Sa mukha ni Glen ay halatang hindi naintindihan ang sinabi niya. "Barrier?" "Oo taga-pigil sa tuwing binabalak na niyang sabihin kay Ryan ang feelings niya, lagi akong na sa paligid at sa tuwing balak na niyang lumapit kay Ryan ay saka ako papasok sa eksena." Pinaling ni Glen ang ulo sa kanan at sa una ay hindi nito naintindihan ang sinabi ni Jack. Bigla nitong tinapik ang table niya. "Isa kang kabute noon ganon, pambihira!" Napangiti siya. " 'Yan din ang sabi niya noon." "Bilib na ko, hindi ko alam na magagawa mo 'yon dahil sure ako na maraming babae na nagkakagusto sayo, kung sa mukha lang ang labanan nakikipag-agawan ka ng puwesto sa The Most Handsome sa school niyo." "Hindi naman." "Kunwari ka pa, pero Jack ito lang masasabi ko. True love nga 'yan hindi na simpleng high school c

