Chapter 21 (PAUMANHIN SA MAGULONG POV HINDI PA PO SANAY MAGSULAT) TOM POV “He is telling the truth, Era…” Hindi ko na mapigilan na hindi sumabat nang nagiging tensyonado na ang usapan nila Era at ang dati niyang kasintahan na si Lindo. Napatingin si Era sa akin na punong puno ng pagkabigla at pagtataka. “Yes, I’m the mastermind behind this setup. Sorry, hon,” sabi ko habang pababa ng hagdan at papalapit sa kanila ni Rina. Parang nakakita ng multo si Era at hindi magawang makagalaw, ni makapag salita. Pinoproseso pa ng utak niya kung ano ang nangyayari. “Yes, Era. Ako ang naka-isip nito. Desperate na ‘ko. I want you back and my daughter.” “Tom…” Sa wakas at nagsalita na rin si Era. Nakayuko siya at ayaw niyang tumingin sa akin. “Hindi mo siya anak. Akin lang si Rina–” “Tama na E

