Chapter 22

1068 Words

Chapter 22 ERA POV “Era, I’m giving you an ultimatum. By hook or by crook, kukunin ko ang anak ko!” Hawak hawak ko si Rina sa aking mga bisig habang siya ay natutulog. Pinigilan kong sumigaw, pinilit kumalma. Sobra akong natatakot sa binitawang babala ni Tom sa akin. Humigpit tuloy ang kapit ko kay Rina. Ngayon palang pakiramdam ko ay makukuha na siya ni Tom sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin. Nakakanginig ng tuhod ang sinabi ni Tom. Ano bang laban ko sa kanya? Kaya nga ako nagpaka layo dahil alam kong wala akong laban. “Tom, parang awa mo na-–” Kung kinakailangan na lumuhod sa kanya ay gagawin ko. At ganun nga ang ginawa ko. Habang karga si Rina ay lumuhod ako kahit pa nakatalikod si Tom. Humarap lang siya nang tumunog ang cellphone ko. “Get up Era. You don't have to do that.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD