Chapter 23 NICK POV Tumunog ang cellphone ko, at agad kong sinagot dahil kanina pa iba ang aking pakiramdam. Sanay na akong may tumatawag sa akin sa disoras ng gabi pero hindi talaga ako mapakali. Si Tita Ging ang nasa linya, at halatang may kaba sa boses niya. “N-Nick, ano kasi? Si Era! Si Rina! Nakausap mo ba si Era? Susmarya! Ang apo ko! Ano na ang balita kay Rina?” sunod-sunod niyang tanong na parang hinahabol ng kabayo. Pero ni isa ay wala akong maunawaan. “Tita, calm down. I can’t understand–” “Si Rina! Kinidnap ni Lindo!” bulalas ni Tita Ging at para na siyang hihimatayin sa sobrang pag aalala. Maski man ako ay napatulala saglit. Kinidnap daw si Rina ni Lindo? Naghihiganti na yata siya sa akin, sa ginawa ko sa kanya last 4 years ago. “Tita, huwag kayong mag-alala. I’ll do w

