Chapter 38 ERA POV “Musta na Savih? Have you missed me?” Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa aking lalamunan. “Ni—ni—niiiiick!” Malakas kong siigaw nang sa wakas ay may boses ng lumabas sa aking bibig. Matapos ang napakahaba at nakakabulahaw kong sigaw na iyon ay bigla na lang akong napabangon sa aking kama. Hingal na hingal. Para akong hinabol ng sampung demonyo. Nagising din si Tom dahil sa hiyaw ko. Binuksan niya ang lampshade sa side table.Hinimas himas ang aking likod para ako ay i-comfort. Para akong nabunutan ng tinik nang makita si Rina na nasa single size bed nito at mahimbing na natutulog. “Honey… breathe… kalma lang. It was just a bad dream.” Hinahabol ko pa rin ang aking hininga dahil takot na takot ako. Pinunasan ni Tom ang tumatagaktak kong pawis

