bc

Trapping the CEO

book_age18+
16.9K
FOLLOW
80.1K
READ
sex
love after marriage
arranged marriage
playboy
CEO
sweet
bxg
nerd
city
virgin
like
intro-logo
Blurb

To my readers here in Dreame/Yugto,

Due to personal reasons, I have decided to stop writing for this company. All my ongoing stories will be completed in my new app (Raven Sanz — availabe in Playstore; coming soon to IOS).

Thank you for supporting my stories.

Sincerely,

Raven Sanz

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SA edad na twenty three ay hindi pa ako nagkakanobyo. Bukod sa wala pa ‘yon sa isip ko ay sino ba naman ang magkakagusto sa isang tulad ko? Sabi nga ng kaibigan kong si Cleo ay mukha pa akong mas matanda kay Manang Lucinda na mayordoma namin dito sa bahay. Katulad na lang ngayon, nandito si Cleo sa bahay at may sleep over kami. "Gia naman! Kulang na lang himatayin ako sa takot sa 'yo. Daig mo pa ang multo sa suot mo. Saan mo ba nabili 'yan? Parang pangtulog ni Miss Minchin! Closed neck talaga? Oo, alam kong aircon ang bahay ninyo pati ang kwarto mo pero pwede namang pares ng pajama," umiikot ang matang sabi nito. Napatawa ako. Hindi mayaman sina Cleo Sta. Catalina. Naging kaklase ko siya sa high school at maging sa unibersidad dahil sa scholarship. Ang tatay nito ay isang clerk sa munisipyo at ang kanyang ina ay may maliit na sari-sari store. May isa siyang kuya, si Corbin. Matanda ito ng dalawang taon sa amin. Mabait siya sa akin at palagi akong binibigyan ng kung ano-anong pagkain. Binibiro ko na nga siya na baka gusto niya lang akong tumaba. Likas kasing hindi tabain ang lahi namin. Kahit si Mommy ay payat din. Sa height kong limang talampakan at siyam na pulgada ay pwede na raw akong maging modelo, sabi ni Cleo. Lamang ay kailangan ko ng extreme makeover. "Sa rito ako komportable. You see, hindi ko na kailangang magkumot kasi mahaba na ito, tapos mahaba rin ang manggas. Plus it's very soft, try mo minsan," alok ko sa kanya. Nanghilakbot ang itsura nito. "No, thanks. Baka tuluyan na akong hindi makapag-asawa kapag 'yan ang sinuot ko sa pagtulog. Aba ay maalin sa maaga akong mabyuda dahil inatake siya sa puso sa takot na multo ako, o kaya ay magtatakbo siya palayo sa akin at hindi na magpakita kailanman. Nevertheless, forever alone pa rin ako, sissy!" Nailing ako sa kanya. "Cleo, bente tres pa lang tayo ay nasa pag-aasawa ka na. Kung ayaw mong maging forever alone, nand'yan naman si Natoy. Hindi ba at palagi kang iniiwanan ng gumamela sa may gate ninyo? Aba ay may matching love letter pa!" tukso ko sa kanya. Alam kong ayaw niya rito dahil bukod sa sugarol ay bungal pa. "Ikaw talaga! Sa dami ng maiisip mong ibagay sa akin ay ang lintek na lalaki pang 'yon! Naku! Kung siya lang din ang kahuli hulihang nilalang sa mundong ibabaw ay huwag na. Face niya ha! Kahit yata ipagawa ko ang pustiso niya at bigyan siya ng trabaho ay hindi ko maaatim na makasama siya habambuhay." "Grabe siya! Sige, iba na lang. Ihahanap kita ng pogi sa opisina," naghahanap ako ng mapapanood namin sa Core. Pag-aari ng pamilya ko ang Core Productions. Well, pag-aari ko na pala ― pansamantala. But we can talk about it some other time. Sa ngayon ay ayaw ko munang isipin dahil wala nang isang buwan ang taning ko. "Naku! Nalibot ko na ang buong company, lahat taken na!" tumirik pa ang mata nito habang nagkukwento sa akin. "Malay mo naman, may bagong hire," sabi ko sa kanya. Crush na crush kasi nito si Hector Paredes na nasa HR department. Dangan lang at may girlfriend na ito at bantay-sarado. Aba, ay ang babae rin ang sumusundo kay Hector sa may lobby. Taga kabilang building ito. Bawal kasi ang office romance sa Core. "Kailan kaya maghihiwalay ang mag-jowang 'yon? Hindi naman sila bagay! Nakita mo ba kung gaano kalaki ang puson ng babaeng 'yon? Aba ay kanin pa more! Hindi gumaya sa akin. Tingnan mo naman, kahit hindi katangusan ang ilong ko ay may ipagmamalaki naman ang kaha ko," tumayo pa ito ng tuwid at nag-pose na parang rumampa sa Miss Universe. Minsan ay hindi ko maintindihan kung paano kami naging magkaibigan. Basta isang araw na lang noong first year high school kami ay narinig niyang tinutukso ako ng mga kaklase namin. Hindi ko rin alam kung likas siyang siga o talagang ayaw niya lang akong api-apihin ng kahit sino pero hinarap niya ang mga ito at tinakot na mangkukulam ang nanay niya at iisa-isahin niyang lalagyan ng mga butlig ang mga mukha ng mga ito. Simula noon ay wala ng nanukso sa akin pero alam mo naman ang mga tingin ― it could mean a thousand words. Noong una kong narinig ang mga kulam at butlig na sinasabi niya ay wala akong clue. Growing up in Ganfornina's household meant being prim and proper. No slouching, no swearing, and you always have to dress presentable. Hindi ka bababa o lalabas ng kwarto nang hindi nakaayos unless gabi at matutulog na— even with that, sisiguraduhin munang walang ibang bisita. My father was very strict, ganoon din ang aking ina, pero ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin. That's how their parents raised them, so the way they raised me is what they have always known. Hindi ko sila pwedeng sisihin sa parteng 'yon. I lost them when I was seventeen. Nag-crash ang eroplanong sinasakyan nila pauwi galing Spain. Since then ay si Tito Alfonso ang naging guardian ko. Bestfriend siya ni Daddy mula sa pagkabata kagaya ng mga ama nila. "Earth to Gia! Natulala ka na naman. Ang kundisyon ba sa mana ang iniisip mo?" tanong nito. Nasabi ko sa kanya ang tungkol dito dahil wala naman akong paghihingahang iba. Tumango ako. "Oo. 'Yon nga ang iniisip ko. Wala ng isang buwan ang taning ko. Kung sa hirap lang din ay kakayanin ko. Mag-uumpisa ako sa simula sa trabaho kahit ano pa 'yan. Ang hindi ko kaya ay ang mawala ang mga ipinundar nina Papa at mawala ang ilang alaala ko sa kanila." Napahilamos ito sa kanyang mukha. "Kahit pala sobrang yaman, mahirap pa rin pala. Aba ay paano natin paaamuin ang isang katulad ni JL? Inday, bukod sa takot siya sa sakal este kasal— ay hindi ka niya type!" Ouch. Totoo naman 'yon. Sa edad na bente otso ay papalit-palit ng nobya si JL na parang nagpapalit lang ng damit. Base rito ay mukhang takot nga siya sa commitment. Alam na kaya niyang naipagkasundo na siya sa akin ng kanyang ama?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook