Pilit kong idinilat ang mga mata ko kahit parang may isang sakong bigas sa bawat talukap ko.
My head is pounding. I feel like s**t. Masarap nga ang tulog ko kagabi, nakamamatay na hangover naman pagkagising.
Kinusot ko ang mga mata ko nang puro kadiliman lang ang makita. Akala ko ay nakapikit parin ako o nabubulag na. Madilim lang talaga ang paligid. Walang kahit na anong ilaw o sinag ng araw mula sa labas.
Kinapa ko ang paligid. Alam kong wala ako sa bahay. This place is smelly--like an old rusty metal. Wala akong nakapa na kahit ano sa paligid bukod sa pader at...
Iron bars. Sigurado akong iron bars 'to. Am I in prison? Ano bang ginawa ko kagabi?
"Hello?" Nag-echo ang boses ko.
Narinig ko ang mga yapak palapit sa'kin. Kasabay ng mga yapak ay ang pagbukas ng mala-fire torch na ilaw sa pader, unti-unti hanggang makarating sa'kin.
Lumayo ako sa iron bars nang makita ang mukha ng guwapong lalake sa bar. How can he still looks so enticing and terrifying at the same time? He's looking at me with so much loathing but my damn body is still attracted to his perfect one. I can still see his beautiful features under the torchlight. Too bad. Kung 'di lang siya isang random psychopath na kinidnap ako ay baka yayain ko pa siya sa date.
Ginala ko ang mga mata sa paligid nang mabigyan ng liwanag mula sa mga torches sa labas. The ceiling, walls, and floor are filled with dried blood and moss. That explains the metallic smell.
May nakasabit sa kanang sulok na mga iba't-ibang klase ng torture chains--leg chains, handcuffs and neck collars. All of them looks medieval. Everything about this place feels medieval. I'm in a medieval dungeon. Parang ilang libong taon na ang edad ng mga chains dahil sa mga kalawang at natuyong pulang likido dito...dugo.
I felt a lump on my throat. My body's shaking from the cold dungeon and the thought that this place witnessed a lot of deaths. At baka isa na rin ako sa mga mamatay dito dahil sa nag-aapoy na galit sa'kin ng lalake.
"Pakawalan mo na ako dito! Ano bang kasalanan ko sa'yo?!" Nagpa-panic na ako. Anxiety is overtaking my head space.
"Because I despise you more than any creature! I'm so tempted to decapitate that pretty little head of yours already. Matagal ko ng inaasam makita ka sa isa sa mga dungeon dito, Nyx." His gaze are cruel, digging through my soul. "It's so f*****g satisfying seeing you behind these bars, acting so helpless like those filthy mortals you're living with."
"Nagkakamali ka." Nilakasan ko ang loob ko at iniharap ang sarili sa kaniya. "See? I'm just any other weak humans. Hindi ako kagaya mo, kung ano ka man."
Wala nanaman akong mabasang emosyon sa kaniya pero alam kong handa siyang makinig sa sasabihin ko. I smiled mentally.
"Riley ang pangalan ko. Hindi ako si Nyx. Baka magkamukha lang kami. I'm Ri-leyyyy." Dahan-dahan ang pagsasalita ko na parang isang bata ang kausap.
With an ice-cold smile, "This is getting interesting." Hinawakan niya ang iron bars at lumapit sa mukha ko. In instinct, napaatras ako nang kaunti. "Don't you remember, Nyx? This used to be your entertainment. Here. In the dungeon cells, watching your own kind being tortured to death." May emosyong dumaan sa mga mata niya, sobrang bilis, hindi ko manlang ito nakita nang maayos.
"Hindi nga ako si Nyx. Ano bang gusto mong gawin ko para paniwalaan mo?" Nafru-frustrate na ako sa lalakeng 'to.
"Oh? Did your little spell turn you into a saint too? Are you good now? Nagvo-volunteer ka na ba sa mga charities sa mundo ng mga tao? O nagliligtas ng mga pusa sa puno?" Sarkastiko ang tono ng boses niya.
"Kahit ano pang gawin mong pag-alis ng memorya mo, you're always going to be Nyx--an infamy to the demon world. Disgrace. Marami kang kasalanan dito. Pero sisiguraduhin kong ako ang papatay sa'yo." His eyes are filled with lust for vengeance. Kung ano man ang ginawa sa kaniya ni Nyx, siguradong malaking bagay 'to kung gan'yan na lang ang galit niya. Patay na ako kanina pa kung nakakamatay lang ang mga titig niya.
Demon world? Are they demons?
"Wala bang way para mapatunayan sa'yo na hindi ako ang taong hinahanap mo?"
"Tonight is your execution. Stop with your pathetic act, Nyx." He looks so entertained, his smile deepened. God, he's too beautiful! His gorgeous face is making my chest ache. "Say to your god, Asmodeus, I said hi."
His voice felt like a soft caress. Parang seretonin at drugs. Nakakawala ng sarili, nakaka-adik. Or an aphrodisiac... Causing lustful feeling on my body and increasing my s****l desire.
Papatayin na ako sa mundo ng mga demonyo pero heto ako, pinagnanasaan ang papatay sa'kin.
Parang hindi ko na kilala ang sarili kong katawan.
"Kung napatunayan mong hindi ako tao, tatanggapin ko ang kamatayan ko. But please, let me prove myself that I'm just a damn human!" Nilakasan ko ang boses ko para magtonong intimidating. Para kasi akong nanliliit sa harap niya. I feel so weak and silent.
"You're going to die mercifully. Not the way you deserve to be killed but at least I got to do it with my own hands." Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Finally. After a century."
Naglakad na siya palayo at isa-isa ding namatay ang mga torchlight. Nakatanga lang ako habang mahigpit na nakahawak sa iron bars, nilalamon ng kadiliman.
Umupo ako sa sulok ng maduming sahig. Niyakap ko ang mga nanghihina kong tuhod. Sino ba kasi si Nyx? Bakit sa dinami-dami ng puwedeng maging doppelganger ko ay isa pang demonyo na may malaking kasalanan sa kapwa niya demonyo na handa siyang patayin kahit ano pang mangyari?! Parang matutunaw ang utak ko sa dami ng mga pangyayari ngayon.
Nanginginig ang katawan ko sa lamig kaya nang may marinig akong kaluskos sa labas ay nagsalita agad ako. "Puwede bang makahingi kahit kumot lang?"
Walang sumagot. May nakakulong din ba dito? Sino 'yung narinig ko kanina?
"Prison mate? It kind of feels good to know that I'm not alone here." Hindi muli sumagot ang prison mate ko. "Alam mo bang tao lang ako? Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko sa guwapong demonyo na may mala-tsokolateng mga mata. Tinatawag niya akong 'Nyx'. Hindi naman 'yun ang pangalan ko. I'm Riley, by the way."
I heard a gasp. Gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko. At least bago ako mamatay ay may makakausap ako o mapagkukuwentuhan ng mga bagay na hindi ko sinasabi kahit kanino.
"That guy's hot as hell." I confessed shamelessly. "Nu'ng una ko siyang makita sa bar ay parang nabuhay ang p********e ko. It was the first time I felt those foreign feelings. Siguro ginayuma ako ng lalakeng 'yun dahil handa ko na agad ibuka ang legs ko para sa kaniya." Pakiramdam ko ay nagco-confess ako sa mga pari sa simbahan. Less judgemental nga lang ang prison mate ko--too quiet even.
I heard another gasp from my prison mate. Siguro hindi siya handang marinig ang mga ganito. Naawa tuloy ako bigla, nakakulong na nga siya, napilitan pang makinig sa madumi kong mga iniisip.
"May kung ano sa sistema ko na sobrang naapektuhan sa kaniya. Nakakaramdam ako ng mga kiliti at kuryente. Maybe that's my instinct saying that I'm in danger but it doesn't feel like that. It feels safe and comforting almost." Tumigil ako sandali, hinihintay baka magsalita ang prison mate ko pero wala pa din. Mas okay 'yung ganito. Nakakagaan magsalita tungkol sa mga bumabagabag sa'yo lalo na sa mga taong alam mong hindi ka huhusgahan, hindi ka kilala at hinding-hindi mo na makikita muli.
"Another unspoken secret of mine, my mom was killed exactly ten years ago yesterday. Pinatay siya sa harap ko at tandang-tanda ko ang lahat. Ito parin ang laman ng mga bangungot ko." Pumikit ako at niyakap ang tuhod. Hindi siguro magandang ideya na magkuwento ng malungkot na bagay bago ka patayin. I feel even more depressed now.
"Sorry, prison mate. Wala kasi akong nakakausap tungkol dito sa mundo namin. Natatakot akong husgahan ng mga tao. Baka akalain nilang baliw ako. Ang mga taong may alam sa insidenteng 'yun ay ako ang tinuturong suspect. I love my mother so much. I'll never hurt her." I sound so desperate...desperadong paniwalaan ng kausap ko. Sana ay hindi siya kagaya ng iba na hinuhusgahan ako.
"Wala rin akong kaibigan sa school. Lahat ay nilalayuan ako dahil kay Caleb. He's a pathetic excuse for a man. Hindi ako interesado sa kaniya at hindi niya matanggap 'yun kaya pinagkakalat niya na desperado ako para sa atensyon niya, inii-stalk siya at hina-harass. Binaliktad niya ang pangyayari. Siyempre, maniniwala ang lahat sa kaniya. Isa kasi siyang 'mabait at matalinong' apo ng mayor. Muntikan pa akong makulong dahil sa mga kasinungalingan at kahibangan niya."
Naikuyom ko ang mga palad ko. Totoo ngang napaka-unfair ng buhay. Lahat ng masasamang bagay ay nangyayari sa'kin kahit wala naman akong ginagawang mabigat na kasalanan habang ang mga katulad ni Caleb, nabubuhay ng masaya.
"Life's just too unfair." Bumuntong hininga ako at isinandal ang ulo sa pader. Itutulog ko na lang ang natitira kong oras.
Nagising ako sa pamilyar niyang mga yapak. Kabisado ko na agad ang tunog ng mga paa niya.
Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog. I have no way to track time. Maliwanag pa ba sa labas? I'm starving and shivering.
Bumukas muli ang mga torchlights. Ilang segundo din bago makapag-adjust ang mga mata ko.
Tumunog ang iron bars. Binubuksan 'to nu'ng guwapong lalake. Oras na ba ng execution ko? Kapag talaga namatay ako ay ha-hunting-ngin ko ang totoong Nyx at isasama sa impyerno. Namatay ako dahil lang kamukha ko siya!
Pumasok ang lalake. Tumayo ako at muntikan pang mapaupo muli sa panlalambot ng tuhod at pagkahilo. Mabuti na lang nakahawak ako sa pader.
"Pagsisihan mong patayin ako. For the last time, I'm not Nyx." May guilt ba ang mga demons? Sana lang talaga ay ma-konsensiya siyang patayin ako.
"I'm starting to believe you now. The real Nyx wasn't as weak as you."
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maiinis. "Right? Dahil nga isa lang akong tipikal na mahinang tao." I sounded so sarcastic--mocking.
Naglakad siya palapit sa'kin. Kahit gustuhin ko man umatras ay nakasandal na ako sa pader. Wala ng maatrasan. "Hindi hahayaan ng totoong Nyx na magmukha siyang mahina kahit kanino. She's a powerful succubus demon, after all."
He's wearing a long sleeve black shirt. Nakataas hanggang siko niya ang mga sleeves nito. Parang pilit kumakawala ang mga muscular niyang biceps mula sa tela. He's sculpted like a Greek God!
Nang iangat ko ang tingin ko sa mukha niya, nakangiti na siya sa'kin... His signature grin of mischief.
"There's a way to know if you're actually just a human... or Nyx pretending to be one. She's someone not to be trusted. Deceiving was her speciality."
Medyo nagkaroon ako ng pag-asa nang marinig ko ang sinabi niya at ang "she/her". At least, he's talking about her as someone--not me.
Pinanuod kong bumaba ang mga mata niya sa leeg ko. At ayun nanaman ang pakiramdam ng mga kuryente, dumadaloy at nag-uunahan sa mga ugat ko.
"You wanna drink my blood?" Hindi ko alam kung paano ko 'yun nasabi ng hindi nauutal. Nagwawala ang lahat ng mga natitirang brain cells ko sa utak. Pakiramdam ko kasi namatay na ang ilan sa mga 'to dahil sa mga nangyari ngayong araw.
"Just a little taste. If you taste like human, I'll let you go back to your world. Sabi nila hindi 'to masakit. Female humans are even throwing themselves to us, desperate for us to drink their blood back in the old days."
I felt my n*****s going hard under my shirt. What's with me? Bakit parang gusto kong kagatin niya ako? There's something erotic about the idea of him biting my neck, drinking my blood. It fires something inside me, making me feel hot.
"Your world? Nasaan ba tayo?" Pag-iiba ko ng usapan. Sinusubukang bigyan ng oras para maghunos-dili ang isip ko. It's life and death here, Riley.
"Hell." Maikli niyang sagot habang nakatingin parin sa leeg ko, with hunger in his eyes. It was a breathy murmur--velvety, seductive.
Am I surprised? No. Demons sila, hindi ba? They're obviously living in hell. Medyo natatakot lang ako dahil buhay pa ako pero nakarating na ako sa impyerno. Wala manlang bang trial? Wala na ba akong chance diyan sa langit?
"Okay. Bite me. Please take me home immediately. Baka matuwa na masyado si Satanas sa presensiya ko dito mawalan pa ako ng chance sa langit."
He chuckled. Lahat yata ng gawin niya ay pang-aakit! Pati ba naman pagtawa niya ay napaka-sexy din. Perfect. Once again, life's unfairness.
Hinawakan niya ang baywang ko at hinila ako palapit sa kaniya. The next thing I knew, I was pressed against his body. His body is screaming for dominance. Betrayed by my own body, my instinct immediately submitted myself to him.
Sinuklay niya ang buhok ko papunta sa kabilang gilid. His touch was gentle, alluring. I fought the urge to close my eyes.
I felt his breath warming my neck and couldn't fight it anymore, I closed my eyes, throwing my head back, exposing myself even more to him.
Nang maramadaman ang mga canines niya sa balat ko ay parang nakalimutan ko na muli ang paghinga. My n*****s are hypersensitive from his body heat.
Parang may sariling buhay ang mga kamay ko. Ang kanang kamay ko ay nakahawak sa leeg niya, inilalapit siya lalo sa'kin. Habang ang isa naman ay nag-e-explore sa muscular niyang pangangatawan.
His body felt as solid as the wall behind me. From the freezing cold of the dungeon, there's a growing hot desire between my thighs.
Kusang lumayo sa isa't-isa ang mga legs ko. Opening myself to him, completely submitting. I felt his knees in between.
Parang nakakita ako ng mga bituin nang ibaon niya ang mga pangil niya sa leeg ko. My hands are out of control with their exploration.
I combed his hair using my fingers. They felt as soft as they appear.
Sa una ay may kaunting pitik ng sakit, nalunod mula sa matataas na alon ng pleasures.
Hindi pa ako nakikipag-s*x kahit kanino, but I'm damn sure that this feels better. More erotic and hot. Dumaan sa isip ko ang pag-aalala na baka ubusin niya ang dugo ko at hayaan akong mamatay pero....
This feels forbidden--f****d up. I'm confused but I don't want this to stop.
This felt so sinfully good.
Nang tanggalin niya ang mga pangil niya mula sa leeg ko ay nanghihina akong bumagsak sa matigas niyang dibdib. My bones feel like noddles--weak like I just had the best f*****g o****m in my whole life.
He was right. Hindi ito masakit at naniniwala akong kahit sinong babae ay gugustuhin mamatay para lang inumin niya ang dugo nila.
Nakahawak parin siya sa baywang ko. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at agad lumayo sa kaniya.
I hate this. He's too dangerous. I felt like he knew my body more than me.
He's still a demon. Kaya niyang tapusin ang buhay ko kung gugustuhin niya. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko at hindi ito hayaang umakto sa gusto.
In human world, we believe that demons are very good at deceiving. They're seductive. Naalala ko tuloy ang kuwento ni Eve and Adam. Isang demonyong ahas ang umakit kay Eve para tikman ang mansanas sa garden of Eden....
"You're human." Anunsyo niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.
Napansin ko ang ilang mabibigat niyang paghinga. His eyes are bloody red, unti-unting bumalik ang mga 'to sa hazel.
"You need to get out of here as soon as possible."