Chapter 3

2993 Words
SHARON POV Pagkatapos ng eksena kanina dito sa CAFFEE ang dami kong narinig na mga negatibo partikular sa mga babae. “Kilala ba n’ya kung sino yung nakabangga n’ya? Baka pulutin s’ya sa kangkungan! “ Sabi ng Isang babae na ang itsura mataray at nakarating naman sa pandinig ko, habang ang sama ng tingin nila saakin. At patuloy lang ako saaking ginagawa. Wala akong paki-alam sa kanila! “Ang sabihin mo, matapang lang s’ya kasi dahil kay si miss Tamara! “ sagot naman nang pangalawa, wala na talaga silang ginawa kundi magtsismisan sa loob ng Caffee. “I wonder why, kung sino ang babaeng yan,! “ Singit naman nung pangatlo, dahil tatlo nga silang nagtsitsismisan, nagkibit balikat lang ako at patuloy parin ako sa aking ginagawa ng biglang sumigaw si miss Tamara. Nagulat pa ako dahil muntik nang matilapon ang hawak kong tasa ng kape. “Ano, tapos na ang eksena pwede na kayong lumayas sa coffee shop ko! Tsupey, “ masungit na bulalas ni miss Tamara sa tatlong kababaihan. Nakita ko naman sa mukha ng tatlo na may takot sila kay miss Tamara. Agad naman nagsi-alisan ang tatlo. At yung iba naman nag stay pa. Pero yung mga staff bigla silang nagsibalikan sa mga trabaho nila dahil nilakihan sila ng mata ng amo namin. Hindi ko rin napigilan ang napahahikgik sa ginawa niya. Dahil halata naman na takot sila sa amo namin! Kung sabagay mataray talaga di miss Tams. “Hoy! Beauty ano, kamusta kana, “ nagulat p sa tanong niya saakin, na akala mo naman may problema akong dala, kaya naman sinagot ko siya at ngumiti pa ako, “Ok lang naman ako ma’am, eto MA beauty parin, “ nakangiti kong sagot sa kanya, ngunit nakita ko pa siyang napakunot noo. Kaya naman napatigil ako sa aking ginagawa. “Miss Diosa, sino yung lalaking kanina? Mukhang suplado no? Gwapo na sana kaso daig pa ang pinaglihi sa santol sa subrang asim ng mukha, “ nakasimangot kong tanong kay Miss Tam. Pero nahimasmasan ako ng naalala ko ang last part sa sinabi ko, at hindi ito nakaligtas da dalaga kong amo. “Kung sabagay gwapo naman siya, “ nakangisi niyang sagot saakin, pansin ko din tong dalaga kong amo laging nakangisi. “Pero naku hah, wag mo na yun intindihin basta kapag nakita mo s’ya, kung pwede lang umiwas kana lalo na kapag wala ako hah, “ may pagbabala pa niyang sagot saakin. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. “Bakit sino ba yon, at parang ang angas ng dating, akala mo kung sino hah, “ sabi ko pa sa amo kona akala mo naman barkada lang kami kung umasta ako sa kanya. “Sabihin nalang natin na isa siyang MONSTER, sagot n’ya saakin na para bang bale wala sa kanya ang kanyang sinasabi, pero napansin ko sa kanya na parang may galit siya sa lalaking yun. Kung sabagay hindi ko naman masisi ang amo ko, dahil kakaiba talaga ang lalaking yun, ang sama pa n ugali. “Talaga Diosa? Monster yun? Kung sabagay itsura palang niya, “ Natatawa ko naman na sagot sa amo kong dalaga, at eto na naman tumatawa siya at biglang tumigil, “Alam mo Beauty, sa totoo lang, eto ang kauna unahang pagkakataon, ngayon lang nangyari kay Franko ‘to. Biruin mo, ikaw lang pala ang makaka gawa sa kanya, infairness hah, walang nangyaring masama sayo,! “ Parang proud pa siya sa sinabi niya saakin, pero bigla akong kinabahan sa sinabi niyang, walang nangyaring masama saakin, kaya naman tinanong ko siya ulit. “Bakit miss Tam sino ba yun? Diba sabi mo kanina monster, pumapatay ba yun ng tao? “ Nag-alala kong tanong sa kanya dahil hindi ko rin maalis sa isip ko na hindi matakot, dahil nakita ko sa mata ng taong yun na nagbabagang ang galit niya saakin lalo na ng sinadya ko na talaga na binuhos ang kape sa harapan pa niya, napangiwi pa ako saakin naisip. Naghihintay naman ako na sumagot ang amo kong babae ngunit, tinitigan lang naman ako mula ulo hangang paa, tapos pangisi-ngisi na naman. Kinakabahan ako kapag ito ang ngumisi parang may binabalak na hindi maganda. “Alam ko na kung bakit hindi ka n’ya sinaktan Beauty, “ Patango-tango pa n’yang sagot saakin habang nakahawak sa kanyang baba na akala mo may nakakamangha sa nangyari, which is meron nga naman, yun ngalang kakaiba. Naguguluhan man ako pero hinayaan ko nalang, saka naisip ko din ang sinabi n’ya saakin ng lalaking yun stupid kumukulo talaga ang dugo ko kapag naiisip ko, katulad nalang ngayon para gusto ko siyang tirisin sa utak ko kung pwede lang! “Buti nga sa kanya eh, ang yabang n’ya, saka hindi ako takot doon noh, kahit siya pa ang anak ng Presidente ng Pilipinas Diosa, “ himutok ko kay miss Tam, dahil nanggagalaiti talaga ako sa taong yun, wag lang magkikita ang landas namin. “Oo tama yan beauty, para naman mabawasan ang hangin sa utak non, “ pag sang-ayon naman n’ya saakin, na akala mo tuwang-tuwa sa sinasabi ko, na para bang may galit talaga ang amo ko sa lalaking yun, hindi kaya ex niya? “Pero bakit parang ang tindi ng galit mo dun Miss Tamara? “ Hindi ko mapigilan na itanong sa kanya dahil nawawalan na ako ng hiya, “Wag mo nang tanungin malalaman mo din soon Beauty, dahil alam ko magkikita pa kayo ng Monster na yun, “ sagot niya sa akin na may makahulugang tingin, dahil hindi ko naman siya maintidihan nagkibit balikat nalang ako. Pero hindi talaga mawala sa utak ko yung sinabi niyang, buti hindi ako sinaktan, kaya napaisip tuloy ako. “Nanakit kaya yun sa babae?” kausap ko sarili ko. Hays mag aalas syete na pala kaya naman pa out na ako sa Caffee. “Miss Tamara Aalis na ako bavoos,! “ sigaw ko pa sa kanya, palabas na sana ako ng pinigil niya ako, at napatigil pa ako sa pag takbo palabas na sana sa kanyang Coffee Shop. “Wait Beauty! “ Ganting sigaw niya saakin, ngunit ng nakalapit siya ay naaninag ko saakin mata na may pag alala sa kanyang mukha, “Umuwi kana kaya Sharon, total bukas may pasok ka naman ulit, you need a rest u know, “ Bulalas niya saakin at mukhang nag aalala ang itsura, kung sabagay ganyan naman talaga siya, at alam din naman niya na hindi ako uuwi ng ganitong kaaga. “Naku miss Tamara wag na, kaya ko pa naman, isa pa maaga pa oh, “ sagot ko sa kanya sabay turo sa labas, kahit alam ko naman na padilim na rin, napailing nalang siya sa sinabi ko. “Ikaw bahala basta yung sinabi ko hah kanina, wag kang lalapit kapag nakita mo ang lalaking yun, “ paalala pa n’ya. Ang alin kaya yung sinabi n’ya hindi ko kasi matandaan kaya naman sinagot ko nalang kahit hindi ako sure sa sinabi ko sa kanya. “Ok tatandaan ko, wag kang mag alala, “ parang sure ko pang sagot sa kanya. At nagpaalam na ako dahil baka malate ako ay sayang naman ang pera! Papunta na ako ngayon sa next part time job ko, dahil dito isa naman akong waitress ngayon sa isang KOREAN FOOD syempre sa loob din ng hotel kung saan ulit ako nag wo work. Malawak at malaki ang hotel, sa totoo lang maraming caffee shop at mga restaurant sa loob buti nalang natanggap ako bilang part timer, hindi naman problema ang mga nagiging manager kasi wala daw sa Degrees makikita ang kahusayan kundi sa gawa, kung sabagay tama nga naman. Pero si Miss Tamara hindi naman ata s’ya manager lang para kasing may ari na s’ya sa Caffee na yun. Pagdating ko sa loob ng kusina aligaga ang lahat, para silang hinahabol ng mga tigre sa mga itsura nila, kaya naman tanungin ko ang isa kong kasamahan. Regular kasi sila dito samantalang ako part timer lang. Pero nagulat ako ng biglang may sumigaw sa likud ko. “Hoy! Sharon buti naman dumating kana! Alam mo ba kanina ka pa namin hinihintay, “ sigaw ni Jessa saakin na hingal na hingal pa na akala mo hinahabol ng tigre sa labas ng hawla. Napangiwi pa ako sa kanyang itsura. “Bakit ano ba meron? Saka ano yan itsura mo, naholdap ka? “ maang kong tanong sa kanya ngunit sinamaan lang ako ng tingin dahil mukha naman siyang seryoso kasi, kaya nakipag sign peace nalang ako sa kanya gamit ang aking daliri, “Naku tumigil ka nga diyan, magbihis kana d’yan dahil kakain daw dito yung bigboss, yung mar ari ng Hotel na to, “ sagot naman saakin na para bang importante ang sinasabi niya, kaya naman bale wala ko siyang sinagot. “Ah yun lang naman pala E’ ano naman kung kakain dito? Anong meron? “ sagot ko na para bang wala lang. Ganyan kasi sila dito kapag my mataas na tao o mayaman aligaga sila lahat, pero para saakin, habang nagtra-trabaho ako ng marangal pantay-pantay lahat ng tao saakin. “Hoy ano kaba, kapag nakita mo sa personal yun baka maihi ka sa takot! Sinasabi ko sayo Sharon, “ sagot ni Jessa saakin sabay palo sa likud ko, masakit din yun hah, kaya napa ouch pa ako, at simaan ko siya ng tingin, ngumiti naman ang gaga. “Bakit kaba nananapak, sadista kaba ha? Ang sakit non hah akala mo, “ pairap ko dito, at ang gaga tumawa lang naman, sabay peace sign din, bwisit siya. Pero kalaunan tumawa na din kaming dalawa, dahil pareho naman kaming baliw! Sa kabaliwan ngalang ganito kami kapag pagud tumatawa nalang. Bakit kaya napapalibutan ako ng mga baliw na Kaibigan kausap ko sarili ko “Naku sorry friend, ikaw naman kasi eh, hindi ko alam kung saan nanggaling yang fighting spirit mo kasi kahit sino wala ka talaga kinakatakutan, pero mas bilib na ako sayo kapag mapa amo mo na ang bigboss dito sa hotel, “ mahaba haba n’yang litanya saakin na para bang big deal talaga sa kanya ang sinasabi niyang Bigboss. “Alam mo Jessa kung bibigyan ba ako ng pera n’yan para paamuhin ko, kahit gaano kabangis na Tigre susubukan ko, basta ba may pera, “ pabiro ko naman sagot na may katotohanan, dahil sabi ko nga basta my perang involve kahit ano gagawin ko. Syempre wag lang magtinda ng puri dahil labas ako diyan. “Ikaw talaga Sha basta tungkol sa pera ang bilis kuminang ng mga mata mo, daig mo pa ang may anak na isang dosenang pinapa kain sa triple mong pagud sa kakatrabaho, “ sagot ni Jessa saakin na may pag-alala sa kanyang tono, nginitian ko naman siya at pinasigla ko pa ang aking boses. “Aba syempre no, yun ang mahirap hanapin, PERA! Kaya kung may bayad sige ba kahit ano basta pera, “ pabiro kong sagot sa kanya, napailing nalang ang aking kaibigan sa sinabi ko sa kanya. Ngunit nagulat na naman ako dahil sa sigaw ng Manager namin dahil pumasok pa siya sa loob ng kitchen. Na hindi naman niya ginagawa dati pa. Ngayon lang talaga! “ Ok. Double time tayo girls,! “ Sigaw niya sabay sulyap pa saakin, na akala mo nabuhayan siya ng loob. Parang ganun naman lahat sila ng nakatingin saakin. Kaya napangiwi pa ako sa kanilang lahat. “Good evening boss! “ bati ko sa Manager namin ng nakita niya ako, na akala mo nabunutan silang lahat ng tinik sa lalamunan. “Oh, buti andito kana Sha, solve na ang problema natin guys, “ bulalas n’ya na para bang tuwang-tuwa na makita ako, kaya naguluhan pa ako sa mga inaakto nila saakin. At pagtingin ko sa mga kasamahan ko sabay-sabay pa silang nagsitangu’an lahat sa sinabi ni Manager. Kaya naman nagtanong ako sa kanya. “Bakit boss, ano meron? “ Takang tanong ko sa kanya dahil hindi ko talaga sila maintindihan. “Ikaw lang naman ang pupunta sa table 26 at tanungin kung ano order nila Sha, go! “ parang tulak pa n’ya saakin, pag labas ang Manager namin, wala naman akong nagawa dahil lahat na sila pinagtutulungan na ako, wala na akong nagawa kundi lumabas mula sa kitchen. Pero sinulyapan ko pa sila na parang wala lang ang pinag-uutos nila saakin. “Yun lang ba? “ Bale walang tanong ko sa kanila at yun nga sabay-sabay na naman sila nagsitanguan lahat. Pati ang chef cook halatang aligaga. Pero ngumiti naman nung napasulyap siya saakin. Paglabas ko sa mula sa kusina ay hinahanap ko ang table 26 pero hindi ko makita. “ siguro sa dulo yun, “ kausap ko pa sarili ko kaya naman pumunta pa ako sa dulo at may nakita akong dalawang matanda at isang lalaki na nasa 30’s siguro at may kasamang bata. Kaya naman pumunta ako doon sa table nila. “Siguro eto na ang bigboss? “ kausap ko ulit sarili ko. Ehem kumuha pa ako nang energy bago ako tuluyan na lapitan sila. At baka totoo ang sinabi nila na Tigre nga ang may ari ng hotel. Pero habang palapit ako ng palapit sa table nila, parang kilala ko ang dalawang matanda, sila Mr, & Mrs. Santos yun E, “Sila kaya ang bigboss? “ kausap ulit sa sarili ko, lumapit na talaga ako sa kanila at malaman ko na ang kanilang gustong kainin. “Excuse me Ma’am, Sir my I have your order please? “ magalang kong tanong sa kanila at si Mrs. Santos parang nakilala pa ako dahil halata sa kanyang mukha na nasiyahan pa ata saakin. “Oh, hija it’s you! Why you here,? “ Takang tanong n’ya na may pagtataka sa mukha, napa kunot noo ang kanyang asawa. Dahil hindi yata ako natatandaan. Kung sabagay nga naman! “Who’s her honey? May kilala kaba ma hindi mo pinakilala saakin? “ Tanong ni Mr Santos sa kanyang asawa, pinalo naman ni Mrs. Santos ang Mr nito, kaya hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil sa ginagawa ng dalawa ang sweet kasi nila kahit may edad na. “Oh, your forget, she’s the one who always keep cleaned to our room, she’s verry nice women, and beautiful honey, right? “ Sagot ni Mrs. Santos sa asawa n’ya na mukhang proud pa sa kanyang sinabi about saakin medyo namula mukha ko buti nalang pala gabi na medyo na itago ko pa ang face ko sa kunting hiya. Dahil sa pamumula ng aking mukha. “Oh, I see, hi hija” bati nang matanda saakin, kaya naman binati ko na sila nakalimutan ko pa E’ dahil sa bata ako nakatingin, ganun din saakin, kaya nginitian ko ngunit seryoso ang bata. “Good evening Mr & Mrs. Santos, and you too Sir, and too you little boy, “ sabi ko sa bata na parang pasan ang buong daigdig dahil sa sandamakol nitong nguso, ngunit cute naman sarap siyang kurutin sa pisngi. Habang nakatingin siya saakin na para bang may gusto siyang sabihin. Ngunit natawa ako sa itsura niya dahil para siyang matanda na unano, kaya naman napabungisngis ako, hindi ko napigilan E’ cute niya kasi. Ngunit nagulat ako ng nagsalita siya! “I am not a baby,! “ reklamo niya at naka halukipkip pa siya na akala mo naman big deal sa kanya ang sinabi kong little boy. Dahil naman natuwa ako sa kanya may naisip akong gawin, pansin ko naman ang kasama niyang lalaki tahimik lang. “So, what I call ñ you then mamang maliit? “ tanong ko sa kanya habang nakatayo na siya at nakatingala pa saakin, dahil nga naman sa isa siyang bata, at mukhang seryoso nga siya saakin na makipag-usap. “My name is Cj! “ sagot niya na seryoso parin ang mukha, ‘tong kasama naman n’ya na lalaki mukhang nagtaka pa, dahil sa nakita ko sa kanya na parang nagulat pa ngunit kalaunan ay ngumisi, parang may alam akong kamukha niya, hindi ko lang maalala dahil nakalimutan ko. At bumalik na ang attention ko sa aking kausap. “Ok Cj, So my I have your order please, “ Malambing kong tanong sa kanya, at nabigla nalang ako ng sumagot siya saakin. “I want you, now! “ seryosong sagot niya saakin na parang bang inangkin ako na akala mo hindi ako makakatanggi sa kanya. Napanganga pa ako sa sinabi ng bata saakin dahil hindi ko inaasahan. Ito naman kasama niya ang lakas nang tawa pati sila MR & Mrs. Santos napatawa na rin ayun tuloy agaw attention na kami sa loob ng restaurant, “ Naisip ko tuloy paborito ako ngayon araw ng attention, dahil mukhang seryoso naman ang bata sinakyan ko nalang ang kanyang sinabi, at lumuhod pa ako sa kanyang harapan para magpantay kami, dahil ako na ang nahihirapan sa kalagayan niya habang nakatingala siya saakin. “Ok, let me see first if I have my name from the menu Cj, “ pagsakay ko sa sinabi niya. Kunwari naman seryoso ako sa menu na hinanap ang aking pangalan, ngunit pagbalik ng tingin ko sa bata mukhang seryoso parin ang mukha, ngunit ang kasama niyang lalaki hindi matapos-tapos ang pagtawa. Kaya naman inismiran ko siya, at napangisi lang mokong may naalala na naman ako sa ngisi n’ya, hindi ko lang talaga matandaan eh! “Siya kasi si BIGBOSS? “ kausap ko sa sarili ko, pero sabi nga nila diba, aroganti daw iyon, mukha naman jolly ang isang to. At binalik ko na sa bata ulit ang aking attention. “ Well, I’m sorry Cj, but my name is none of the list, sorry sweetheart, “ Gumamit pa ako ng endearment sa bata, at hindi nakaligtas saakin ang pamumula ng kanyang pisngi, langya talaga kahit bata na inlove na saakin, nasabi ko nalang sa sarili ko. Ngunit ang hindi ko inaasahan ng sumigaw siya at sinabi saakin, na ako talaga ang gusto niya, at yun na nga! Umiiyak na ang batang cute. Nataranta pa ako sa ginawa niya dahil akala ko hindi iyakin ang batang ‘to, hindi ko alam kung matuwa ba ako or maiiyak na rin. Kanina lang parang matanda lang eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD