Chapter 35 ERA POV Matapos namin mag-usap ni Donya Sevi, nakalimutan ko na ang pait at hapdi ng nakaraan. Burado na sa isipan ko kung ano man ang mga masasakit niyang sinabi sa akin at ang aking dalangin nawa ay bigyan pa siya ng mahabang buhay na may malusog na pangangatawan. Para ma-enjoy pa namin ang mga natitirang araw niya sa mundong ibabaw. Sinulit namin ang bawat araw sa Hacienda Villoria. Ako ang naging private nurse ni Donya Sevi at si Nanay naman ang nag-aalaga kay Rina. Palagi rin siyang nasa kusina para mag-luto at maghanda ng aming kakainin. Palaging may maliit na salu-salo sa Hacienda, small family gatherings na mga malalapit na kamag-anak ni Tom ang imbitado. “Nay, doon na lang po kayo sa party hall, huwag na po kayo sa kitchen. Bahala na po si Manang Dulce riyan,” sab

