bata pero mahimbing parin ang tulog nya!
"Guni-guni ko lang siguro, " kausap ko sarili ko kaya naman pumunta na ako sa banyo at maligo na at magpapalit na rin ng damit!
Sabi kasi ni Mr Arogante 10am daw ready na kami susunduin daw kami dito ewan ko lang kung saan na naman niya dadalhin ang anak niya! Nakikisali lang naman ako dahil ako nga ang Yaya!
" Sus te ano ba dapat ang tawag sayo? " sigaw
ng contrabida kong utak, wala noh sagot
naman sa kabila, napa-iling nalang ako sa naiisip ko! Kung saan-saan na naman tumaktakbo!
Tinignan ko ang oras 9am na, kaya naman
ginising ko na ang bata, baka kasi ma bad mood na naman 'to kapag nagkataon magwawala na naman, kung hindi ko pa tatakutin na iiwan ko na siya hindi na titigil,hinalikan ko muna siya bago ako nagsalita kaya medyo gumalaw siya!
Pansin ko lang sa batang to gustong-gusto siyang nilalambing, kung sabagay ayus na ayus saakin yun, dahil kahit ilang araw palang ako dito, mukhang nakuha ko na ang loob niya,
"Baby Cj, wake up na, may pupuntahan tayo, " lambing kong bulalas sa kanya sabay kiss ko sa mukha sa kamay at sa tiyan, parehas kasi kami na may kiliti sa tiyan, kaya naman ito at napahagikgik na siya! Natuwa naman ako sa reaction ni Cj,
"Mine stop it please, I was tickled there! " reklamo pa niya saakin sabay kagikgik niya, pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang akong ginagawa sa kanya!
Panay naman hagikgik niya kaya pati ako napatawa na rin sa kanya, at tumigil na rin ako,
" Ok baby! Get up na! Brush your teeth and change you cloths ok, " sabi ko sa kajya n'on nakita ko sa mga mata niya na gising na gising na siya, tumango naman pagkatapos tumungo na siya banyo.
Eto ang gusto sa kanya kahit bata palang marunong na siya, maligo magbihis lahat!
Pero minsan nag-alala ako kaya naman
sinasamahan ko siya, katulad nalang ngayon
sinundan ko siya sa banyo. Kahit pa sinabi niya noon na bigboy na siya! Aba hindi pwede yun saakin paano kung ma accident siya lalo ang luwang-luwang pa naman nag bathtub!
" Paliguan na kita ok, kasi kakain pa tayo, baka mahuli tayo iiwan tayo ng Daddy mo, "
Panakot ko pa sa kanya mabuti naman hindi
nagreklamo, tumango lang, minsan kasi nag rereklamo siya kisa daw, bigboy na diosko
naman may bigboy bang apat na taon palang!
Pagkatapos namin sa banyo bumaba na kami
At siya naman ng may nagdoorbell!
"Dingdong..... Dingdong........ Dingdong......! "
Sunod-sunod na doorbell ang na nasa labas
kaya naman mabilis kami ni Cj na bumaba at
pinagbuksan ang pinto kung sino man ang tao
sa labas, kasama ko si Cj dahil hawak kamay
pa kaming dalawa papunta sa pintuan.
Hindi ko na tinignan kung sino man ang tao sa
labas basta deretso ko nalang na binuksan.
Pagbukas ko, nagbigla ako sa nakita ko
pati si Cj nagtago pa sa likud ko!
Isang babae na sophisticated ang itsura at mataas ang kilay na nakatingin saakin! At bigla akong kinabahan dahil may kasama siyang dalawang nakakatakot na lalaki sa likuran niya!