Chapter 4
TOM POV
“DNA test. I dare you Era for DNA paternity test kay Rina.”
Hamon ko kay Era matapos niya akong talikuran at iiwanan na naman niya ako.
Tumigil siya sa pag lakad at mariing sinabi na “No!”. Nakatungkod ang baba ni Rina sa balikat ng kanyang mama at nakatingin sa akin. Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ni Rina habang papalayo na sila sa akin. She just melted my heart…
Pero hindi ko na matanaw ang ngiti ni Rina dahil natakpan na ito ng braso ni Nick nang umakbay ito kay Era.
“You can’t stop me! I will do it!” malakas kong sabi, enough for her to hear it.
Napahinto sa pag lakad si Era pero nanatili lang siya sa kinatatayuan, ni hindi man lang ako hinarap. “Magpa-file ako ng restraining order.” Muli siyang lumakad papalayo. Tatlong beses niya na akong iniwan pero bakit mas masakit ngayon? Doble ang sakit habang pinagmamasdan ang paglisan nila ni Rina na kasama ang ibang lalaki.
Wala na akong nagawa kundi ang tignan sila habang unti unti na silang mawala sa aking paningin. Napakasakit.
Bago ako umalis ng resto, umorder ako ng sampung beer in can. Magpapakalunod na naman ako sa alak. Sayang dahil hindi ko na naabutan ang sunset. Gaya kagabi, umupo ako sa buhanginan at pinagmasdan ang payapang dagat at pinakinggan ang banayad na hampas ng alon habang lumalagok ng beer.
Hindi na ako umaasang gaya kagabi na dumating si Era at sinulit ang gabi. Pinangako ko sa sarili ko dati na hahanapin ko siya at paparusahan dahil sa pag iwan niya sa akin. Pero heto ako ngayon, nag-iisa, nagmumukmok. Pinaparusahan ang sarili.
What the f*ck! Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko? Kaya tumayo na ako umuwi sa cabin. Iba talaga dito sa isla, alas sais palang ay tahimik na, oras na para matulog. Hindi gaya sa hacienda, I work hard, day and night. Nasanay na ako sa daily hustle ng haciendero life kaya it’s hard for me to sleep early bukod sa naiisip ko si Era.
Kaya ang ginawa ko buong gabi ay mag-isip ng kung ano bang plano ko sa buhay? Paano ko liligawan si Era kung may iba na siya? Paano ko mapapatunayan na ako ang ama ni Rina kung ayaw pumayag ni Era sa DNA test? Ayoko sanang humantong pa kami sa legal battles dahil sobrang abala nun para sa kanya. Bakit kasi hindi na lang niya aminin na nabuntis ko siya four years ago? Gusto ko nang suntukin ang salamin sa side table at magwala. It is so frustrating. I feel so helpless. So weak. Kagabi habang naliligo siya sa bathroom, kinuha ko ang number niya kaya tumawag ako sa kanya. Mabuti at sinagot niya dahil kung hindi ay pupuntahan ko talaga siya kesehodang mag-file siya ng restraining order sa akin.
“Paano mo nakuha ang number ko–”
“It doesn’t matter how, ang mahalaga ngayon, Era, come with me sa hacienda–”
“Tama na Tom. Just let me go–”
“What the hell Era, bakit mo ginagawa sa akin ito? Bakit ba ayaw mo sa’kin? You know how frustrating it is? Ano bang kulang sa’kin? I can’t believe na ginagawa sa akin ‘to ng isang muchacha!”
Sa sobrang pagkabuwisit ko, nasabi ko ang mga bagay na yun. Very unbecoming of me. Damn it! Lalo akong lalayuan ni Era. Huminga ako ng malalim, I know I’ve said something terrible.
“Oo, yun ang dahilan, katulong lang ako. Hindi naman siguro mahirap maintindihan yun.”
“I’m sorry, Era, hindi ko sinasadya—”
HIndi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ang linya. F*ck! How frustrating could it be? Muli ko siyang tinawagan at mabuti naman at sinagot niya ulit. Hindi ko na hinintay ang response niya.
“Era! If you don’t like me, then give me my daughter!”
“What daughter?”
Natahimik ako dahil hindi si Era ang sumagot. Lalaki. I’m sure it is Nick.
“Stop pestering my fiancee, would you?”
Iyon lang ang sinabi ng lalaki at pinutol na ang linya.
“Stop pestering my fiancee, would you?”
Paulit-ulit ito sa isip ko. Halos mabitiwan ko na ang cellphone ko. Fiancee? Muntik na akong mapanghinaan ng loob. Inisip ko na lang na, fiancee pa lang naman. Marami pa ang pwedeng mangyari. Dahil sa cute girl na yun, I would pursue Era. Naniniwala ako na anak ko ang bata na yun. She resembles me a lot. Kahit pagtabihin pa kami ng Nick na yun at ipagitna si Rina kahit wala ng DNA test, no doubt, mas ako ang sasabihin na ama ng bata. Come on, maputi, matangkad, at higit sa lahat she has an Arab-like appearance, ang kanyang facial features. I am half Bahraini, at evident rin sa mukha mukha ni Rina. Paano pa maitatanggi?
This night, hindi ako makakatulog that’s for sure. Kaya walang atubiling tinawagan ko si Marvin, ang aking kanang kamay.
“Vhin! Nahanap ko na si Era. I want you to check her background, what happened to her these past four years. Pati yung background ng boyfriend niya. But the urgent, yung record ng anak niya. I strongly believe, anak ko yun so dig deeper, as deep as you can. Please.”
“Noted Boss. Maaga-aga pa naman. Kayang kaya ko ihabol yung last request mo.”
“It’s not a request Vhin. it’s an order!”
“Aright Boss! Relax ka lang. Alam kong excited ka na. By the way, congrats. Pasensya na talaga. So much negligence on my part.”
“Ayos lang Vhin. Mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpakita.”
“No actually Boss—”
Natigilan ako, mukhang may aaminin si Vhin sa akin regarding kay Era.
“Sa daming problema mo nung nakaraan Boss, sinadya ko na talagang pinaka last priority ang paghahanap kay Era. Sa dami ng problema baka lalo kang ma-depress. Boss, last month ko pa nahanap si Era–”
“Bakit ngayon mo lang sinabi?”
“Boss, ako ang nag set up ng pagkikita niyo.”
Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. Kaya pala.
“Boss, ako ang nag suggest kay Boss Miguel na sa beach resort na lang na yan ang venue ng kasal nila kung trip nila ng beach wedding.”
Ok, ganun pala. Gusto ko sanang magalit dahil isang mahalagang info sa akin ang nalalaman niya pero nilihim niya sa akin. Pero mapapalampas ko yun dahil ang mahalaga ay nakita ko si Era.
“Boss, nakuha ko na talaga ang info na gusto mo. I-send ko na lang sa’yo sa email.”
“Salamat Vhin. You deserve much reward…”
Pagkatapos namin makapag-usap binuksan ko na ang aking laptop at hinintay ang ipapadalang info ni Vhin. Maya maya lang ay na-send niya na. Grabe ang kabog ng dibdib ko habang tinititigan ang files na sinend niya.
Pag click ko sa file at bumungad sa akin ang birth certificate ni Rina… napaluha na lang ako.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER