Ibinaba ni Alexa ang ballpen niyang gamit matapos ang scene na nagtataka si Daniella kay Charice. "Naku Daniella, mukhang may kaagaw ka kay William." Sabay ngiti niya habang nakatingin sa libro. "Pero huwag kang mag-alala ako ang bahala sayo dahil nasa akin pa rin ang desisyon kung ano ang mangyayari sa lovelife niyong dalawa ni William, pero syempre maglalagay lang ako ng scene na medyo magpapagulo sa inyo." Nag-inat siya at minasahe ang kamay niya na gamit sa pagsusulat. "Magpapahinga muna ako sandali at babalik ako mamaya. Ang sakit na ng kamay ko sa pagsusulat!" sambit sa sarili bago lumabas ng kwarto. Samantala sa isang mataas na building ay may isang lalaki na busy sa pagbabasa ng document at mukhang may hinihintay ito. May nagbukas ng pinto ng opisina niya at ang kanyang secretary

