Samantala ang dalawa na si Bree at Alexander ay kanina pa hindi nagsisimulang mag-usap sa gusto nilang gawin na disenyo. Kunwaring umubo si Alexander para basagin ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “May naiisip ka na bang disenyo para sa gagawin natin,” tanong niya kay Bree. Seryoso siya nitong tiningnan. “Frame,” maigsi nitong sagot. Kumunot ang noo niya. “Frame ng picture?” Tumango si Bree bilang sagot. “Anong gagamitin kung ganon?” “Recycle paper, glue at isang kahoy na malapad na sakto lang sa isang litrato, puwede rin may salamin, pero huwag na lang mahirap humanap ng size depende na lang kung bibili tayo ng frame at kukunin ang salamin.” “Puwede naman, bibili na lang ako ng picture frame at kukunin ang salamin, pero paano magiging isang frame ang papel?” “Ako ng bahala

