Samantala si Alexa ay parang gustong lumabas pero nagdadalawang isip siya. "Lalabas ba ako o hindi?" tanong niya sa sarili. "Pero gusto ko ng mainit na sabaw. Ubos na ang stock ng noodles na binili ni Lexie." Sa huli nagdesisyon siyang lumabas na ng bahay para bumili ulit sa mall na pinuntahan niya noong nakaraan. Sa oras na lumabas muli siya ng bahay ay ito na ang pagkakataon na maaari ng makita ni Alexa ang mga litrato ng librong hawak niya na nakadikit sa poste ng ilaw sa mismong dadaanan niya. Halos ilang hakbang na lang ay makikita na niya ang mga ito nang may biglang bumangga sa katawan niya na tao. Itinayo siya nito at tinanong, "Okay ka lang ba?" Hindi nakasagot si Daniella dahil sa oras na naglapat at nagkatitigan ang mga mata nilang dalawa ay parang hindi na niya maalis ang pa

