“Uh, oh, “ Sabi ng lalaki sa katabi n’yang bata, mukha ngang inaasahan niya ang gagawin ng bata. Samantalang hindi ko rin naman alam kung ano gagawin ko. At dahil sa lakas ng iyak ng bata nagsilabasan na rin ang mga tao sa kusina pati mga tao sa kanya-kanyang table naki nood na lahat saamin na akala mo isa kaming magandang palabas sa senehan, pati narin si Mrs. Santos nag alala na rin sa bata, kaya naman nag isip ako ng pwede kong gawin, nang nagsalita ang kasama niyang lalaki.
“Buddy calm down, miss beautiful just kidding, right miss? “ Sabi ng lalaki sa bata sabay tingin saakin na para bang sinasabi na sakyan ko na lang ang sinabi niya dahil nakuha ko naman agad ang ibig niyang sabihin.
Kaya naman tumango na ako, dahil biglang tumigil sa pag iyak ang bata,
“Yeah I’m just kidding, so please calm down Cj, don’t cry ok, “Pagsakay ko sa sinabi ng kasama ng bata, nabuhayan naman ako ng loob ng tumigil na ito sa pag iyak. Kaya naman nakahinga na kami nang matiwasay, lalong lalo na kay Mrs. Santos na mukhang nag-alala sa bata. Hay! Kung bakit kasi naisipan ko pang pagtripan ang bata, ayun tuloy ako na pagtripan nasabi ko nalang sa sarili ko. Dahil ang bata ngumisi saakin! Napailing nalang ako!
“I’m sorry about this happened Mr & Mrs. Santos, “ Apology naman ng kasamang lalaki ng bata sa dalawang matanda, ngumiti naman ang dalawa sa kasama ng bata na para bang naiintindihan nila. At mukhang importante ang usapan nilang tatlo. Ewan ko lang kung bakit kasi nagsama sila ng bata E,
“By the way miss, I’m Michael his my nepnew hawak n’ya ang ulo ng bata saka ginulo ang buhok nito, kaya naman agaw pansin na naman kasi sumigaw na naman ang bata, at pakunot noo pa! Tignan mo diba sabi ko sa inyo parang matanda ang batang to!
“I told you don’t touch my hair man,! “ galit niyang sabi na halos magka salubong na ang mga kilay sa galit, tinawanan lang din naman siya ng tito n’ya dahil according to him pamangkin niya ang nasabing bata.
“Ok buddy I’m sorry then, “ nasabi nalang ni Sir Michael sa kanyang pamangkin mukhang kilala nga niya ang bata at pailing-iling pa siya, mukhang close ang dalawa.
“Well, Mr Deguzman bakit wala pa si Mr Smith, it’s been late? “ Si Mr Santos ang nagsalita. Naisip ko kung sino nga ba si Mr. Smith na sinasabi niya, hindi kaya siya yung BIGBOSS?
“Oh about that Sir, I apology, Mr Smith his on way Sir, I’m sorry, “ Apologetic naman na sagot ni Sir Michael sa dalawang mag asawa.
“ Siguro siya yung Ama ng bata, “ Nasabi ko sa sarili ko, kaya naman naisip ko na siya yung sinasabi nilang Tigre, kasi naman pati anak may pagka tigre din.
“Sir, Ma’am pwede ko na po bang makuha ang order niyo, “ tanong ko na sa kanila dahil mukhang ok na naman na ang lahat.
Kasi naman kanina pa kaya ako nandito at itong bata naman kanina pa din nakatingin saakin na para bang may gagawin na kalokohan!
“I want to go to the restroom, please, “ maya-maya sabi nang bata. Nagulat pa ako ulit dahil marunong din palang maki-usap na matino. Kaya naman nag presenta na ako ang sasama sa kanya. Total wala pa naman ang Bigboss na sinasabi ng mga kasama ko dito. Nakita ko naman na tuwang-tuwa ang bata sa sinabi ko.
“I’ll go with him, don’t worry Sir, I will take care of him, “ Pang Assure ko sa tito ng bata, nagtaka pa nga eh, hindi ko alam kung saan nagtaka, tinignan niya pa ang bata pero ganun nalang ang gulat ng Tito niya na tumayo ang Cj, na akala mo naman may nakakagulat E’ sasamahan ko lang naman ang bata sa comfort room.
Mamaya lang nilabas niya ang cellphone niya mukhang may tatawagan si Sir Michael.
“Bro where are you? You can’t believe what happened to CJ right now! “ sabi pa na akala mo may himala nangyari. Hindi ko na narinig ang ibang sinabi n’ya kasi lumiko na kami papunta sa rest room ni Cj, na pailing nalang ako sa Tito ng bata parang temang din minsan, ayun lang sa observation ko wag niyo akong pag isipan ng masama hah! Charot!
“Ehem, Cj do you want I’ll go with you inside? “ tanong ko kay Cj, kasi naman ang bata-bata pa kaso sa ugali n’ya para ng matanda kung umasta. Akala mo alam n’ya na ang lahat!
Kaka-iba din ang trip neto eh kaso iwan ko ba kung bakit ako natutuwa dito sa batang to!
“No, stay here! “ matigas n’yang sabi napa wow nalang ako sa sinagot niya saakin, biruin mo kung kausapin ako parang ka edad lang niya, wow hah! Pero hindi siya manalo saakin, ako parin ang mas matanda sa kanya!
“No!” Ulit ko din sa kanya wag mo akong ma NO, NO Cj hah, dito ka sasama ka saakin, iihi ka o hindi dito tayo papasok, ang bata-bata mo pa akala mo kung sino ka hah, sige subukan mong hindi ako sundin babalik na ako sa trabaho ko, “ pagbabanta ko pa na akala mo naman mag Ina kaming dalawa dahil nakatingin na lahat saakin na para bang naaliw na rin sila saamin ni Cj tapos eto na naman mukhang iiyak na naman ang bata ngunit bago pa maiyak tinaas ko na kamay ko, para matigil siya agad, mukhang nagtagumpay naman ako,
“Ops! You told me you are already Big boy why are you going to cry again hah? “ Sabi ko sa kanya na may paghahamon pa, tinignan lang naman ako ng napaka cute na si Cj at sumagot pa!
“I’m not crying, did I? “ balik tanong naman niya pero nakita ko naman na pinahid niya mula sa mga kamay niya ang kanyang mahulog ng luha. Naawa naman ako kaya ako na ang pumunas sa kanyang luha gamit ang aking darili.
“No need to cry again ok? It’s ok naman If you crying but not always and no reason, ok ba Cj? “ sabi ko sa kanya at niyakap ko pa siya, mukha naman natuwa siya sa sinabi ko at dahil doon pumasok na kami sa loob ng Ladies room. Ok lang naman dahil bata pa naman s Cj.
Nabigla pa ang mga tao sa loob ng C.r hindi ko alam kung saan sila nabigla sa Uniform ko ba
O sa batang hawak-hawak ko. Yung iba naman namangha pa sa nakikita nila, samantalang si Cj ‘to siya seryoso ang mukha!
“Omg ang cute nang bata, anak mo miss? “ tanong nang isang asyosera. Nabigla naman ako dahil biglang sumagot ang batang hawak-hawak ko, akala ko tahimik na.
“No she’s my girlfriend! “ Matigas n’yang sagot kaya naman hindi maiwasan ang iba na matawa sila sa sagot ni Cj. Ako din naman nabigla sa kanyang sinabi. At ang mga tao sa loob nagtawanan na, kaya naman namula pa ang aking mukha sa sinabi ni Cj. Ngumiti nalang ako sa kanilang lahat, grabe ang batang to hindi ko matake ang ugali. Napa iling nalang ako.
Sa wakas tapos na kami sa Cr pero ang bata ayaw bumalik sa loob, ang seste galit daw siya sa Daddy niya, ganito kasi yun pagkatapos ang c. r moment namin ay may conversation pa kami dahil subrang arte niya talaga mga ses!
“Ok Cj we going back to your table hah, maybe your uncle is waiting for you, “ sabi ko sa kanya pagkatapos niya sa Cr, ngunit sinagot naman ako na para siyang boss!
“No, I don’t want to go back there, I don’t wan’t to see them faces, “ sagot naman saakin akala mo may hinanakit siya sa mga tao na ayaw daw niyang makita, medyo nalungkot pa ako sa sagot ng bata,
“Nope Cj maybe they worry about you. Specially your Daddy, because were too long here already, so, lets go ok, “ Pagpapaintindi ko pa, kahit alam ko naman bata lang siya, ayaw ko naman siyang konsintihin isa pa ako ang sagot sa batang to, baka magalit ang Ama niya saakin kapag hindi ko na ibalik agad ito sa kanilang table.
“ My Dad his never be worry about me, He has always busy his work, he doesn’t have time to me as well, “ May himig sa na lungkot ang sagot ni Cj saakin, Para siyang may isip kung magsalita at sumagot saakin, naawa ako sa kanya at niyakap ko siya sabay haplos sa kanyang likud.
“Ok, if you want to stay here, I’ll stay with you, but don’t say again that your Dad doesn’t love you or care about you, because of course, all parents love their children, so don’t think that your Dad doesn’t love you, Cj, because he does.“ sabi ko sa kanya na para bang sure ako sa sinasabi ko mukha naman nabenta sa bata ang sinabi ko. Ngunit pansin ko lang maubusan na ako nang english na baon sa batang ito dios ko naman!
“Ok, stay then, “sa haba ng sinabi ko ‘to lang ang sagot saakin. Naawa naman ako sa kanya kaya pumayag na din ako, bahala nalang mamaya total nasa hotel naman kami.
“Nasaan kaya ang Mommy ni Cj? “ tanong ko sa sarili ko allangan naman na tanungin ko ang bata baliw din ako E’
“Cj do you understand tagalog? “ Maya-maya tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta kung saan ako dalhin ng bata mukha naman kabisado niya ang pasikot-sikot sa loob ng hotel.
“Yeah I understand kunti, but I can’t talk properly, why? “ Sagot naman saakin na pakunot noo na naman siya, nabuhayan naman ako ng loob dahil du-dugo na ang ilong ko sa kaka english sa batang to E’
“Hay salamat naman kanina pa kaya ako kuma kapa sa kaka english ko sayo noh, “ reklamo ko sa kanya, at ang bata natawa pa siya sa sinabi ko, mukhang naiintindihan nga niya ang tagalog. At nabigla naman ako para akong na inkanto sa tawa n’ya alam mo yung pakiramdam na mula seryoso na bata tapos laging galit ang mukha na akala mo pasan ang buong daigdig ngayon lumalabas na ang pagka bata niya. Kaya nagpatuloy ako sa kaka-daldal ng tagalog.
“Kung hindi pa kita tinanong kung nakaka intindi ka ng tagalog naku baka maubusan na ako nang tanong sayo, kasi naman Cj english yun hah! Ang hirap kaya, magiging pepi na ako kapag nagkataon, “ dagdag ko pa at humagikgik na naman, tignan mo tong batang ‘to, akala mo naman naiintindihan n’ya ako lahat ng sinasabi ko, ngunit napatigil siya sa paglalakad at tiningala ako,
“Hmmp, what is PEPI? “ maya-maya tanong niya saakin na akala mo naman ngayon lang niya narinig ang salitang yun.
“Ah, eh, hindi ko din alam eh pero tatanungin ko bukas sa kaibigan ko kung ano ang english ng pepi hah matalino yun eh, “Biro ko sa tanong niya, mukhang hindi naman ako na gets kasi seryoso na naman siya,
“Ok then” sabi lang niya saakin, nakaupo na kami ngayon sa isang couch dito sa labas ng hotel, ng may narinig ako na kaluskos sa kabilang dulo nang kina-uupuan namin. Alam ko naman na safe dito, kaya binaliwala ko ang kaluskos na yun sa dulo, siguro may naglalaro lang na mga bata,O kaya naman mag syota ganern!
“Cj halika na, baka hinihintay na tayo ng Daddy at Tito mo, saka hindi kapa kumakain, “ Naalala ko pala hindi pa siya kumain, medyo late na nakonsyensya tuloy ako, kaya hindi pwede na magtagal kami dito. Kailangan ko siyang maibalik sa loob sa ayaw at gusto niya.
Sana naman ngayon makinig siya saakin. Ngunit tumingala na naman siya saakin na may lungkot ang kanyang mga mata. Nahabag naman ang aking damdamin sa mga titig niya.
“ Can I see you again tomorrow, I promise I eat my dinner, but you promise me, you show me tomorrow please, “ nakiki-usap niyang sabi saakin. Ano pa nga ba magagawa ko, eh bata eh eto na nga ba sinasabi ko. At pumayag naman ako sa gusto ni Cj.
“Ok, I’ll see you tomorrow then, but_! ” Pambibitin ko sa kanya, napa kunot na naman ang noo saakin, tignan mo ang bilis mag iba ng mood ng batang to!
“But what? “ tanong n’ya eto na naman parang matanda na naman siya kung magsalita, grabe talaga ang batang to, pero kaya ko naman siyang sakyan.
“Um, pwede ba hapon kasi may work ako eh, saka wag kang parang matanda kung sumagot saakin, pwede ba yun? “ sagot ko na napangiwi pa ako sa kanya, Sana naman pumayag para walang problem.
“Hmmp_? “ Sagot ni Cj saakin, at nilagay pa ang daliri n’ya sa kanyang baba, na akala mo nag iisip pa hah! Infairness talaga sa batang to, aliw na aliw talaga ako!
“Ano na ang disisyon mo? Dali na! “ Pakunwari ko naman na excited sa kanyang sagot,
Tinignan niya muna ako bago nagsalita akala mo pinag-isipan mabuti ang isasagot saakin.
“Ok but you promise show me in the afternoon or else_! ” Pambibitin din n’ya saakin, parang ginaya pa ako kanina hah! Batang to! Pero natuwa naman ako sa inasta niya, hindi naman siya naka-asar nakakatuwa nga E’
“Ok Master promise, but behave ah, “ nasabi ko sa kanya at niyakap pa ako, para naman natunaw ang puso ko sa ginawa ni Cj saakin dahil hindi ko inasahan na siya ang unang yumakap saakin. Hindi ko na napigilan ang maluha sa galak, kaya naman gumanti ako ng yakap sa kanya. Hindi ko maintidihan ang sarili ko dahil masyado malapit ang loob ko sa batang to. Kahit ngayon lang kami nagkita.
Pabalik na kami sa restaurant kung saan namin iniwan sila Mr & Mrs. Santos pati ang tito niya, pero wala nang tao doon maliban lang kay Sir Michael. Na halata naman na si Cj ang kanyang hinihintay. Habang may ka tawagan siya sa kanyang Cellphone.
At nung nakita na kami lalo na kay Cj ay tumayo siya at binulsa na ang kanyang cellphone,
“oh andito na pala kayo? Thank you miss sa pagsama kay Cj, “ pasalamat niya saakin, ramdam ko naman ang sincere niyang pasasalamat saakin.
“Naku Sir, walang anuman, maliit na bagay lang, isa pa mabait naman si Cj, right Cj? “Sagot ko sa kanya sabay sulyap si Cj, tumango naman ang bata. At eto na naman ang kanyang Tito parang na bigla na naman sa pamangkin niya, ngunit kalaunan ay ngumisi na naman, may alam talaga ako na ngisi na ganun E’ hindi ko lang talaga matandaan kung saan at kailan.
“Ok lets go Cj, Thank you again miss, “ Nakangiti ng sabi ni Sir Michael saakin at kunin na sana ni Sir Michael ang kamay ni Cj, ngunit mahigpit ang pagkahawak niya saakin, na akala mo ayaw niyang bitawan ang aking kamay. Nagtaka naman ang kanyang Tito sa inasta ng kanyang pamangkin. At naalala ko kakain pa pala ang bata.
“Ahm Sir, kakain pa daw siya, kaya ayaw pa niyang umuwi, “ nahihiya kong sabi kay Sir Michael at mukhang nagtaka na naman, puro nalang pagtataka ang mukha nito kanina pa siya noh!
“Ow, really? “ mangha pa nyang sagot na akala mo naman may bago sa nangyayari,
“Yes Sir, hindi pa kasi siya kumain kanina, “ paalala ko sa kanya, dahil mukhang nakalimutan niyang pakainin ang kanyang pamangkin at i paalala ko.
“Are you sure Cj you want to eat? “ tanong niya kay Cj, tignan mo ang taong to, tatanungin pa ang bata E’ ano kapag sinabi ng bata na ayaw niyang kumain e di hindi na rin kakain ganun?
Ngunit si Cj ay tumango sa kanyang Tito, at agad naman nag order ng pagkain ni Cj, take note hah binantayan ko pa si Cj dahil yun ang kanyang request. Wala din naman akong nagawa kundi pumayag.
At kumain nga ang bata, naubus nga n’ya ang isang order na chicken potato with cheese at itong Tito niya naman kanina pa manghang-mangha, na akala mo ngayon lang kumain ang bata, at ka nga-nga pa ang luko! Hindi ko maiwasan ang matuwa sa itsura ni Sir Michael.
Hangang natapos na ni Cj ang pagkain niya naka nga-nga parin ang Tito niya kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko na magsalita kasi naman po gabi na, uuwi pa ako!
“Ehem, Sir yang bibig niyo po papasok na ang langaw, “ pabiro kong sabi kay Sir Michael dahil hangang ngayon naka bukaka parin ang bibig!
Kaya naman si Cj humagikgik ng tawa at mas mabilis pa sa kabayo tumakbo sa ginawa ng tito niya na kinuha ang phone at agad na kinuhanan si Cj ewan ko lang kung picture or video kasi mabilis parang ayaw ipa halata sa bata ang ginawa n’ya. Samantala patuloy parin naman ang hagikgik ni Cj.
Nakalabas na kami sa labas ng hotel, papunta na daw sila sa Pen house pero may hirit pa ang Tito ni Cj saakin.
“Ahm, as I remember miss, hindi ko pa alam ang pangalan mo, pwedeng malaman? “ Nahihiya pa niyang tanong saakin sabay lahad ang kamay, ako tuloy yung na akward, mukhang mabait naman si Sir Michael,
“Sharon Sir, maikli kong sagot sa kanya at makikipag kamay na sana ako kaso biglang pumagitna ang bata, at biglang napahagalpak nang tawa si Sir Michael. Napailing nalang ako kay Cj.
“Possessive buddy,? “ Biro ni Sir Michael sa pamangkin niya at ginulo ang buhok kaya naman sinamaan na naman siya ng bata ng tingin pero balewala naman kay Sir Michael ang inasta ng pamangkin sa kanya siguro sanay na.
“Ok miss, we go a head, ihahatid na sana kita kaso ayaw mo naman, “ sabi pa saakin, oo nag presenta siyang i hatid ako kaso sabi ko malapit lang naman ang tinutuluyan kong bahay.
“Ok lang yun sir, malapit lang naman ang tinitirhan ko dito, “ nahihiya kong sagot sa kanya, hindi nga ako nagkamali katulad din siya ni Miss Tam na mabait. Naalala ko kasi sa kanya si miss Tam.
“Ok then, see you when I see you, “ sagot niya saakin. Pagtingin ko sa bata malungkot na naman ang mukha kaya hindi ko napigilan ang aking sarili at napa yakap ako sa kanya.
“Wag ka nang malungkot Cj. Magkikita naman tayo bukas, smile na Master, “ pabiro ko pa sa kanya nung kumalas ako sa yakap at nag liwanag naman ang mukha agad, kaya naman nakaginhawa narin ang aking pakiramdam.
Pero pansin ko ‘tong kasama namin na lalaki kanina pa yung mukha niya puro nalang gulat parang ngayon lang siya nakakita ng ganitong eksena.
“Sige na Cj ba-bye na dahil mukhang nawawala sa katinuan ang Tito mo, mag iingat ka d’yan! “
Nilakasan ko pang sabi kaya naman ang luko humagalpak na naman nang tawa akala ko ma offend sa sinabi ko ngunit kabaliktaran naman dahil ito nga, hindi na matapos tapos ang kanyang tawa, pati si Cj nakiki tawa na rin, ako na ngayon ang naka nga-nga sa kanilang itsurang dalawa!