Sumapit na ang sabado at nasa plaza na sila Daniella at William, pero wala pa ’yong dalawa. Kumunot ang noo ni William dahil kanina pa lingon ng lingon sa paligid si Daniella. “May hinahanap ka ba?” Gulat sa kanyang tumingin si Daniella. “A-ano wala naman.” Sabay ngiti nito. “Bakit kanina ka pa hindi mapakali?” “Wala ’to, mag-umpisa na lang tayo.” Kinuha ni Daniella ang mga popsicle stick at glue. Pinagmasdan na lang niya ang ginagawa nito, pero tumitingin pa din ito sa paligid kaya sigurado siyang may hinihintay ito. “Sa palagay ko may hinihintay ka, sino?” Ibinaba ni Daniella ang mga hawak niya. “Sila Bree.” Kumunot ang noo niya. “Sila Bree?” “Oo dito daw sila gagawa ng project kasama si Alexander.” Lalo pang kumunot ang noo niya ng sabihin nito ang pangalan na Alexander. “Si Al

