Nagising ako nang maaga sa tahimik kong kwarto. Hindi ko na muna tinignan ang phone ko dahil nag o-overthink ako na baka ano nan naman ang mabasa ko. Huminga ako nang malalim at sinulyapan ang laptop ko sa desk na hindi ko nagalaw nang ilang araw. Bumangon ako para buksan 'yon at i-check. Ang daming emails mula sa mga brands at endorsements na kailangan kong asikasuhin. May access naman si Janice sa email ko na 'to kaya sigurado akong nabasa na niya at baka na-schedule na rin niya. I wonder why she wasn't calling? I texted her and informed na nakauwi na ako. Nag set ako ng meeting with her sa isang coffee shop na hindi kay Benj. Ayaw ko na munang makita siya. Ayaw ko na munang maipit sa sitwasyon dahil mas gusto ko na lang munang mag focus sa mga responsibility na naiwanan ko. Mabilis a

