Kabanata 15

1142 Words

Si Lexie naman ang na sa kabilang linya, "Hello, Alexa buti gising ka na. Pasensya na hindi na ako nakapagpaalam bago ako umalis, tulog na tulog ka pa kasi kaya hindi na kita inistorbo." "Pumasok ka lang naman sa trabaho 'di ba bakit magpapa-alam ka pa sa akin?" litong tanong niya. Hindi naman kasi minsan nagpapa-alam si Lexie sa kanya o tumatawag na umalis na siya ng bahay para pumasok sa trabaho, ngayon lang. "Wala ako sa trabaho nasa probinsya ako. Dito muna ako pansamantala kaya ikaw lang muna mag-isa diyan sa bahay hanggang makabalik ako." Kumunot ang noo niya. "Nagbakasyon ka?" "Parang ganon na nga dahil humiling si lola na magbakasyon na muna ako rito, bumili na rin ako ng stock natin diyan ng pagkain bago ako umuwi para hindi ka na lumabas. Alam kong nagsusulat ka kaya bumili n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD