Kabanata 5

1283 Words
"Ganon ba sige at susunod na lang ako," sagot ni Daniella pero mukhang hindi nagustuhan ng nanay niya ang kanyang naging sagot kaya gamit ang kamay nito ay piningot ang tenga niya. "Aray, aray! Nay naman kagigising ko lang." "Tumayo ka na diyan at kumain bago ka pumasok ang tagal-tagal mong gisingin na bata ka daig mo pa ang mayaman na mayroon mga katulong na kailangan pang gisingin sa umaga!" Habang nagsesermon ang nanay ni Daniella, siya naman ay bumangon na habang hindi ito nakatingin sa kanya at lumabas ng kwarto dahil ang sakit sa tenga ng sermon nito na paulit-ulit na lang. "Si Nanay talaga dinaig pa ang alarm clock sa sobrang ingay, pero in fairness effective." Nakangiti pang pumunta siya ng kusina. Habang kumakain si Daniella ay bumaba na ang nanay niya at pumunta ng kusina kung nasaan siya. "Ikaw na bata ka kinakausap pa kita nilayasan mo na naman ako!" "Kasi naman nanay ang aga ang ingay mo." Kumunot ang noo nito. "Dapat lang ng magising ka, nakita mo na ba ang orasan late ka na sa klase mo." Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa pader, pero ng na-realize niya na 30 minutes na lang ay magsasara na ang gate ng eskwelahan ay sinubona niya ng sabay-sabay ang hotdog at kanin, halos nilulunok na lang niya ito at hindi na nginuya. Tumakbo siya papasok ng banyo at naligo ng mabilis, nag-ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto at nagpaalam sa nanay niya. Ang eskwelahan ay malapit lang talaga sa bahay nila Daniella, pero kung hindi maagang mag-uumpisang maglakad ay late ang aabutin niya, kaya ngayon ay lakad takbo ang ginawa niya maka-abot lang sa tamang oras. Saktong pagdating niya sa harap ng gate ng eskwelahan ay isasarado na ito ng guard. "Wait Kuya!" sigaw niya habang nakataas pa ang kamay. Nakita siya kaagad ng guard na si Mang Tony. "Walang pinagbago Daniella late ka pa rin hanggang ngayon. Pasok na mag-uumpisa na ang klase mo." "Salamat Mang Tony." Kumaway pa siya bago tumakbo papunta sa classroom niya at saktong wala pa ang una nilang teacher. Umupo siya katabi ni Bree ang bestfriend ni Daniella. "Buti nagising ka pa?" Inirapan niya naman si Bree. "Malamang buhay pa ko ngayon nakikita mo nga ako 'di ba?" Bumuntong-hininga si Bree. "Hanggang ngayon pilosopo ka pa din. Ang ibig kong sabihin buti nagising ka pa dahil kung hindi unang klase absent ka agad." "Salamat na lang sa maingay kong nanay kung hindi absent talaga ako ngayon." Natigil na ang dalawa dahil pumasok na sa classroom ang teacher nila. "Good morning class gusto ko lang sabihin na sa section na ito ay kayo rin ang magkaklase noong third year high school pa lang kayo, pero not this time dahil meron madadagdag sa inyo." Nagtaka ang section nila Daniella, ang section C, dahil halos sa apat na taon kasama na ang year na 'to ay kilala na niya ang mga classmate niya dahil walang pinagbago ito. "Daniella ano sa tingin mo transferee kaya ang bago nating classmate?" tanong ni Bree. "Hindi ko alam tingnan na lang natin." Lumingon ang teacher sa labas, sa pinto mismo. "Iho puwede ka ng pumasok." Ilang minuto bago ito pumasok, pero parang huminto ang mundo ni Daniella ng nakita niya kung sino ang magiging bago nilang kaklase ng dahan-dahan na itong pumasok. "Introduce yourself," sambit ng teacher nila. "Good morning, I'm William." Maikling sinabi lang nito. Napansin naman ni Bree na hindi na siya gumagalaw, kaya naman hinawakan nito ang braso niya at inalog. "Mukha kang tanga diyan!" "Bree sabihin mo panaginip lang ito at hindi totoong magiging classmate na natin si William." "Panaginip lang talaga 'to dahil tulog ka pa at hindi ka pa gising." Sinamaan niya naman ng tingin si Bree. "Sabi mo sabihin kong panaginip lang 'to sumunod lang naman ako, pero Dan sa tingin mo bakit siya nalipat dito. Ang talino niya 'di ba first hanggang third year ay na sa section A siya, pero bakit ngayon na sa last section siya, nakakapagtaka 'di ba?" Tumango-tango naman siya at muling tumingin sa harap pero sakto naman na lumingon siya sa harap ay nakita niya na sa gawi nila ni Bree ito nakatingin kaya naman siya ay parang na stroke na sa upuan. Nang magsalita ulit ang teacher saka lang binaling ni William ang tingin paharap sa ibang estudyante. "Nagtataka siguro kayo kung bakit narito si William Franco dahil alam niyo naman siguro na isa siya sa pinakamatalino na estudyante sa batch niyo. Ang totoo niyan ay mayroon program na isa sa inyo ang puwedeng maging tutor si William kaya siya narito bubunot siya sa index card na puwede niyo ng gawin ngayon. Maglabas kayo ng isang index card at isulat ang mga pangalan niyo then past the papers, sa last row pa punta sa harap then ibigay niyo na sa akin, maliwanag ba?" "Yes ma'am," sagot ng ibang estudyante. Sumulat silang lahat sa index card at ibinigay sa teacher nila. "Okay William, pick one index card, and the name that indicate in that paper ay sabihin mo ng malakas kung sino ang nabunot mo." Dahan-dahan na pinapadaan ni William ang mga daliri niya sa mga index card pero habang ginagawa ito ni William, si Daniella naman ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman ngayon. Bumunot na ito at pinakatitigan ang papel, halos lahat ng estudyante na babae ay hinihiling na sila ang mabunot dahil bukod sa matalino ito ay napaka gwapo rin kahit hindi ngumingiti. "Daniella Sanchez," biglang sambit ni William at mukhang hindi ito narinig agad ni Daniella. "Hoy! Ikaw ang napili." Sabay alog ni Bree sa balikat niya at naguluhan kung bakit. " Saan?" Nagsalubong ang kilay ni Bree habang nakatingin sa kanya. "Baliw ikaw ang napili para maging tutor si William. Ikaw kung saan-saan napapadpad ang utak mo makinig ka nga!" Lumingon siya sa harapan at saktong naglapat ang paningin nila ni William. Kaya si Daniella ngayon ay parang bato na dahil hindi na siya nakagalaw maging ang pagpikit ng talukap ng mata ay hindi na niya nagawa. "Dan, okay ka lang baka mahipan ka ng hangin at maging ganyan ka na lang forever?" Natauhan naman siya at muling tumingin kay William pero hindi na ito nakatingin sa kanya. "Okay class back to your sit at mag-uumpisa na tayo mag klase, and William umupo ka na sa right side ni Miss Sanchez katapat niya." Tila huminto ang mundo para kay Daniella sa sinabi ng teacher nila dahil ang pagitan lang nila ni William ay limang dangkal lang ang layo. Umupo na si William at tumingin sa harapan habang si Daniella naman ay hindi maalis ang tingin sa binata dahil ang tingin niya ay ito na ang best year niya sa high school bago pa siya magtapos at umalis sa paaralan nila. Simula kasi na naging estudyante si Daniella ng eskwelahan ng Guardian Senior Highschool, first year pa lang ay may crush na siya kay William at lagi siyang gumagawa ng paraan para mapansin lang nito, pero nagdaan ang taon at fourth year highschool na sila ay wala pa rin talagang sign kung may pagtingin na rin ito kay Daniella. Nagdaan ang iba pang subject nila Daniella bago naghanda para umuwi pero habang inaayos niya ang gamit niya ay biglang lumapit si William sa kanya. "Pagkatapos mo diyan sumunod ka sakin." Tumalikod na ito at lumakad paalis. Naguluhan man ay sumunod na rin siya. Halos malayo na rin ang nalakad ni William ng huminto ito sa isang upuan malapit sa basketball court sa loob ng eskwelahan. Humarap ito kay Daniella at nag-umpisang ipaliwanag kung ano ang magiging set-up nilang dalawa. "About sa pagtuturo ko sayo meron lang akong ilang rules para hindi tayo magkaroon ng problema."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD