Chapter 39

1067 Words

Chapter 39 ERA POV Maaga pa lang ay excited na si Rina na mag picnic sa batis. Maaga pa ay naipahanda ko na kay Manang Dulce ang mga dadalhin namin sa batis. Maganda ang panahon ngayon, bagaman mataas ang sikat ng araw ay malamig ang simoy ng hangin. Ang sarap damhin ng maliliit na braso ni Rina na nakapulupot sa aking baywang habang angkas ko silang mag-ina sa motor. Bumaba na kami nang marating ang bungad ng batis at naglakad patungong looban. Ang anak naming si Rina ay sabik na sabik, palaging tumatakbo at bumabalik sa amin ni Era para magtanong kung malapit na. Kailangan kasi naming iwan ang motor sa bungad at maglakad papasok sa kinaroroonan ng batis. Gaya ng dati, nandoon pa rin ang makapal na mga dahon ng balete na tila yumayakap sa buong paligid ng batis. Ang tubig ay malinaw na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD