Chapter 05

1403 Words
Eksaktong alas-diyes nang pumasok si Alessandra Valderama sa Eclipse. Wala pa ang makukulay na ilaw at malakas na musika na karaniwang bumubuhay sa club tuwing gabi. Bukas ang lahat ng ilaw sa kisame, kaya kitang-kita ang mga bakanteng mesa, gintong dekorasyon, at dance floor na kailangang ayusin bago ang reopening. Nakasuot si Alex ng puting blouse, itim na pantalon, at mababang sapatos. Nakatali ang buhok niya at may dalang makapal na folder. Walang haplos ng makeup ang mukha niya maliban sa simpleng lipstick. Hindi siya mukhang babaeng pumunta para magpapansin. Mukha siyang handang magtrabaho. “You’re early,” nakangiting bati ni Jack habang lumalapit sa kanya. “I’m exactly on time,” pormal na sagot ni Alex matapos tingnan ang kanyang relo. “Ikaw ang maagang dumating, Mr. Montenegro.” “Jack,” mariing sabi niya. “Mas mabilis sabihin.” “Mr. Montenegro ang pangalan mo sa kontrata,” malamig na tugon ni Alex. “Saan tayo magsisimula?” Hindi napigilan ni Jack ang mahinang pagtawa. Maraming babae ang gumagamit ng anumang dahilan para tawagin siya sa unang pangalan. Ang babaeng nasa harap niya ay tila gumagawa ng pader sa bawat salitang binibitawan nito. Hindi siya nasaktan. Sa halip, lalo siyang natuwa sa kakaibang laban. Inilibot niya si Alex sa buong club. Itinuro niya ang VIP area, main bar, private lounges, at bagong stage. Habang nagsasalita siya, mabilis na nagsusulat si Alex at paminsan-minsang kumukuha ng litrato. Hindi ito tumitingin sa kanyang katawan o mukha. Nang yumuko siya upang ipakita ang floor plan, bahagyang lumayo si Alex para magkaroon sila ng sapat na pagitan. “Ayaw mo bang lumapit?” mapang-asar na tanong ni Jack. “nakikita ko naan ang plano mula rito,” seryosong sagot ni Alex. “At mas nakakapag-isip ako kapag walang nanggugulo sa personal space ko.” “I make you uncomfortable?” mausisang tanong niya. “No. You make the meeting longer.” Napangiti si Jack. “You really don’t like me.” “Hindi requirement sa trabaho na gustuhin ko ang client,” matatag na paliwanag ni Alex. “Ang kailangan ko ay maintindihan ang gusto mo at matapos ang event nang maayos.” Sa loob ng dalawang oras, hindi niya nabasag ang pagiging pormal ni Alex. Kahit inalok niya ito ng tanghalian, tumanggi ang babae dahil may susunod pa raw itong client meeting. Agad nitong tinawagan ang team at isa-isang ibinigay ang gagawin nila. Malinaw ang bawat bilin. Walang sigaw, walang pagmamaldita, ngunit halatang sanay itong mamuno. “Babalik ako sa Thursday para sa lighting test,” sabi ni Alex habang isinasara ang folder. “Bukas, ang team ko ang kukuha ng measurements.” “Hindi ka kasama?” tanong ni Jack bago niya napigilan ang sarili. “May ibang project ako,” simpleng sagot nito. “Hindi lang ikaw ang client namin.” “I pay more than your other clients.” Tumigas ang mukha ni Alex. “Binabayaran mo ang company para sa serbisyo namin. Hindi mo binibili ang buong oras ko.” Iniwan siya ni Alex na nakatayo sa gitna ng club. Sa halip na mainis, nakaramdam si Jack ng kakaibang excitement. Hindi ito katulad ng mga babaeng nagpapanggap na mahirap kunin pero naghihintay lamang ng tamang alok. Walang paanyaya sa mga mata ni Alex. Walang lihim na ngiti. Para rito, trabaho lamang talaga ang lahat. Kinagabihan, bumalik ang dating buhay ni Jack. Puno ang Eclipse ng musika, alak, at mga babaeng sabik mapansin niya. Isang morenang babae na nagpakilalang Trisha ang lumapit sa VIP table at walang pag-aalinlangang umupo sa tabi niya. “I’ve been watching you all night,” malambing na sabi ni Trisha habang inilalagay ang kamay sa kanyang braso. “Then you wasted too much time watching,” nakangiting sagot ni Jack. “Maybe I was waiting for you to notice me.” “I noticed you the moment you entered.” Hindi na kailangan ni Jack ng mahabang usapan. Bago matapos ang gabi, magkasama silang umalis ng club. Walang pangako, walang tanong tungkol sa kinabukasan, at walang numerong kailangang itago. Pagsikat ng araw, magalang niyang ipinahanda sa driver ang sasakyan ni Trisha. Sanay siya sa ganitong buhay. Wala siyang dahilan para baguhin iyon. Kinabukasan, dumating sa Eclipse ang apat na miyembro ng Lumina team. Wala si Alex. Sinubukan ni Jack na huwag pansinin iyon habang nakikipag-usap sa manager, ngunit dalawang beses siyang napatingin sa entrance. “Nasaan ang boss ninyo?” kaswal na tanong niya kay Nina. “May wedding setup po siya sa kabilang city,” magalang na sagot ni Nina. “Kami na raw ang bahala rito.” “She trusts you that much?” “Yes, sir. Pero chine-check niya lahat kahit hindi siya present.” Tama si Nina. Makalipas ang ilang minuto, tumunog ang telepono nito. Si Alex ang tumatawag. Narinig ni Jack ang maayos nitong mga bilin mula sa speaker. Tinanong nito ang eksaktong sukat ng stage, kulay ng ilaw, at oras ng delivery. Ni minsan ay hindi nito tinanong kung nandoon si Jack. “Sabihin mong kausapin niya ako,” utos ni Jack kay Nina. Nag-alangan si Nina bago nagsalita sa telepono. “Alex, gustong makipag-usap sa iyo ni Mr. Montenegro.” “May problema ba sa design?” mahinang tanong ni Alex mula sa speaker. “Wala,” mabilis na sagot ni Jack, lumapit sa telepono. “I’m checking if you still remember your most important client.” Sandaling natahimik ang kabilang linya. “Kung walang problema, kailangan kong bumalik sa trabaho,” malamig na sagot ni Alex. “Nina, send mo sa akin ang measurements. Thank you.” Natapos ang tawag bago pa makasagot si Jack. Napayuko si Nina upang itago ang ngiti. “May nakakatawa?” mahinang tanong ni Jack. “Wala po, sir,” pigil na sagot ni Nina. Sa sumunod na araw, wala na naman si Alex. Ang team lamang nito ang dumating upang magdala ng fabric samples at bagong layout. Nalaman ni Jack na nagtatrabaho si Alex sa dalawang event nang sabay dahil kailangan ng Lumina ang kita. Hindi mayaman ang pamilya nito. Nakatira ito sa maliit na apartment at nagpapadala ng pera sa mga magulang sa San Aurelio. Ngunit hindi ginamit ni Alex ang hirap ng buhay para humingi ng espesyal na trato. Dumadating ito kapag kailangan, ginagawa ang trabaho, at umaalis nang walang reklamo. Gabi ring iyon, kasama ni Jack ang isang blonde model na si Chloe sa hotel bar. Maganda ito, palabiro, at malinaw ang gusto. Karaniwan, sapat na iyon para makuha ang buong atensyon niya. “Your suite or mine?” mapang-akit na tanong ni Chloe habang hinihimas ang kanyang hita. “Mine,” mabilis na sagot ni Jack. Ngunit nang dumaan ang isang babaeng naka-white blouse sa lobby, agad siyang napalingon. Hindi iyon si Alex. Isang hotel employee lamang iyon. Bahagya siyang nainis sa sarili bago muling bumaling kay Chloe. “Someone caught your attention?” nakasimangot na tanong ng modelo. “No one important,” malamig na sagot ni Jack bago inubos ang whiskey. No one important. Iyon ang totoo. Hindi niya nami-miss si Alex. Curious lamang siya dahil hindi niya maintindihan kung bakit tila walang epekto rito ang kanyang pangalan, pera, at reputasyon. Isang laro lamang iyon para sa kanya. Nang sumapit ang Thursday, dumating si Jack sa Eclipse nang mas maaga kaysa karaniwan. Nakaupo siya sa bar habang kunwari ay nagbabasa ng reports. Eksaktong alas-diyes, bumukas ang pinto at pumasok si Alex kasama ang dalawang tauhan. Hindi siya ngumiti nang makita siya. Tumango lamang ito bago inilapag ang kagamitan sa mesa. “Good morning, Mr. Montenegro,” pormal na bati ni Alex. “You finally decided to show up,” bahagyang nang-aasar na sagot ni Jack. “Nasa schedule ang lighting test ko ngayon,” kalmadong paliwanag nito. “Kaya narito ako.” “And if I wanted you here yesterday?” Diretsong tumingin si Alex sa kanyang mga mata. “Then you should have scheduled an appointment.” Bahagyang ngumisi si Jack habang sinusundan ang paglayo nito. Sanay siyang magtakda ng oras kung kailan darating at aalis ang mga babae sa buhay niya. Ngunit ngayon, may isang babaeng siya ang pinaghihintay. Hindi niya iyon gusto. Nasaktan lamang ang pride niya dahil hindi siya nito binibigyan ng pansin. Wala siyang balak mahalin si Alex. Gusto lamang niyang subukan kung gaano katagal bago bumigay ang depensa nito. Para kay Jack, isa itong laro—at sanay siyang nananalo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD