Chapter 34 ERA POV “Patawad—” Hindi ko lubos maisip kung paano humingi ng tawad si Donya Sevi sa akin. Parang ang hirap paniwalaan na si Donya Sev na maliit at mababa lang ang tingin sa akin ay hihingi ng tawad. Mabait ang donya. Napaka-bait niya talaga, iyon nga lang, ayaw niya sa gaya ko bilang asawa ng kanyang unico hijo. Valid naman siguro ang rason niya, oo katanggap-tanggap yun. Sino bang ina na gaya ni Donya Sevi na gugustuhin ang isang muchacha para sa anak niya na pinalaki niya at binusog ng pagmamahal? Binihisan ng ginto at binuhusan ng karangyaan. Mapupunta lang sa gaya kong tagapagsilbi? Lalo lang bumuhos ang luha ko nang dinukot niya mula sa kanyang bulsa at ipinakita niya sa akin ang isang bracelet. Ito yung bracelet na regalo ni Tom sa akin noong kaarawan ko ngunit bigl

