Nakarating na sa bahay si Alexa na hindi niya talaga napansin ang mga litrato sa poste ng kuryente kaya matiwasay na naka-uwi ito na hindi nag-aalala kung sakali man na nakita niya ito. Ngunit pagkababa niya ng pinamili niya ay nakaramdam siya ng hindi maintindihan. "Bakit parang weird ng pakiramdam ko ngayon? Feeling ko may mangyayari sa akin pero hindi ko alam kung ano," nalilito niyang saad kaya pinalis na lang niya ito sa isipan niya at inayos na lang ang mga grocery niyang binili. Samantala sa bahay ni Victor ay nakatingin lamang siya sa labas ng bintana at tila kay lalim ng iniisip. Napansin ito ni Lucas, kaya tumabi siya sa kanyang lolo at nagtanong.."Lolo okay lang po kayo?" Lumingon sa kanya ito at bahagyang ngumiti. "Oo naman, bakit?" "Napansin ko po kasi na parang ang layo n

