Chapter 5
TOM POV
Pag click ko sa file at bumungad sa akin ang birth certificate ni Rina, naiyak na lang ako…
Mikhaella Erina Matimtiman Gaudin
“Gaudin” who the heck is this Gaudin? Napa-sandal na lang ako sa upuan na rattan. If I knew this before, kasabay ng mga problema ko sa hacienda, baka nga mag breakdown na ako. Hindi ko yata kakayanin ang sunod sunod na problema gaya nito. Emotional problem is so f*cking overwhelming and hard to bear. Mabuti na lang at kahit huli na ako, still, I can fix this.
“Mikhaella” hindi naman masyadong obvious na galing ito sa full name ko na “Michael”. Sinunod kong buksan ang mga nakalap na impormasyon ni Vhin.
Nickolo Gaudin, this must be “Nick” na fiance umano ni Era. He’s half Italian kaya naman pala mukhang modelo. I checked his personal information at napabuntong-hininga na lang ako. Very impressive ang family background, credentials, at achievements sa buhay. Nakakabilib naman talaga. Isa siyang doktor. Not just a doctor, but also a director ng isang hospital na pagmamay-ari ng mga Gaudin.
Kinakabahan ako, baka tuluyan nang mawala si Era sa akin. Madali lang ako palitan kung ganitong lalaki ang ipapalit sa akin. Kaya pala after all these years, hindi man lang niya ako naisip.
For the first time in my life, nakaramdam ako ng matinding insecurity. Nagselos din naman ako kay Miguel noon pero it was more of admiration. Miguel is a self-made man, from nothing to becoming a multi-millionaire. But Nick and I have almost shared the same fate- rich kid, born in an affluent clan, isinilang na may gintong kutsara sa bibig. Pero mas successful siya sa akin. Ang mas masakit pa, mas pinili siya ni Era over me.
Binasa ko rin ang profile ni Era, alam ko naman na graduate siya ng Nursing. Pinag sabay niya ang pag aaral at pagiging caregiver kay Papa Ramon. Pagkatapos ng gabi na may nangyari sa amin ay wala na akong balita. Nag apply pala siya bilang nurse sa Gaudin Hospital. Dito niya nakilala si Nick. Ang Lenwa Resto by the seaside naman ay pagmamay-ari ng ate ni Nick. Dito nag part time si Era habang nag aaral at tinatapos ang Nursing at dahil napalapit ang ate ni Nick kay Era, ipinasok siya sa Gaudin Hospital tutal isa naman siyang nurse. Gayunpaman, mas pinili ni Era ang magtrabaho sa Lenwa Resto, sa hindi ko alam na dahilan.
Gusto ko sanang maka-usap si Miguel at hingian ng mga payo kung anong maganda kong gawin. Siya kasi ang confidant ko. Siya nga ang umayos ng problema sa hacienda kaya naibalik sa pangalan ko ang lahat ng pinamana na properties ni Papa. Pero nasa honeymoon sila ni Frenzy,. Ayaw ko naman siyang istorbohin. Ganun din si Aya, busy siya sa nalalapit na kasal nila ni Yves. So, I’m alone in this battle. Tama lang naman, this is too personal, kaya ko itong lusutan on my own. Masyado na kong naging dependent sa mga taong nasa paligid ko kaya si Vhin na lang talaga ang aasahan kong katuwang. Trabaho naman niya talaga na tulungan ako dahil binabayaran ko siya.
So I kept on asking Vhin to gather more info. Bukod kasi kay Miguel, si Vhin lang ang matalik kong kaibigan, one of the few na pinagkakatiwalaan ko. Pinagkatiwala ko muna sa kanya ang pamamalakad sa hacienda dahil nag extend ako ng 1 week sa beach resort. Kung may aberya man sa hacienda, gaya ng pag dispalko sa finances, siya lang ang kakastiguhin.
Buong gabi ay nag-isip ako kung anong gagawin ko para makuha si Era. Napanghihinaan ako ng loob. Masyadong umiiral ang emosyon. Paanong hindi, eh sigurado akong may anak kami. May karapatan ako. Kailangan namin mag usap ni Era. Kung ayaw niya sa akin at magpakasal kung kanino mang hudas niya gusto. Basta ibigay niya si Rina sa akin. Pero…
Hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang ipaubaya si Era. Dalawa sila ni Rina na babawiin ko. Ilalaban ko sila hanggang dulo.
Kinabukasan, kahit sarado pa ang Lenwa Resto, naroon na agad ako sa entrance prenteng naka-upo sa rattan na upuan sa labas, naka shades pa, cap, at polo. Nauna pa ako sa guard at sa manager.
“Hi Sir, sorry po sa—”
Nahinto si Era sa pagsasalita nang tinanggal ko ang aking shades. Napalitan ng pagsimangot ang kanyang mukha.
“Ganyan ba kayo ka-kupad dito? Nasaan na ang manager niyo? Nasaan na yung may-ari? Bibilhin ko na lang itong resto.”
Napa-irap si Era. Alam ko naman na siya ang manager. Nagbibiro lang naman ako, pero kung papayag ang owner ng resto ay bibilhin ko na talaga. But I doubt, kasi si Eliz Gaudin na ate ni Nick ang may-ari nito. Siguradong hindi niya ipagbibili kahit kanino.
“Sir, marami naman pong resto sa lugar na ito na mas maagang nagbubukas. Pwede pong duon na lang kayo kung gusto niyo–”
“So, tinataboy mo ’ko? Ganyan ba ang customer service niyo?”
Lumapit si Era sa akin at dinabog ang palad niya sa table. Mukhang ginalit ko siya.
“Mr. Tomas, hindi pa bukas ang resto, bulag ka ba? Technically, hindi ka pa customer at hindi pa ako empleyado kaya malaya pa kitang sagot sagutin at wala kang karapatan na utos-utusan ako! Umalis ka na nga, aga aga nakaka highblood ka!”
Ngumiti lang ako para lalo pa siyang asarin. Gagawa ako ng paraan para pansinin niya ako. Wala akong paki-alam kung sabihin man niyang papansin ako. Basta gusto ko siyang maka-usap.
Hinawakan ko ang kamay niya at nagseryoso na ako. “We have to talk, Era. I have gathered enough information para makuha si Rina–”
Binawi niya ang kanyang kamay mula sa aking pagkakahawak at lalo lang tumaas ang boses niya. “Hoy, kung wala kang magawa, huwag ako ang bwisitin mo. Kung hindi ka pa titigil, tatawag ako ng pulis–”
“Go ahead, para makarating na tayo sa legal battles. Mas maigi na rin na magkita tayo sa korte–”
Kinuyom na lang niya ang kanyang kamao, pinipigilan ang sarili. “Umalis ka na. Walang may kailangan sa’yo dito.”
Nasaktan ako sa sinabi niya. Lalo na sa pinapakita niya sa akin ‘Why do you hate me that much? Ano bang nagawa ko Era? What wrong have I done para saktan mo ‘ko ng ganito? Dalawa tayong bumuo kay Rina–”
“Sabi ko tama na Tom!” hiyaw ni Era at tinalikuran na ako dahil may mga customer na rin na parating. Kailangan niya ng buksan ang resto. Nanatili lang ako sa labas naka-upo. Hindi ako pinapansin ni Era. isang server ang lumapit sa akin para kunin ang aking order.
Hindi natapos sa breakfast ang pananatili ko sa resto, hanggang tanghali ay nag stay ako. Hanggang sa kakaunti na ang customer. Sinasara ang resto every 1pm para makapag lunch ang mga staff. Naiwan si Era sa kusina dahil ang dalawang staff at ang cook ay lumabas para kumain, mahaba haba kasi ang breaktime nila dahil hindi naman matao sa isla kapag ganitong oras.
Hindi ko na pinaglagpas ang pagkakataon na maka-usap si Era. Isasara na sana niya ang pinto nang agad akong humarang. HIndi naman niya ako kayang piglan dahil mas malakas ako.
“Sir! Sarado na po kami–”
Niyakap ko agad siya at hinalikan. Sabik na sabik talaga ako sa kanya. Napagod na lang siya sa kakapumiglas sa akin kaya sinabayan na lang niya ang aking halik. Ito ang hindi ko maunawaan sa kanya, Alam ko at ramdam kong mahal niya rin ako, pero bakit?
Binuhat ko siya at dinala sa kusina. Hinila niya ako sa bandang gilid. “May CCTV diyan Tom,” bulong niya habang nakayuko at namumula ang buong mukha. Napangiti ako, she’s giving me the permission to claim her again.
“I miss you so much Era–”
‘Tom, Savih na ang pangalan ko. At ikakasal na ako.”
“I don’t f*cking care.”
Mainit man ang kusina pero mas nag-aalab ang init ng katawan namin ni Era.
Ito na ang simula ng makasalanang tanghali ni Savih.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER