Kinabukasan halos maghapon tinuruan ni Bree si Daniella mula sa paglalakad at kung paano ang mukha ng isang beauty queen pag ito'y nagsimula nang maglakad sa stage. Ngayon naman ay sample question ang itatanong ni Bree kay Daniella bilang practice dahil sigurado na may magbibigay na mga katanungan sa school pageant. Nakaupo si Bree at si Daniella ay nakatayo at nakapatong ang kamay sa bewang niya. "Sample question 'to Daniella kailangan kahit paano maganda ang sagot mo kahit wala ka pa sa mismong stage, okay." Tumango lang siya kay Bree at pinanindigan ang pagtayo ng ala-beuty queen. "Okay here's the question. "If you are the one who win and bring home the crown for The Most Beautiful Woman. Do you think you deserve it and why?" Ang ngiti sa labi niya ay unti-unting nawawala sa tanong

