Samantala si Alexa naman sa kahihintay kay Lexie ay lumamig na ang niluto nito, kaya naman iinitin niya ulit, pero ng tikman niya ang niluto niya ay nagtaka siya kung bakit walang lasa. Kumunot ang noo niya. “Bakit walang lasa?” Saka lang siya napatingin sa lagayan ng asin. Napatampal na lang siya sa noo niya. “Nakalimutan ko ang asin kaso wala ng stock dito mukhang kailangan kong lumabas at bumili na kailangan ko pang maglakad ng ilang minuto.” Napailing na lang siya. Sinigurado muna niyang nakapatay ang apoy bago siya lumabas. Naglagay siya ng tela sa kanyang ulo dahil mainet sa labas. Samantala si Jack ay malapit na sa lugar kung saan nakatira si Alexa. Nag-ring ang cellphone niya, pero ang mata niya ay umiikot sa paligid ng kalsada. Ilang beses itong tumunog kaya napilitan na siyang

