bc

Twin Flame (Chaotic Hell #1)

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
contract marriage
fated
bxg
mystery
daemon
self discover
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Will write the description after finishing this story.

Written in TagLish! On going... 1/3.

Genre: Fantasy/Romance/Mystery

Ito ang una kong story dito. Nauna kong na-publish sa w*****d kung interested kayo :).

chap-preview
Free preview
Prologue
It's a cold night. December winter breeze is freezing. That means, another trip down the memory lane once again. Sampung taon na ang nakakalipas simula nang patayin ang mom ko. Tandang-tanda ko pa bawat detalye na parang kahapon lang 'to nangyari. It still haunts me through my dreams, every f*****g night. She was killed exactly tonight, the same date and time but ten years ago. Eight years old pa lang ako nuon. An eight year old version of me watched her mom die right in front of her. Ipinikit ko ang mga mata ko at niyakap ang sarili. Parang isang video na nag-replay sa utak ko ang nangyari nu'ng gabing 'yun. Lumalabas ang dugo mula sa mga mata at bibig ni mom. "Run, Riley!" Paos na sigaw niya habang ang taong pumatay sa kaniya ay ibinaon ang mga mahahabang kuko sa dibdib niya. Duguan ang kamay niya nang ilabas ito mula sa dibdib ni mom, hawak ang mapula at tumutibok na bagay. Rinig na rinig ko ang pagpatak ng mga dugo ni mom sa kamay niya, na parang isang sirang tubo ng tubig. Nanginginig ang mga tuhod kong tumakbo sa hindi ko alam kung saan. I run trough the woods, crying, breathless and tired. Hindi ko pinansin ang pagdudugo ng mga sugat ko sa katawan dahil sa matutulis na bagay na nadaanan--wala lang ito sa sinapit ni mom o sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko habang inaalala ang walang buhay niyang katawan. Walang tao ang kayang gumawa ng gano'n ka inhumane na pagpatay. A very gruesome way to kill someone. Wala akong maalala sa hitsura niya ang hindi ko lang makakalimutan ay ang simbolo ng tatlong stars sa noo niya, para itong nagliliyab na baga--glowing red like a fire. It's not a human. Wala na akong masyadong maalala sa childhood ko at tanging 'yun lang ang hindi ko makalimutan. Totoo ngang mas madaling kalimutan ang magagandang alaala kaysa sa mga masasama, kahit gaano mo man ito ka-gustong burahin sa alaala mo. "Anong ginagawa mo diyan, Riley? Ang lamig-lamig kaya!" Idinilat ko ang mga mata ko. Tumabi sa'kin ang pinsan kong si Nancy. Suot niya ang makapal niyang jacket pero kitang-kita ko parin ang isang sleeveless top mula sa ilalim nito. "Saan ka pupunta?" Tanong ko. Napansin ko din na may suot siyang makeup. "Magpapainit lang." Makahulugan siyang ngumiti sa'kin. "Sama ka? Sa Da Eve lang naman." Pinakamalapit na bar dito ay ang Da Eve. Palaging puno ng mga taong gusto magpakalasing, sumayaw o maghanap ng makakalaro sa kama. Tatlong beses pa lang ako nakakapunta doon at tatlong beses din akong lumabas ng walang malay sa kalasingan. I have the worst alcohol intolerance ever. "Hindi ka pa nadadala na isama ako sa pag-inom, Nancy." She chuckled. "Ayos lang 'yan. Ngayong gabi maghahanap na tayo ng tagabuhat mo." Kumindat pa siya. Kahit halos mamatay ako sa sakit ng ulo pagkagising dahil sa hangover tuwing umiinom, masarap parin sa pakiramdam malasing. Walang iniisip. Tahimik ang utak ko. It's like a temporary turn off button. Siguradong bubungangaan nanaman ako ni lola pag-uwi ko pero kailangan ko ng pamapatulog. Alam kong hindi nanaman ako dadalawin ng antok ngayong gabi. "Sandali lang ako. Pampaantok lang." "Kung pampaantok lang ang kailangan mo dapat sinabi mo na agad kanina pa. My fists are always ready." Inirapan ko ang tumatawa kong pinsan bago pumasok sa loob ng bahay. Umakyat ako sa kuwarto ko nang dahan-dahan at hindi lumikha ng tunog. Tulog na si lola at baka kamao niya rin ang magpapatulog sa'kin kapag nagising ko siya. Mabilis akong naghanap ng masusuot hindi parin gumagawa ng ingay. Kaunti lang din naman ang mapagpipilian ko sa mga damit ko. Tennis skirt at oversized rock band t-shirt ang nadukot ko mula sa magulo kong closet. Lahat ng suot ko ay itim pati na rin ang boots ko. Mukha akong goth princess o nasa emo phase ng buhay ko. Talagang coincident lang na kulay pang-lamay ang mga nadukot kong masusuot. As usual, Da Eve is packed. Karamihan ay mga teenagers na ka-edad lang namin ni Nancy. It's ony nine o'clock but they're getting wild on the dance floor already. Umupo kaming dalawa sa bar counter. Naputol ang sinasabi ni Nancy tungkol sa boyfriend niya nang kuhanin ng bartender ang order namin. I ordered one Manhattan cocktail. Kagaya ng sinabi ko, hindi ako magpapakalasing ngayong gabi. 'Yun lang yata ang pinaka-'light' na mayroon sila. "Kasama ni Lucas si Caleb." Itinaas ni Nancy ang dalawa niyang kamay na parang sumu-surrender. "I swear, hindi ko alam na isasama niya si Caleb. Ngayon ko lang nabasa ang text niya." Boyfriend ni Nancy si Lucas habang si Caleb....he's a long ass story to tell--a piece of work . The guy just can't take 'no' for an answer. Matagal na niya akong nililigawan, since grade 7. Hindi lang siya kagaya ng ibang tao na humahanga sa'yo, Caleb is a rich kid brat. Apo ng mayor kaya nakukuha lahat ng gusto kahit stalk-in pa ako. Huling araw ng pasukan bago ang holiday break, last week, nasapak ko siya. Nauubusan na ako ng pasensiya sa ilang taon niyang pangha-harass sa'kin. Ni-lock niya ako sa janitor's room sa school at pinilit akong i-video ang sarili ko habang naghuhubad. Makakalabas lang ako kapag nai-send ko na sa kaniya. Naghintay ako ng halos kalahating araw sa loob. Wala akong pake kung mamatay ako doon pero hindi ko ibibigay ang gusto niya. Ini-imagine ko pa lang na pinagnanasaan niya ako habang nagma-masturbate ay nasusuka na ako. Maagang pumasok ang janitor kinabukasan, doon lang ako nakalabas. Sa kapal ng mukha ni Caleb ay sinalubong niya pa ako sa labas ng school. Doon ko na siya nasapak. Sa huli, ako pa ang may kasalanan at ipapapulis dahil sinapak ko daw ang 'napakabait at matalinong' apo ng mayor. Mabilis kong ininom ang natitirang laman ng Manhattan ko sa inis. Hindi lang tipikal na cocktail glass ang pinaglagyan nila nito kung 'di highball. Kahit hindi ito gano'n ka-tapang para sa'kin, sa dami nito ay medyo nahihilo na ako. Umiinit na rin ang katawan ko, hindi na ramdam ang malamig na simoy ng hangin, manhid na. Tumigil ang mga sumasayaw na babae sa gilid namin. Pare-parehong natulala sa entrance ng bar. "Anong meron?" Narinig kong tanong ni Nancy bago natahimik. Sinamahan niya ang mga tulalang babae sa gilid ko. Salubong ang kilay kong lumingon sa likod ko--sa tinitingnan ng mga tulalang babae. Lahat ay nakatingin sa isang matangkad na lalake. Siningkit ko ang mga mata ko, medyo nahihilo na ako kaya malabo na ang paningin. Naglalakad sa dance floor ang isang lalakeng nakaka-intimidate ang hugis ng katawan at tangkad. Nakagilid siya mula sa'min, a free view to his perfect side profile. Napakatangos ng ilong, pouty lips, defined cheekbones, masculine jawline...straight from the GQ male model factory. He's too perfect for a man. He must be a robot, an alien, glitch sa simulation or something. Kinagat ko ang labi ko. Naiinis ako dahil hindi ko dinala ang phone ko o sketchbook. A perfect structure of a man is right in front of me, perfect for my painting. Symmetrical lahat ng features niya. He's a walking art. His jet black hair is a little bit longer. Umabot na 'to sa mga mata niya. I had the sudden urge to run my fingers through it--it looks so soft. He's too hot--hot as motherfucking hell! Napainom ako sa tonic and gin ni Nancy. Pakiramdam ko kasing tuyo na ng Sahara dessert ang lalamunan ko. Bahagya akong umayos sa pagkakaupo sa bar stool. Inilapit ko ang dalawa kong legs sa isa't-isa dahil sa kung anong tumitibok dito. I feel so turn on just by looking at him. Kahit yata maghubad sa harap ko si Caleb at kung sinong lalake ay hindi ako makakaramdam ng ganito. Hindi ko alam kung bakit pinagnanasaan ko ang isang napaka-guwapong lalake sa bar na hindi ko manlang kilala. And he looks scary and intimidating. Kahit ang mga lalake sa bar ay gumigilid at napapatingin din sa kaniya. His presence screams testosterone--alpha of the pack vibes. I never felt this random pulsing, tingling and electricity on my body before. I feel like I'm ready to spread my legs just for him. Disappointing, Riley. It's just the alcohol, right? Lumingon-lingon ang lalake sa paligid na parang may hinahanap. Huminto lang ang mala-tsokolate niyang mga mata nang makarating sa'kin. His eyes are hazel color--they tell so much tales at the same time, they look... empty. Tumaas ang gilid ng labi niya at ngumisi, in recognition--parang magkakilala kami. Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa batok, lumamig muli yata ang katawan ko mula sa init ng alak. His mischievous smirk faded slowly. Napalitan ng....galit? He's staring at me with so much hatred and disgust, giving me goosebumps and making my knees weak. I take pride of my ability to sense danger. Simula bata ay alam ko na kung kailan may masamang binabalak ang isang tao sa'kin. And my instinct is telling me to run away from him. He's a danger. Ang madudumi kong iniisip kanina ay napalitan ng mga tanong. Bakit siya nakatingin sa'kin na parang kaya na niya akong patayin dito ngayon? Sobrang galit na parang umaapoy ang mga mata niya. I don't even know him! He shook his head. Bumalik muli ang ngisi niya at umiwas ng tingin sa'kin. Pinanuod ko siya, at ng mga taong tulala sa paligid ko, na umakyat sa VIP room. Huminga ako nang malalim nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Hindi na yata ako humihinga nu'ng nandito siya. Lumingon ang iilang mga tao sa puwesto ko, ang mga mata'y nangkukuwestiyon. "What was that, Riley?" Niyugyog pa ni Nancy ang balikat ko. "I don't know." Wala sa sarili kong sagot. "Anong 'I don't know, I don't know'?! Kung makatingin sa'yo ay parang isa ka sa mga ex niya. Like, you cheated on him two years ago but he's still heartbroken because he loved you so much." Malalaman mo kung lasing si Nancy o kinikilig kapag nakakagawa na siya ng sarili niyang romance novel. "Hindi ko naman 'yun kilala." Inubos ko na ng isang lagok ang natitirang tonic and gin ni Nancy. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, ayaw kumalma! Um-order ulit ako sa bartender ng isang tonic and gin. Kagaya ng timpla na gusto ni Nancy, 95% stronger. Parang nagliliyab ang sikmura ko nang inumin ko ito ng mabilis. Nagbago na ang isip ko. Gusto ko magpakalasing ngayon--dead drunk. Hindi lang pala sa alak umiinit at nagliliyab ang katawan ko kung 'di dahil nandito na ang demonyo--Satan himself rather. Naglalakad palapit sa'min ang boyfriend ni Nancy kasama ang nakangiting aso na si Caleb. Halata parin ang masterpiece ko sa kaliwang mata niya, purple and black ang color scheme. "Uuwi na ako, Nancy." Nagdadabog akong tumayo mula sa stool. Tumango si Nancy. Malaki din ang galit niya kay Caleb at napipilitan lang maging nice dahil apo siya ng mayor. "Kaya mo bang umuwi?" Tanong niya. I stand as still as a rock. Medyo nahihilo na ako pero kapag ihahatid ako pauwi ni Nancy, sasama si Caleb. And that's the last thing I need. Not tonight, Satan. "Oo." "Marami kang ipapaliwanag sa'kin mamaya pag-uwi ko." Bulong ni Nancy malapit sa tainga ko. Hanggang ngayon ay isinusulat niya pa din ang romance novel niya. Magulo na ang linya ng paglalakad ko nang makalabas ng Da Eve. Ipinikit ko ang mga mata ko habang naglalakad dahil umiikot na ang paningin ko, para akong masusuka. Nabuhayan ang fight-and-flight response ko nang biglang may humawak sa balikat ko.Sinipa ko sa manhood niya ang lalake. Napatalon-talon si Caleb habang nakahawak sa alaga niya. Mangiyak-ngiyak siyang umungol sa sakit, muntikan pa akong maawa--maawa sa mga magiging anak niya dahil hindi gano'n kalakas ang pagkasipa ko para mabaog siya. "You b***h! Bakit ba kasi ayaw mo na lang aminin na gusto mong maikama kita. You want to taste my c**k and choke yourself with my length. Just say it baby, I'm all yours." Naglalakad na siya palapit sa'kin habang patuloy akong umaatras, natutumba-tumba dahil sa kalasingan. Kahit gaano ako kalasing ay hinding-hindi ako magpapantasyang mai-s*x ang lalakeng 'to! "Don't you dare come near me, Caleb. Gusto mo bang lagyan ko din ng eyeshadow 'yang isa mong mata?" He laughed maniacally. "That's what I like about you, Riley. Gusto ko ng mga palaban. It turns me on even more." Hinawakan niya ako sa balikat nang madiin. Kung hindi lang ako nakainom ay kayang-kaya kong kumawala. "Lasing ka na, baby. Ihahatid na kita sa kuwarto ko." Pilit kong inilayo ang sarili ko nang nilapit niya ang bibig niya sa leeg ko. Lalabas na yata lahat ng laman loob ko sa pandidiri sa basa niyang labi. "Bitawan mo nga ako!" I yelled. Bumagsak ako sa sahig, ass first, nang biglang bitawan ako ni Caleb. I watch in horror as he bleeds. Nakahawak siya sa ulo niya, namimilipit sa sakit. Bumalik ang alaala nang gabing 'yun sa utak ko. I see mom in Caleb. Dumudugo din ang mga mata at ilong niya. Tinakpan ko ang mga tainga ko gamit ang mga palad. I don't want to hear him screaming in pain. "Stop!" I cried. Kung hindi ako gagalaw at hahayaang lamunin ng anxiety ko, manunuod nanaman ako sa pagkawala ng buhay ng isang tao. Pinilit kong tumayo at nilibot ang mga mata sa paligid, naghahanap ng mahihingan ng tulong. Wala akong ideya sa kung ano bang nangyayari. And there, at the bar's exit door, I saw pair of hazel eyes. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko siya ang may gawa nito. His aura is black, terrifying. Tiningnan ko siya sa mga mata. "Stop!" I pleaded with shaky voice. "Please." Mahinang bulong ko at napapikit, nagdadasal na sana matapos na ang lahat ng 'to. Naghahabol ng hininga si Caleb. Tumayo siya at umaatras palayo sa'kin. With terror in his eyes, he took off. "Mangkukulam!" Mabilis na nawala sa mga paningin ko si Caleb sa bilis ng takbo niya. "Ikaw ba ang may gawa no'n?" Pumipiyok kong tanong sa guwapong lalake na nasa harap ko na ngayon. Tiningala ko siya para magsalubong ang mga mata namin. His eyes are even prettier up close, they have blue specs. Simula nang patayin si mom ng kung ano--isang tao pero alam kong hindi, nahirapan na akong paniwalaan na mag-isa lang tayo sa mundo. Our world is big, enough for any kinds of creature, not just humans, animals....or like the three-starred creature that killed my mom, unknown. There's still a lot to be discovered...some are hiding in the dark. I know this beautiful man isn't human either. Lumapit siya sa'kin at bumulong sa mismong tainga ko. "Stop the act, love." Napapikit ako nang maramdaman ang lamig ng hininga niya sa leeg ko. His voice's deep, cold and distant. Tumaas muli ang mga balahibo ko sa mga kuryenteng dumadaloy sa sistema ko. Kung anu-anong dayuhang emosyon at pakiramdam ang nararamdaman ko sa presensiya niya. He has a weird effect on me. It's scary how much out of control my body gets with his presence. He surely is a danger. With his familiar mischievous grin, he tucked my hair behind my ear. "It's impressive how good you are in pretending to be a mortal. Almost believable." He snapped his fingers. "Welcome back, Nyx." My visions darkened--as dark as the handsome guy's hair. And I fell deep into my slumber, with his angry cold voice as my lullaby.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.4K
bc

LEGERDEMAIN ACADEMY: MAJESTIC FLAIR

read
5.8K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
298.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook