Sabado at nasa bahay na nila Daniella si Bree. "Mali hindi ganyan!" stress na sigaw ni Bree kay Daniella. Lumapit ito at tinulak ng bahagya ang likod niya. "Paano ka mananalo kung paglakad lang ay hindi mo pa magawa." "Ang taas naman ng takong ng sandals na 'to. Ganito ba talaga ang mga sinusuot ng mga sumasali sa pageant?" tanong niya habang nakataas ang isang paa niya at sinusuri ang sandal niyang suot. "Alam mo namang mag-flats lang sila. Ano 'yon mukhang namasyal lang sila sa mall o park." Kumunot ang noo niya. "Bakit iba ba ang paglalakad ng candidate sa mga pageant?" Tamad siyang tiningnan ni Bree. "Oo magkaiba dahil hindi simpleng pagrampa lang ang ginagawa nila may kasama ding confidence at pag flex ng body shape nila at sa mukha makikita mo rin na isa silang candidate para s

