Naudlot ang pagsusulat muli ni Alexa ng biglang tumunog ang telepono niya. “Hello!” “Hello! Alexa pabalik na ko diyan, tapos na ang bakasyon ko sa probinsya. Puwede bang magluto ka ng pagkain wala pa kasi akong kinakain diretso agad ang uwi ko diyan at hindi na ako bumaba sa bus para kumain sa daan.” “Okay sige, walang problema. Ingat ka sa biyahe. Malapit ka na ba?” “Oo mga one hour na lang siguro ang biyahe ko bago dumating diyan.” “Sige magluluto na ako.” “Salamat!” Binaba na ni Lexie ang tawag sa phone at lumabas na ng kwarto si Alexa para humanap ng puwedeng lutuin. Sa paghahanap niya ng puwedeng lutuin, repolyo lang ang nakita niyang gulay, naisip niya na lagyan na lang ito ng sardinas na maanghang at konting tubig. Mahilig naman silang kumain ng gulay kaya kahit anong luto ay

